PROLOGUENapabuntong hininga ako habang tinitingnan yung mga notes ko. Ano ba naman kasi to, wala akong naiintidihan eh! Parang puro spiral lang nakikita ko sa papel.
Ginulo ko ang buhok ko at minasahe ang sintido ng ulo ko.
"Grabe! Wala talaga ako naiintindihan sis!" Paiyak kong sabi kay Kaela, ang isa sa malalapit kong kaibigan.
"Hmp! Patingin nga!" Kinuha ni Kaela ang binder ko at tinignan ito ng malapitan, kulang na lang magpalitan sila ng mukha ng binder ko sa sobrang lapit eh.
"Ano may naintindihan ka ba?" Sabi ko habang tinitingnan ang daliri ko.
"Girl, ang pangit naman kasi talaga ng writing mo! Di ko alam kung notes ba yan or doodle." Sabi niya habang tumatawa, I rolled my eyes at her and grabbed my binder. I playfully pulled her hair and napangiwi siya sa ginawa ko.
"Ikaw alam mo ang epal mo ha! Pahiram na nga lang ng notes mo." Kinuha ko ang binder niya, namangha ako sa sobrang linis nito. Mismo ang kanyang sulat-kamay ay malinis di tulad nung akin na parang pang kinder.
Flinip ko yung pages para hanapin yung lesson kung saan kame may quiz mamayang hapon sa Anatomy and Physiology.
Natutuwa ako sa mga binabasa ko dun kasi lahat kompleto eh. May mga sticky notes pa dun kung saan nakalagay ang mga additional info na di sinulat ng prof namin sa board at sinabi lang nung lecture time.
Halatang nakikinig talaga tong si Kaela, syempre di na ako magugulat. Napaka grade conscious ng kaibigan ko kaya nga dean's lister yan eh, hindi tulad sakin na tulog tuwing klase at walang pakealam. Basta makapasa ayos na.
Kaya di ko maintindihan paano kame nito naging friendship eh, I mean wala kasing similarities pagdating sa personality naming dalawa, habang siya ay seryoso sa lahat ng bagay ako naman ay parang walang direksyon sa buhay.
Well, I think opposites attract nga naman.
Maayos naman din yung ganyan, kasi kapag may mga times na tinatamad ako mag-aral siya ang nagpupush sakin para mag-aral at kapag siya din yung masyadong babad sa pag-aaral ako din yung nagreremind sakanya na mag take a break muna.
Tulad ngayon nasa lib kame dahil sakanya, tinuloy ko lang yung pagbabasa sa notes niya at si Kaela naman ay naglalaro sa cellphone niya ng Mobile Legends dahil tapos na siyang mag aral.
"Myra, alam mo ba kung nasan si Zhar?" Nagkibit balikat lang ako at sinimulan na ang pag mememorize sa mga terms and functions ng muscles.
"Asan na ba yung babae yun? Kanina ko pa siya tinext eh di nag rereply, sabi niya kanina bago siya umalis sa klase niya may chika daw siya sa atin." Saad ni Kaela habang mabilis ang pag pindot niya sa kanyang screen, medyo naririnig ko ito dahil may pagkahaba ang kuko niya.
Hindi ko naman talaga alam kung nasaan yung isang kaibigan namin. Same kame kinukuha ng course which is Nursing pero nasa different class kame. Pano ba naman, nung nag-enroll kame late yung isa dahil ang daming kaartehan sa mundo. Kaya kame ni Kae ang magkasama parati dahil same ang sched namin. Pero nagsasama parin kame tatlo pag parehas ang vacant.
"I don't know Kae, tayo kaya magkasama buong umaga. So why are you asking me?" I sighed and leaned on the chair, pinikit ko sandali ang mata ko para mas mabilis ko mamemorize yung mga binasa ko. Gusto ko rin makapasa nu!
BINABASA MO ANG
Lovelorn
Fiksi RemajaI stared at the word. I never knew it would only take one word, eight letters and two syllabes to describe what I'm feeling right now. A sad smile made way into my lips as I read the definition of it out loud. Lovelorn : unhappy because of unrequi...