Her

5 0 0
                                    


"Ah!"

Napatalon ako nang makarinig ako ng malakas na tili rito sa loob ng school gym. Sinundan naman ito ng isang malakas na kalabog.

Agad akong kinabahan. Sobrang dilim na kasi sa labas ng gym at tinatapos ko pa ang pag-iinspeksyon ng mga booth para sa intramurals bukas. Nagpaiwan ako rito dahil hindi ako nakokontento kapag hindi ko ito maiinspeksyon lahat.  Inilagay ko ang maliit na notebook at ballpen sa bulsa ng hoodie ko habang sinusubukan kong hanapin ang pinanggalingan ng boses na 'yon.

"Hmm."

Bigla akong napapikit. Namamasa na talaga ang mga palad ko. Sumasakit na rin ang tiyan ko dahil sa takot.

I'm pretty familiar with all the horror stories here and I don't think that it's a good idea if I try to encounter with any of those. I can already hear someone panting from where I was standing.

I heaved a deep sigh. Nababaliw na yata ako dahil kulang na kulang ako sa tulog.

Napatingin ako sa room kung saan nakalagay ang mga sports equipment ng mga varsity players. Nasa gilid ito ng mga bleachers at hindi naman ito masyadong malayo sa kinatatayuan ko. Napakunot ang noo ko nang makitang nakabukas ang emergency light sa room na iyon. 

Dahan-dahan akong naglakad papunta roon at agad akong tumigil nang makarating ako sa may pintuan nito.

"Trish, please... your voice..."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Mas lalo akong kinilabutan nang mapagtanto ko ang dahilan ng mahihinang boses na naririnig ko kanina. Nanginginig ako habang dahan-dahan kong binubuksan ang pintuan ng Equipment Room.

Napaatras ako nang makita ko ang isang jersey na nakahandusay sa sahig. Nakita ko rin ang maliit na cycling shorts sa paanan ng isang cabinet. Two pairs of running shoes were placed everywhere. Halatang naitapon lamang ang mga ito.

Agad akong nagsisi nang inikot ko ang tingin ko sa loob ng room. Bigla silang natigilan nang makita nila akong nakangangang nakatitig sa kanilang dalawa.

"Holy shit," sambit ng babae habang sinusubukan niyang tumayo sa pagkakakandong niya sa lalaki. Sa kasamaang palad nama'y nanginginig pa ang mga paa niya kaya napaupo siya sa sahig. 

"Trish!"

Bigla akong nataranta kaya pinulot ko ang jersey sa sahig at agad na lumapit sa kanila. The woman named Trish was already hugging herself and it seems like she's about to cry. I was looking at her while she just looked down.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

I took my hoodie off  immediately placed it around her naked body. Mukhang nabigla naman siya roon kaya agad niyang niyakap ang mga tuhod niya.

"Thank... you..." sabi niya at pinaabot niya sa akin ang cycling shorts niya na nakalagay sa may paanan ng cabinet. I immediately obliged. Nagmamadali niya itong isinuot at agad niyang pinulot ang mga sapatos niya. 

Sinundan ko lamang siya ng tingin habang nagmamadali siyang lumabas. 

I'm not really the type to stick my nose into other people's businesses, though. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam.

I heaved a deep sigh when I realized that my notebook was inside my hoodie's pocket. 

Now, I am pissed. I don't even know who she was.

Napatingin ako sa ibabaw ng cabinet. Nakabukas pa rin ang ilaw ng emergency light ng room. Kailangan ko itong patayin dahil kung hindi, mapapagalitan na naman kami dahil kami ang huling gumamit ng gym ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I don't mindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon