THIRD PERSON'S POV
Napakatahimik na ng buong paligid. Malalim na ang gabi. Ni wala ng dumadaang sasakyan sa kalsada. Maririnig mo narin ang mga tinig ng kuliglig sa buong paligid. Lahat ay natutulog na't nahihimbing pwera nalang sa isang babae na nakatayo sa isang kulay asul na bakod. Halata sa mukha nito na hindi ito mapakali. Puno ito ng pangangamba at pag-aalinlangan. Kanina pa ito doon nakatayo
at hanggang ngayon ay hindi parin nakapagdesisyon kung lalapit ba siya sa bakod at kakatok.
Tumakas lang ito sa kanilang bahay ang nagpapatunay niyon ay ang suot nitong simpleng t-shirt na kulay kahel at ang pantulog na pang-ibaba. Tsinelas lang rin ang sapin nito sa paa. Mahahalata sa mukha ng babae ang pamamaga sa mata na animoy galing sa pag iyak.
May problema itong dinadala! Nalilito kung sasarilinin lang ba ang problema o ipapaalam niya. Minsan na nyang naisipang lumayo tumakas at magtago but she just can't! She know that its not the exact solution to her problem, to run and hide is not a better choice.
She cant face her problem alone she need someone! Kailangan niya ng taong dadamay sakanya. Hindi biro ang sitwasyong hinaharap niya ngayon. Siguro kung hindi dahil sa nobyo niya ay matagal na siyang sumuko. Alam niyang nagbago na ang paraan ng pakikitungo ng nobyo niya sakanya ngunit naglakas loob parin siyang puntahan ang lalaki, she must tell him the truth. Alam niyang mahirap but she needed to be strong inside and out.
Ang lalaki lang ang malalapitan niya hindi rin kasi niya kayang sabihan ng kanyang prblema ang mga magulang dahil mainit pa ang dugo nito sakaya
Lalo lang niyang dadag dagan ang galit ng mga ito. Sana nga talaga at tama ang gagawin niyang desisyon at tama rin ang pinili nitong taong nilapitan.
Pinindot niya ng makatlong beses ang door bell at naghintay na pagbuksan siya nguit lumipas nalang ng limang minuto ay wala paring nagbubukas.Sinubukan niya ulit ngunit wala parin. Lumapit siya ng bahagya sa bakod at tumingkayad upang silipin ang garahe nito sa maliit na butas ng gate. Wala ang sasakyang ng lalaki sa garahe kaya ibig sabihin ay may pinuntahan ito. Mukhang maghihintay pa siya sa lalaki sa labas. Ayos lang naman sakanya willing siyang maghintay. Umupo siya sa may gilid ng gate kung saan malapit sa batuhan .
Hihintayin niy ang lalaki kung kailan ito darating besides the man is worth of her wait.
Mga ilang oras na siyang naghintay ngunit wala pa rin ang hinihintay. Bumibigat na ang talukap ng kamyang mga mata ngunit hindi magawang pumikit. She needed to be fully wide awake! Panay lang ang paghampas niya ng marahan sa braso't binti dahil sa nilalamok na siya.
Nang sa wakas ay makarinig siya ng makina ng sasakyan ay nagising ang buong sistema niya. Nagsimula ng umahon at makaramdam ng kaba. Tumayo siya habang kumakapa ng lakas ng loob lalo siyang nanghihina ng lumabas sa sasakyan ang lalaking kanina pa niya hihinintay.
Naglakad ang lalaki papunta sa kanya ngunit ang mga mata'y hindi makatuon sa kanya ni hindi siya nito tinapunan ng tingin bagkos ay nakatingin lang ito sa may gate na walang emosyon sa mukha na para bang wala itong nakikitang tao.
Kahit naiilang ay ngumiti pa rin siya sa lalaki. Kahit na alam niyang hindi ito sakanya nakatingin.
Para siyang nanlumo nang nilagpasan siya nito, hinawakan lang ang gate at binuksan iyon ng malaki. Bahagya siyang tumingala upang hindi tuluyang tumulo ang luhang kanina pa nagbabadyang kumawala.
Pagkatapos buksan ang gate bumalik itong muli sa sasakyan at pumasok ito sa loob. Pumasok rin ang babae sa loob kahit na walang pahintulot ng lalaki ngunit hindi rin naman siya lumayo sa gate nanatili lang siya doon nakatayo ilang dipa ang layo mula sa gate.
Bumababa muli ang lalaki at isinarado ang gate. Tiningnan ng babae ang lalaki habang ginagawa iyon. She missed his presence, his smiles, his hugs, his kisses ...........napapikit nalang ang babae sa isiping iyon.
She missed the mans love and care for her. She missed everything about the man.
YOU ARE READING
UnKNOWn
General FictionAng lahat ay may hangganan, may katapusan. May simula at may wakas, may saya at may lungkot dahil ang buhay kailangang maging patas. The world only offers two choices. Live or die, that's the choices of life. Righ or left that's the choices o...