Author's Note:
I would like to thank my dear best friend kath- @Summer_kit for making the cover photo of my story! Super appreciated! Love you! ❤️ I'm not actually good at editing photos and thank God cuz someone saved the day! Yehaa!
To my dear readers, I really appreciate you reading this story. Nag-uumpisa palang ang Riverwoods. There are so much more to it that I want you guys to see and read!
I really enjoyed writing chapter 3 because in this part we will about to see more of Gabriela Mendez. Love her or hate her but she's just like us dear. Just like us.
XOXO
________________________________________________________________
Madilim..
Sobrang dilim...
Wala akong makita..
Nasaan ako? Nagsimulang magkaroon ng takot sa dibdib ko. Bakit ako nasa kawalan? Bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Mom! Dad! Samuel!!" Sigaw ko. Ngunit walang sumasagot.
"Mum!! Dad!! Samuel!!!" Mas nilakasan ko pa ang sigaw ko ngunit ganoon parin.
Nag simula ng tumulo ang mga luha sa mata ko. Nahihirapan ako huminga. Bakit hindi nila ako naririnig? Natatakot ako.
Nagsimula akong maglakad habang tumutulo parin ang mga luha ko ng makita ko sa kabilang banda sila mom and dad. Nagtatawanan ang mga ito habang nakaakbay si Daddy kay Mommy. Napangiti ako at nakahinga ng maluwag.
Tumakbo ako papunta sa kanila. Gusto ko silang yakapin ng mahipit. Gusto ko silang mahagkan. Gusto kong sabihin sa kanila kung gaano ko sila kamahal. Gusto kong sabihin sa kanila kung gaano ako nagsisisi na hindi ako naging mabuting anak. Gusto kong humingi ng tawad sa pagiging pasaway ko. Gusto kong sabihin ng wag na silang umalis, na wag na nila akong iwan, kami ni Kuya Sam. Pero habang tumatakbo ako sa kanila lalo lang silang lumalayo. Para bang walang kwenta ang aking pagtakbo dahil hindi naman ako makarating kung nasaan sila.
"Mommy! Daddy! Ako to si Gabie! Diyan lang po kayo! Papunta po ako diyan." Nagmamakaawang sigaw ko. Pero bakit ganon? Tila di nila ako naririnig. Palayo parin sila ng palayo sa akin.
Iiwan na naman ba nila ako? Bakit nila kailangang umalis agad? Bakit di man lang sila nag-paalam? Bakit ngayon? Bakit ang selfish nila?! Gusto kong isumbat sa kanila yon. Gusto kong magwala. Pero kahit ano pa ang gawin ko, alam ko sa sarili ko, na wala na. Wala ng silbi ang lahat ng pagsisisi. Wala ng silbi ang lahat ng pangungulila. Wala ng silbi ang lahat ng luha. Dahil wala na. Wala na sila.
Nagising akong umiiyak at halos maubusan ng hininga sa labis na paghagulhol. Stupid dream. Bakit kailangan hanggang pagtulog ay kailangang parusahan ako?
I'm trying to keep myself together for the past 4 months after that tragedy happened to our family. Mom and Dad died due to a plane crash. Dapat pabalik na sila noon from their Anniversary celebration. But what happened next sent a huge blow to me and my brother. We didn't expect it to happen. No one expected it to happen. We were actually planning to go out of town together after my finals.. but it never happened.
BINABASA MO ANG
Riverwoods University
General FictionGabriela Mendez was transferred to Riverwoods University by his older brother after the death of their parents. Desire for new start and peaceful life will be shaken when Gabriela meets unwanted people in the University. Secrets of the past will unr...