<><><><>
KRINGGGGGGGGG~~~
Ugh, ito na naman! Kaya ayaw ko ng Lunes eh. Bababa na-naman kami para pumila doon sa napaka-init na court. Itong eskwelahan kasi na 'to, ang lakas magpa-aircon e' yung mismong court ay hindi man lang makoberan. Parang isda lang, fresh kaming biningwit tapos ibibilad lang sa araw para maging tuyo?! Bwiset!
"Ayan na namang simangot mo inday. Naku-naku 'wag mo na sirain ang araw mo ngayon. Smile Monique, smile," mapilit na pagpapakalma sa'kin ni Kacey.
"Oh, oks lang yan Monique hindi lang naman ikaw ang maiinitan." Pagkukumbinsi pa ni Leanne habang naglalakad kami papunta sa pilahan.
"E' nakakainis naman kasi 'tong school! Binabayaran ng pagkamahal-mahal pero 'di man lang mapagawan ng bubong yung court!" Naha-highblood kong pagrereklamo sa kanila.
"Grabe, ganyan na ba talaga ako ka hot para magreklamo kayo ng ganyan?" Taas-noong pagtatanong sa'min ni Irish. Isa pa 'to eh, napaka narcissist ng babae na 'to! Naalala ko one time, nagala kami sa mall tapos bigla siyang napatigil at sumigaw ba namang 'Gashyyy ang daming nakatingin, Ang ganda ko kasi!' Eh pa'nong hindi titingin sa kanya ang mga tao, napaka-OA magreact kapag may nakikitang magandang bagay. Lechugas!
Hindi na namin siya pinansin dahil hindi na naman titigil ang bunganga niyan kung nagkataon. Pumwesto na kami sa pilahan namin.
Hindi naman sa wala akong respeto sa watawat, slight lang, ay napayuko na lang ako habang nakalagay ang kanang kamay ko sa kaliwang parte ng dibdib ko dahil sa sinag ng araw. Napapikit na lang ako at hinintay na matapos ang pambansang awit. Pag tingala ko ay nagulat ako dahil may nakangiting lalaki sa akin. Pero hindi lang siya basta lalaki, ang wafu bes! Yung chinito eyes tapos 'yang ngiti nayan na makalaglag panga, grabe!
Oh Ma Boy~
Oh Ma Boy~ BabyOh Ma Boy~
Oh Ma Boy~ Baby
Teka, ako lang ba? O parang may nagpapatugtog ng kanta ng sistar? Nevermind! Hindi na mahalaga 'yon. Hala gora Monique, ilabas mo ang pinakamatamis mong ngiti pati ang mala-toothpaste commercial mong mga ngipin. 'Yan, keep slayin' bhie!
"Hoy ateng, sa'n ka nakatingin? Para kang sinapian ni joker, nakakatakot ngumiti," winagaywaway niya pa sa harap ko ang kamay niya.
"H-huh bakit? a-ano'ng meron?" Napapatigil na tanong ko dahil hinahanap ng mga mata ko si kuyang chinito smile, ayy eyes pala!
"Hala ka sis, baka sa sobrang hot ko pati brain mo nasunog na rin! Kahit wala ka naman no'n, joke." Pampam na pakikisawsaw nitong si Irish. Ingay-ingay eh! Nasan na kaya yung chinito na 'yon? Luminga-linga pa ako pero 'di ko na talaga siya makita.
BINABASA MO ANG
FLAG CEREMONY (One-shot Story)
Roman pour AdolescentsThe purpose of the ceremony is to honor the flag. It is a way of showing love and respect for one's country. Yan ang meaning ng flag ceremony. Pero kahit na alam ko na ang meaning niyan ay tinatamad parin ako. Like, bababa ka pa ng classroom para p...