Chapter 1- BRAVO ECHO ROMEO ECHO ALPHA DELTA YANKEE

1.6K 144 92
                                    

Sa lugar ng Matayog Street ay payapa at masagana ang mga tao rito, nang bigla na lamang mayroong lumaganap na masamang balita. Sa hindi inaasahang pangyayari- ang pagkawala nang-iilang bata sa kanilang lugar. Ang sabi ng iilan ay nag-iiwan ito ng isang papel sa pulang sobre at ang laging nakalagay ang 'BRAVO ECHO ROMEO ECHO ALPHA DELTA YANKEE!'.Nag-uulat si Helleisya Santiago dito sa Matayog St. Pampanga.

"Kuya, alam mo na po ba ang balita?" takang tanong ni Elle.

"Oo, Elle, kaya sana ay dobleng ingat ang gawin ninyo. Lalo ka na, Thea, dahil kakanood ko lang kanina ng balita. Kaya sana talagang mag-ingat kayo," maawtoridad kong saad. Payak at maayos naman ang pamumuhay namin. Ako si Xian Synthecia ang kuya ni Elle at Thea. Ang mga magulang naman namin ay nasa Baguio abala sa business. Umu-uwi naman sila kapag walang masyadong dapat gawin or day-off.

Patuloy lamang sa paglalaro ang nakababata nilang kapatid kung kaya't lumapit na si Elle."Baby Thea, 'wag nanglalabas kung hindi importante, ha?" puno ng pag-aalala sabi ni Elle.

"Opo, Ate," saad nito. Sa totoo lang, hindi nila alam ang peligro bakit sila mag-iingat. Batid nila ang peligro, kaya't dobleng pag-iingat ang ginagawa nila lalo na ang Kuya nila na si Xian dahil sa kanya iniwan ang dalawa niyang kapatid, dahil inaasikaso ng mga magulang nila ang kanilang business sa Baguio.

***

FIRST CASE

Batid kong hindi madali ang ganitong sitwasyon, at alam ko na baka may mapahamak sa isa sa kanila. Ngunit hangga't nandito ako, hindi ko hahayaan na gawin ito ng suspek lalo na sa mga kapatid ko. I will be their best hero!

Lalo na mga babae pa man din sila. Simula nang malaman ko ang iniiwan nilang mensahe na 'Bravo Echo Romeo Echo Alpha Delta Yankee!' na ang ibig sabihin ay BE READY! Natuklasan ko ito base na rin sa bawat malaking letra nito at sa ang ginamit ay Phonetic code, tila ito ang palatandaan na iniwan nila.

"Maging handa at mapanuri kayo."

Takot at kaba ang nananalaytay sa akin, ngunit ayoko magpakain sa ganitong sistema dahil buhay ang nakasalalay dito.Isinantabi ko muna ang lahat, huminga ng malalim, at lumabas muna ako para makapagpahangin.Sa hindi kalayuan ng aming bahay, ay may mga pulis akong nakita.

Lumabas ako upang tingnan iyon, at doon ko nakita ang isang matandang babae na batid ko na nasa apatnapu't walong gulang ang edad.

Ramdam ko ang kalungkutan at pangungulila nito. Lumapit pa ako upang mas masaksihan ang eksena, at akala kong madugong pangyayari ang aking masisilayan.Ngunit, katakataka dahil walang rong iniwan kundi ang video lamang ng anak nito sa cellphone.

"Bata, pasensya na hindi ka p'wede dito," saad ng isang pulis.

"Nasa tamang edad na ho ako at batid kong may maitutulong ako," saad ko.

Nakita kong abala ang ilang mga pulis. Mga apat sila. Naghahanap sila ng mga ebidensya, dahil parang magaling ang kumuha sa anak ng babaeng matanda na umiiyak ngayon.

Pinagtabuyan na sana niya ako, nang makita ko ang isang bagay na alam kong makakatulong sa amin. Bukod sa cellphone na iniwan ng suspect, ay may pulang sobre na naman siyang iniwan. Kinuha ko ito sa lapag at doon nakalatag ang mga codes na medyo pamilyar sa akin.

"2 15 4 5 7 1 ."

Madilim na lugar-puno ng kagamitan.

Hanapin na't baka ikaw ay abutin ng katapusan.

Sa tabi ay dama ang katahimikan at ang bibig niyang tuluyan ng naposasan.

Hindi ko alam ang pinupunto nito, pero batid ko na hindi pa nailalayo ng suspek ang batang nawawala ngayon. "Miss, anong oras po ba nawala ang anak niyo?" seryosong tanong ko.

The Journey of Detective Xian (Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon