8.Sandata ng karunungan

3 0 0
                                    

Kadunungan ay kailangan
kaya ka nitong ipaglaban
saan mang hukuman o
kahit kanino man

kamangmangan sa mundo
ay walang kalalagyan
sa libro,internet o kahit karanasan
kaalaman maari mong matunghayan

kahit sino o ano ka man
libre lang itong karunungan
walang tuwisyon o bayad man
basta panahon ay ilaan

sa kasalukuyan,kaalaman ay mahalaga
sa pagkuha ng trabaho at iba
ito ay kailangan para
sa buhay na maginhawa

karunungan ang tagapagtanggol
na sa lawa ng kaalaman ay lumalangoy
nasa madilim na daan ay tatahak
at sa tagumpay ay tutuloy




-----hydramae

Anino ng tula ang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon