By: Dyamante💎
SpokenMahal ? Naalala mo pa ba yung mga oras na minahal kita ng sobra-sobra? Yung mga oras na ikaw ang mahal ko at ako lang ang mahal mo
At sa mga oras na umiiyak ako ikaw yung nandyan para sakenAt sa oras-oras na namimiss kita
Namimiss mo rin ako
Pero oo may pero
Alam mo kung bakit?Sa oras na kailangan kita
Nawala kana
Sa oras na gusto ko ang mga paglalambing mo saken ay tila nawalan ka na ng ganaMahal? Minahal naman kita ah
Walang ORAS na di kita mahal
Bat ganun? Anong nangyari?
Bigla ka na lng hindi nagparamdam
Bigla ka na lang nawalaSa dalawang taon at apat na buwan
Na tayoy nagsama at nagmamahalan ay tila wala ka ng gana ng dahil sa ugali ko
At yan ang sinabi moUmalis ka na walang paalam
At ikay hindi nagpaparamdam
Nabalitaan ko sa mga kaibigan mo
Ikaw palay may BAGO na at minahal mo siya ng hustoSa bawat oras na hinihintay kita
Wala na pala ang pagmamahal mo sinta
Ikaw ay nagbago na
Iniwan mo akong nag iisa
Sa bawat pag ikot ng oras ay lagi kitang iniisipWalang oras na hindi kita iniiyakan
Walang oras na hindi ako nasasaktan
Ang saya saya mona mahal
Guguluhin paba kita?
Alam kong ang mga pinangako mo saakin ay sakanya mona matutupadWag kang mag-alala sa bawat oras na masaya ka saknya susuportahan kita
Kahit masakit para saken na iniwan mo ako
Pero wala akong magawaDahil sa bawat oras pala na inaantay kita na babalik ka masaya kana pala sa piling ng iba at yun ay hindi ako
At tuluyan muna akong kinalimutan at ikay naglaho na sa buhay koSalamat sa bawat oras na nagsama tayo salamat sa oras na ibinigay mo saken mahal kita pero dapat ay bibitaw na ako
Para sa kaligayahan mo na hindi na ako ang dahilan sa mga ngiti mo💔
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry and Poem's
PoesiaI made this because i wanna express my feelings through writing poem's and spoken poetry. Never judge a person with full of problems in life Never judge a person who is in deep pain and a loner in darkside Remember: Plagiarism is a crime!