MHSL 5

254 22 0
                                    

Chapter 5:Bonding with friends

(Helix Veign Wright☝️)

<HOPE>

Sabado na ngayon at sobrang excited na ako dahil mamamasyal kami kasama ang mga kaibigan namin,

Agad kong ginawa ang morning routine ko at agad bumaba para sa agahan,
Nang marating ko ang kusina agad akong nagtaka ng makita kong nag-iisa lang si helix habang kumakain ng cereal kaya tinanong ko si yaya betty kung nasaan si kuya

"Yaya nasaan na si kuya?"
Tanong at umupo sa harap ni helix at agad nagsandok ng fried rice at hotdog

"Hindi po umuwi kagabi ma'am"
Sabi niya habang nakatayo
sa gilid kasama ang tatlo pa naming katulong na sina, yaya Rosa,yaya Carmen,at yaya Milagros

"Ah.. hali po kayo saluhan
niyo po kaming kumain wala po kasi kaming kasama"
Ani ko ng susubo sana ako ng pagkain

"Huwag na po ma'am tapos na po kaming kumain kanina"
Magalang na saad ni yaya milagros ang aming mayordoma

"Okay kayo na ang bahala basta kapag nagugutom kayo huwag na kayong mahiyang kumuha ng pagkain diyan sa ref"
Nakangiting ani ko pagkatapos kong nguyain ang kinakain ko

"Salamat po ma'am"
Ani nilang lahat kaya tumango ako at nag thumbs up sakanilang lahat

Tahimik lang kaming kumakain ni helix ng may bigla akong naalala,hindi ko pa pala nasabi sakanya kung gusto niyang sumama saakin mamaya..

"Helix mamamasyal ako mamaya,gusto mong sumama? total wala ka namang gagawin"
Ani ko pagkatapos uminom ng tubig habang siya kumakain pa rin ng cereal nagtataka ba kayo kung bakit di niya matapos-tapos yung kinakain niya? Pano ba naman nagbabasa nanaman ng libro habang kumakain hayss

"Okay"
Maikling ani habang busy sa pagbasa sa libro ni hindi nga ako binalingan ng tingin eh,tsk snober

"Sige pagkatapos mo diyan magpalit ka na at hihintayin nalang kita d'on sa kusina"
Sabi ko habang inililigpit ang pinagkainan ko,at binalingan siya ng tingin,
pero tango lang ang isinagot niya ni hindi man lang ako tinignan

.....

Nandito ako ngayon sa sala nanonood nng TV habang hinhintay si helix,
Pagakatapos ng ilang minuto ay bumaba na siya,
Grabe ang gwapo gwapo ng kapatid ko sa suot niya,
Pano ba naman eh nakasuot lang naman siya ng white t-shirt at brown shorts with sun glasses pa sinong hindi maiinlab sa kapatid ko kahit bata pa siya?

Samantalang ako nakasuot lang ng white T-shirt na may nakasulat na 'MAKE YOUR DAY BETTER' tiyaka Maong jeans at, rubber shoes,pony tail lang ang ginawa ko sa buhok ko at naglagay din ako ng headband tiyaka sinuot ang nerdy glasses ko,mukha tuloy akong yaya niya

Agad kong hinawakan ang kamay niya at dumiretso na kami sa kotse ko,
pinasakay ko siya sa likod dahil bawal ang bata sa harapan,susunduin ko sana yung moks na mga yun kung hindi sana sinundo ni daniel..

NANDIT0 ako ngayon sa subdivision nina Red,Tom,
at lee,dito kasi sila tumira nung bata pa sila at parehas lang sila ng subdivision,nalaman ko yun nung nasa US ako minsan kasi nagkwekwentuhan kami noon sa amerika at nakwento nga sakin ni Tom na madaldal ang adress at subdivision nila,mabuti nga at naalala ko pa..

Agad naman akong pinapasok ng guard kaya diniretso ko lang ang daan,
Agad kong tinignan ang kapatid ko kung anong ginagawa at nakita ko siyang natutulog kaya pinabayaan ko na lang..

My HIGHSCHOOL LoveWhere stories live. Discover now