Kabanata 7: Paglalapit

1 0 0
                                    


Alam kong bago mo ginawa ang isang bagay ay ito'y pinag-isipan mo? wika ni guro

Opo,dahil bilang isang bantay ay hindi ko maatim na matapos nalang ng ganun ang aking pong misyon .

Alam ko mula ng pagkadating mo dito,na hindi ka padalos-dalos sa iyong desisyon . Hindi ko inaasahan na sa unang pagkakataon,ay hihiling ka ng pagkakamali.Tingin mo? bakit kayo binigyan ng kahilingan na alam nyung mali at bawal? Wika ni guro

Dahil walang hinangad ang diyos kundi mapasaya tayo,ngunit tayo ang gumagawa ng paraan para ito'y mapasama.

Malaya tayong nakakagalaw at pumili,dahil binigyan nya tayo ng kalayaan sa bawat pagpapasya.wika ni Guro

Sa unang pagkakataon ay para mailigtas si Lawrence ay hiniling ko sa unang pagkakataon ang pagiging tao.

Gaya nga ng sabi ko sayo.Sa oras na gamitin mo sa kamalian o kabutihan man ang iyong hiling,ito'y may kaakibat na kaparusahan.,at minsan ang kaparusahan na ito ay minsan nagkakaroon ng kadamay.wika ni guro

Tatanggapin ko po ng maluwag ang ano mang ipapataw po sakin.

Sa iyong kahilingang bilang tao,ikaw ay aalisan ng mga kapangyarihan na tanging anghel lang ang may ganoong kapangyarihan,kung kaya't sa iyong pagbaba sa lupa ay hindi ka na makaka-akyat pa habang may misyon ka pa.Ang iyong pag-akyat sa langit ay hindi na maaari.Ang iyong pakpak bilang anghel ay mananatili,at ito'y hindi tinanggal sa iyo.,dahil sa di ka na pwedeng umakyat pa dito ,at maka-usap ako.Ikaw na mismo ang sasagot sa bawat misyon mo.Ang katawan ng taong pinagkaloob sayo ay binigyan ng pagkakakilanlan.Siya si Dark Luis A. Tan.Isang binata na nakatira malapit sa bahay ng binabantayan mo.wika ni guro.

Sabay turo dun sa fountain na may imahe na nabuo sa may tubig.

Ikaw at si Leo ay mag-pinsan ang katayuan nyong dalawa,yang taong binigay sayo ay nasa isang mayamang pamilya,may hilig sa larangan ng iba pang bagay.Lahat ng gusto mong matutunan sa mundo ng mga tao,ay gagabayan ka na ni anghel leo sa iyong misyon.Sana'y huwag ka ng padalos -dalos sa iyong mga desisyon,at pawang pag-iingat sa bawat galaw mo sa lupa. Wika ni guro

Masusunod po.,at aking inuunawa.

Sa muli nating pagkikita ay hangad ko ang iyong pagtatagumpay sa iyong misyon.,mula noon hanggang sa huling pagkakataon.Hanggang sa susunod. mag-iingat ka.wika nya






Alam mo ba ang mangyayari sayo sa oras na hinawakan mo ang isang tao?wika ni leo

Alam ko..

Tinanggalan mo na ng karapatan ang iyong sarili na mapadali ang misyon mo,dahil mas lalong mapapahirap na ito. Wika pa nya

Alam ko iyon.

Mas lalong magiging mahirap ,dahil kung dati nababantayan mo siya sa anumang oras ,kahit saan at kelan.,pero ngayon nakikita,nararamdaman at lahat ng pagiging tao ay ikaw na.wika ni Leo

Pero sana kahit papaano,nandyan ka pa din para tulungan ako.

Hangga't nandito ako sa mundong ito ,ay maaasahan mo ako.wika ni Leo

Hindi ko maiwasan ,ang mga pag-aalala at hakbang na gagawin ko kung papaano mapapalapit kay Lawrence ,ngayong nag-anyong tao na ako.

Siguro nahihirapan ka ngayon ,kung paano at saan ka magsisimula para makalapit sa kanya.wika ni Leo

Hindi ko parin maiwasan mangamba sa ganoong sitwasyon.Simula ng malunod si Lawrence sa dagat ay tinaggap ko na ang kapalaran ko bilang tao.

Wag kang mag-alala tutulungan kita,ako na ang bahala.Basta alalahanin mo nalang kung paano mo itatago ang pagiging anghel mo.wika ni Leo









Dawn: Empire's Last BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon