CHAPTER ONETwo weeks.
It's been two weeks since I last saw Konstantin Querijerro. And no, hindi ko naman siya hinahanap ha. Crush lang naman din yun, sadyang hindi ko lang talaga siya nakikita dahil di naman ako pumupunta sa kabilang campus at sa laki ba naman nitong University namin, the probabilty of seeing him is very low.
Two weeks na din after nakipag-break si Zhar kay Zion and her reason for breaking up with him ay dahil daw nahahassle siya lumakad papuntang kabilang campus. Sa ngayon single pa siya at ang target niya ay yung mga taga Criminology kasi malapitan lang samin. Kaya din di na ako pumupunta sa Engineering kasi wala naman din akong rason para pumunta pa dun.
Tiningnan ko ang Purcom prof namin sa harap. He was explaining something about our activity na ang deadline ay next meeting which is three days from now. Napabuntong hininga ako at patuloy lang sa pag scribble sa notebook ko.
Maya-maya ay nag groupings na kame. Tatlong members lang each group, hindi ko naman kasama si Kae dahil countings yun at seatmate kame.
"Hi!" I smiled at Claudia and Vivian. Sila yung mga groupmates ko, wala naman akong angal dahil reliable at responsible naman sila. Baka nga ako pa ang maging dumbbell sa grupo na to.
"Hey Myra, good thing andito ka. We wouldn't have any problems na pagdating sa printing." Saad ni Claudia, umupo naman ako sa tabi niya.
Tumawa ako ng bahagya, usually kasi kapag may mga groupworks, ako talaga ang nag-ooffer na mag print pero it doesn't mean naman na yun lang ginagawa ko nu? Umaambag din ako.
Vivian took a sit beside me, "Hay salamat at hindi ko naging kagroupmates sina Qianna, mastrestress ako pag sila naging kasama ko dahil mga absinot yan." Tiningnan niya yung grupo kung asan si Qianna at ang mga kaibigan nito.
"Kaya nga sis." Tumawa naman si Claudia at nakitawa na rin ako.
Nagdiscuss na kame ng gagawin namin na activity. Interview pala ang magaganap, hahanap kame ng mga tao na di namin kilala sa University tas magpapabunot kame sakanila ng limang questions and need nila ito sagutin.
Medyo mahirap siya dahil need namin ng ten participants, so bale kailangan namin gumawa ng 50 questions, need din tong kuhanin ng video kaya mag-eedit pa kame after natapos ang interviews and we will have to document pa the interactions between us and the interviewee.
God, to think na tatlong araw lang kame meron para dito ay mas lalo lang ako nastressed.
"Ok since we only have three days, I suggest na this day natin siya gawin. May three hours naman tayong vacant kasi di daw papasok ang Microbio prof dahil may meeting raw." Saad ni Vivian habang binabasa ulit ang instructions ng activity in case we we're missing out some important info.
"That's a good idea naman. Kasi mahihirapan pa tayo sa pag-edit and need pa siyang iencode." Sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Claudia, kailangan namin siya gawin as soon as possible.
"Ok, gawa muna tayo ng mga questions habang di pa tayo nadidismiss. And how about we take a lunch muna after this para di tayo magutom habang naghahanap ng participants? We'll just meet again sa kiosk ng Nursing mga 12:30." Tumango naman silang dalawa sa sinabi ko, agad na kame gumawa ng mga tanong. Mga basic questions lang naman yun like "where do you see yourself 10 years from now?" and so on.
BINABASA MO ANG
Lovelorn
Teen FictionI stared at the word. I never knew it would only take one word, eight letters and two syllabes to describe what I'm feeling right now. A sad smile made way into my lips as I read the definition of it out loud. Lovelorn : unhappy because of unrequi...