6.Kaibigan lang

3 0 0
                                    

Mga salitang walang kasing sakit
sumusugat sa puso at gumuguhit
pangyayaring masaklap
mahulog sa kaibigan kaso hindi tanggap

kaibigan lang
dalawang salita
pero ang lakas ng tama
maraming puso ang hindi tama

pagkakaibigan ay
masisira lang dahil sa nararamdaman
pwede bang pagbigyan
tadhana maawa ka naman

pagkakaibigang binuo
nang maraming taon
nasira lang nang isang
maling pagkakataon

maraming matang pinaluha
pusong sugatan
taong naiwan
nang mga salitang iyan.





----hydramae

Anino ng tula ang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon