Chapter 7

84 4 2
                                    

Dedicated to Sheryl Mae Marasigan ❤️


Chapter 7

Hobby

Hindi na'ko nag-intay pa ng ilang sandali. Matapos niyang tuluyang maglaho sa aking paningin, agad na akong nagtungo sa tanggapan ng aming mansyon. Dinampot ang kayumangging lalagyan at walang sere-seremonyang binuksan iyon. Mayroon ng ideyang naglalaro sa aking isip at kailangan niyon ng kumpirmasyon. Hindi naman siguro 'di ba?

When I completely opened it, I saw two transparent boxes inside. Halos magdugsong ang mga kilay ko nang tumambad ang pamilyar na mga pagkain. At first sight, I can already tell what those are. I remember Ate Nora eating them--the egg-stuffed orange ball and something brown on sticks, but they weren't on sticks now.

Kwek-kwek and kikiams!

At least I now know how to properly call them. Kung namamali ang iba sa pagbanggit ng mga pangalan ay agad iyong itinatama upang hindi na maulit pa sa sunod. Kung maaari nga lamang magsalita ang mga ito ay agad na akong nakarinig ng panlalait at pagtawa. I just called them names. Pero malapit naman ah? Ayos na rin iyon.

"Hija, what's that?" si dad sa isang kuryosong tono.

"Uh-"

"Street foods," si dad nang dumapo ang tingin sa hawak ko. It wasn't a question but an statement. He concluded as he stared at the containers I am holding. His face is etched with amusement upon looking at me, down to my hands. Kumikibot-kibot ang gilid ng labi ko habang ipinapamalas ang ekspresyon ng kasiyahan para sa natanggap. Gusto kong mahinuha niya na sa wakas ay kasundo ko na ang kanang kamay ni satanas. He then began to laugh.

Why did he? My face grew grim so, he stopped.

"Sorry, hija," hingi niya ng paumanhin sa biglang pagtawa. "I just can't imagine Steel giving something like that. I know that kid. He isn't someone who's fond of presents and giving one. Well... there really is a first time for everything," mahaba niyang lintanya na tumatango-tango pa.

'Hindi namimigay ng regalo? Halata naman, dad. It wasn't actually surprising. Duh.'

"Dad, it's a sign that we're getting along well. I told you, we're close na. Parang ganito," I said, sa isang tonong nagmamayabang. I am smiling from ear to ear as I showed him my forefinger and middle finger, intertwined.

"Glad to hear that, hija."

Umalis si dad na nangingiti. Marahil ay nakumbinsi ko na na magkasundo na talaga kami ni Bakal. I watched him go upstairs while whistling. Nang tuluyan na siyang nawala sa aking paningin ay saka ko lamang pinakawalan ang isang buntong hininga.

Oo, dad close na close kami, tingnan mo nga oh, paboritong-paborito ko ang ibinigay. Sobrang thankful ko nga at gusto kong magpa-piyesta bigla. Ang sarap n'ya talaga kurutin sa pisngi gamit ang nail cutter!

I gritted my teeth as I think of horrible ways to eliminate him. Kung kidnap-in ko kaya? Salvage tapos iwanan ko ng karatula?
'Bwiset ako sa buhay ni Saffhire, huwag tularan.' Right! Puwede ko 'yan isabit sa leeg niya! O kaya naman puwede ring pagkakitaan ko muna ano? Ibenta ko sa bakla ang mga picture?

Damn Saffhire, kailan ka pa naging bugaw?

Sa palagay ko ay nagiging utak kriminal na'ko dahil sa kanya! Kung nababasa lamang ni dad ang mga karumal-dumal na iniisip ko ay baka pabasahan ako noon ng Bibliya at isang taon may prayer meeting.

Nang maalala bigla ang mga inihingi ko na ng tawad, bahagya akong nanlumo dahil sa naisip na kababalaghan.

Joke lang po 'yon, Lord.

Entangled in Each Other's ArmsWhere stories live. Discover now