Hi, I'm Melissa (One Shot)

1 0 0
                                    

*Enjoy reading!*

-------

"Nic, gusto ko lage nalang ganto. Yung masaya lahat" Mula sa pagtingala sa blue sky, tumingin siya sakin at ngumiti. "Thank God din at nakilala kita"

Sa tuwing ngumingiti siya, parang meron siyang nakakahawang enerhiya na tipong mapapangiti rin ako. Sa ganitong strong feeling na nararamdaman ko sa kanya? Sigurado na ko...
"Oh melissa, ang sarap mong pakasalan" sabi ng konsensya ko, galing sa pagkakahibang ko sa kanya nagising ako bigla sa current moment... "Mas thankful ako ng dumating ka, anong akala mo sakin? Papatalo ako?"

Bigla nalang siyang tumawa at tumawa narin ako bilang suporta. Lage siyang tumatawa sakin, kahit corny. Siya yung tipo ng babae na hindi mahirap pasayahin. Samantalang siya naman ay may happy virus, di ko rin alam kung anong meron sa tawa niya pero tulad ng ngiti niya, nakakahawa rin. And masasabi ko lang is kuntento na ko dahil para sakin siya na ang right girl na hindi ko na papakawalan.

"Oy bading! Tatalon kaba? O itutulak kita?" Sabi ng pinakamalapit kung kaibigan na si kulot. Nasa bakasyon kami kasama ng aking mga totoong kaibigan, pamilya ng bebe ko at bunso kung kapatid na nagpasimuno ng beach vacation with cliff diving.
"Tulakan tayo pre! Ano!" yabang ko
"Eh kung itulak ko kayong pareho? Total parehas naman kayong juts" Ayun! Inunahan na ko ng babae kong mas mayabang sakin kaya dali dali narin akong sumunod.

Habang tinitingnan ko siyang lumalangoy dala dala ang kanyang kasexyhan, nabibighani parin ako. Di ko maiwasang isipin na "suddenly its magic, ang 11 years na pagsasama namin parang kahapon lang sa bilis ng panahon."
Hinawakan ko ang kanyang kamay na halatang hindi naghuhugas ng pinggan at hinarap ko siya sakin ng may shuuringg sound effects sa aking matabang utak.
"Beyb bakit ang ganda ganda mo? Magsimula na kaya tayong magpalahi? Diba ayun naman yung bilin ni Lord?"
Nakangiti siya at biglang nagblack stare sakin
"Dati yun! Overpopulation na tayo" Tumalikod siya at magaattempt ng bumalik sa paglalangoy.
"Sge na beyb! Kahit 3 lang!"
Tumigil siya, humarap sakin at hinawakan ang mga pisngi ko
"Nic, good times come to those who wait. Magintay ka! Bibigyan kita ng 30!"

---
*Hi readers, sensya pabitin ako XD
To be continue pa ang story dahil hindi pa ko tapos magtype. Hehe thank you! *

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hi, Im Melissa (One Shot) Where stories live. Discover now