CHAPTER 3
Third Person’s Point of View
Papunta si Allen sa library at hawak hawak niya ang manga niya.
He loves anime and walang araw na hindi niya nababasa ang mga manga niya. Pati na rin ang mag-cosplay ang isa niya pang gustong gusto niyang gawin.
“Oy par, nakita mo si Stephen?” tanong ni Aiki sa kanya.
“Hindi eh .. Bat mo naman siya naitanong sa akin?”
“May laro daw tayo ah”
“Tss. Ayan na naman siya. Hindi kasi nauubos pera niya kaya pa-dota dota na lang siya at nakikipag pustahan sa walang pera na gaya ko”
“An dami mong kaartehan, halika na ..”
“Pass muna ako dyan par”
“Ewan ko ba sayo par. Basta next time ha, kailangan game na game ka ng makipaglaro sa amin.”
Tumango lang si Allen. Umalis na ng Library si Aiki.
Ayaw munang makipaglaro o kahit na ano na merong sugal, lalo na kapag kasama niya si Stephen Guasch.
Lagi na lang siyang napapautang dito. Hanggang sa umabot na ito ng libo.
Hindi nga alam ni Allen kung paano siya makakabayad dito. Sinubukan ni Allen na sumali sa mga cosplay contests pero hindi siya nananalo. Kung mamalasin ka nga naman oh ..
Kristine’s POV
Gumagawa kami ngayon nila Ruselle at Rio ng powerpoint presentation para sa reporting namin mamaya, dito sa computer shop na color pink ang pintura sa labas at loob.
Nasabi ko ba sa inyo na Education ang course namin? Kailangan naming mag.report or demo para mahasa ang aming teaching skills kahit estudyante pa lang kami.
Bakit pa kasi namin kailangan gumastos para magrent ng computer para lang gumawa ng ppt. eh, sa school nga naming dati, pag magrereport kami, naka manila paper lang eh. Tas sa school na ito, gagamit pa kami ng laptop and projector na may bayad pa ha, report lang yan. Haller !! Pang formal meetings and events lang ginagamit ang laptop and projector. Siopaoo naman oh!!
(ppt means powerpoint)
“Uy Tine !!”
“Oh bespren, kaw pala yan. Bakit?” Si Stephen Guasch, Best friend ko yan. Hey walang malisya. Best friend ko talaga yan, magkaiba nga lang kami ng course.
“May laro kami ngayon, at dito kami maglalaro”
“Hay nako Guasch, puro dota na lang inaatupag mo.”
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] When Clumsy Classmate Meets Annoying Seatmate (Under Revision)
Teen FictionA story of two individuals that met at walang araw na di nagbabangayan at nagaasaran Halong fiction and nonfiction po ang story na ito .. at yung mga characters po, sensya na .. iniba ko po yung personality at estado niyo sa story na ito .. This is...