Dedicated to candymabilog ❤️
Chapter 2Locked
Halos pumutok ang lahat ng ugat sa aking noo dahilan sa labis na pagtitimpi sa lahat ng ito. I'm at the verge of crying, as tears started to form in the sides of my eyes. Nanginginig ang gilid ng aking labi habang naka-plaster ang isang ngiti na made in china.
As if on cue, lalo lamang bumigat ang dibdib ko nang maisip ang salitang China. Ngayon mukha akong natatae at tinitiis iyon dahil may tao pa sa loob ng banyo.
"Ano hija, bibili ka ba?"
Isang palakaibigang ngiti ang ginawad sa akin ng tindero, dahilan upang lumabas ang mga ngipin niya na one seat apart ang pagkaka-ayos. Madidilaw din ang mga ito na animo'y ginto. Mas mayaman pala sa akin ang manong na ito kung ganoon.
"Kuya, hindi po ako bibili." I said, almost like a whisper.
Kung dala ko lang ang aking purse, baka pa ay humugot agad ako ng isang libo at ibinigay na sa kanya. Pero mukhang imposible iyon. Kuripot ang mga intsik kaya tiyak na hindi ko na mababawi ang mga gamit ko. Isa pa, wala rin akong balak makipagkita pa sa kanya matapos ang nangyari. I just don't have the guts anymore. My face heated upon thinking how stupid I am, and how rude that intsik is.
"Hindi halata sa hitsura mo na mahirap ka."
Sinuyod pa ng matanda ang hitsura ko mula ulo hanggang paa. Ang mga dyosa ay sanay na sa mga papuri kaya huwag na niyang tangkain pa.
"May anak akong 'sing edad mo. D'yan s'ya pumapasok," aniya sabay turo sa Liberty Academy. Tumango na lamang ako, desididong tapusin na pag-uusap. Wala sa plano ko ang makipag-telebabad sa kan'ya.
"Mauna na po ako."
"Naku. Pasensya na. Sher ko lang naman, hija. Es-key-el kumbaga..." aniya sabay tawa.
"Okay lang po. Una na po ako," magalang na pagpapaalam ko.
Like a runway model, I walked confidently towards our school. Mayroon akong gamit at spare clothes sa aking locker at siguro iyon na lang nga ang gagamitin ko. Well, I do have a choice to borrow my classmate's phone and call our butler through that, but my instinct tells me "no" and "don't you dare". Bukod sa hindi palakaibigan ang mga dyosa, ayaw ko na ring makaabala pa sa mansyon. Baka pa dumating ito kay daddy at maungkat ang kalapastanganan na pagbutas sa aking cards. Pati na ang pagiging late sa klase dahil doon.
"Saffhire Miracle, ano itong nalalaman kong nagsho-shopping ka muna bago pumasok, kaya ka laging late!?" agad akong napapikit habang naiisip ang lintanya ni daddy sa oras na malaman nya ito. Hindi pa nakontento at nag-isip pa ako ng maaaring kahihinatnan ko.
"You're grounded! I will cut all your funds nang magtino ka naman!"
Hindi ko na kinakaya at napapitlag na ako sa kaisipang iyon. So, no. That won't be an option. I don't want to go broke for a month or two. Idagdag mo pa ang grades ko sa statistics and probability. Baka 'pag nakita ni Daddy ang grade ko roon ay hindi na siya umabot sa epilogue nito, dahil inatake na sa puso.
As I walk my way to the locker area, may nahagip na pigura ng lalaki ang aking mga mata sa di kalayuan. Nakatitig ito sa aking direksyon at hindi kumukurap. Seryoso siya at mariing nakatingin sa akin, na parang maglalaho ako kapag nawaglit sa akin ang atensyon n'ya kahit saglit. Parang tumindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa paraan ng paninitig n'ya. Kaya naman nagmamadali akong natungo sa dapat na pupuntahan.

YOU ARE READING
Entangled in Each Other's Arms
Fiksi UmumI always have an unexplainable fascination with my grandmother's particular story. It was as if meant, only for me. Like it holds a part of my existence. I was then young and naive, so clueless of the world, but I seem to remember, to believe and to...