01

3 0 0
                                    

"Han, may pogi kabang kaklase ngayon?" Chismosang tanong ng bestfriend kong si Cindy.

Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay dahil sa tanong niya.

"Ang landi mo. Lam mo yun?" Sabay irap ko sa kanya.

Tinawanan lang ako ng gaga.

"Oo alam ko namang malandi ako hahaha. Pero alam mo, may kaklase ako ngayong sobrang pogi. Ask me his name dali" Maarte niyang sabi habang kinikilig.

Na curios tuloy ako. STEM kasi itong si Cindy at alam ng lahat na marami talagang pogi sa STEM.

"Talaga? Sino?" Sabi ko habang nagpost ng myday ko sa fb.

Selfie ko lang naman yun na may caption na "bored here at canteen"

Nagbabasakaling baka ma seen ng crush kong taga STEM. Nakita ko kasi sa myday niya na andito siya sa canteen based sa background ng myday niya.

"Well si Caleb lang naman classmate ko-"

"Omg? Really?" Pagputol ko sa sinabi niya.

Si Caleb lang naman ang ultimate crush ko since Junior High school palang kami.

Tumawa naman ang bruha. Alam niya kasing crush na crush ko talaga si Caleb ever since palang.

"Yes gurl. Actually katabi kami. Don't worry wala akong balak agawin ang bebe mo hahaha"

"Nakaka inggit naman! Ang sarap tuloy mag swap ng strand" Nanglulumo kong sabi.

I'm so jealous! I didn't know in the first place that Caleb will choose STEM.  Well sino ba naman ako para ipaalam ni Caleb na STEM yung kukunin niya, I'm just a nobody to him. Ouch. Kung alam ko lang in the first place baka STEM din kinuha ko.

"Mas nakakainggit ka gurl. Ang dami din kayang gwapo sa ABM. Halos nga ng varsity ng basketball, ABM yung strand. Ang layo pa ng floor niyo sa mula floor namin" Sabay pout ni Cindy

Natawa nalang ako sa inakto niya. Baliktad kasi kami ni Cindy. Yung mga crush niya, marami kasi siyang crush then halos ABM yung mga yun. Ewan ko ba nitong kay Cindy. Ang hilig hilig sa mga basketball player.



Ang tagal naman ng oras. Gusto ko ng makauwi.

Last subject na namin ngayon at nanunuod lang kami ng movie. May emergency meeting kasi yung mga teachers ngayon kaya iniwan lang kami ng teacher namin.

Ang boring tuloy. Di naman kasi ako mahilig sa movie kaya diko nanuod. Mas gusto ko pa yung may kausap ako pag ganito eh.

Afternoon kasi ako last semester then this sem morning kinuha ko kaya naman wala akong dating kaklase this sem. Wala tuloy akong makausap.

At lalong wala naman akong planong makipag usap dito sa nag iisang katabi ko 'no.

Walang silbi pa naman itong kausap.

Tsk

"Huy, may power bank kaba?"

Aba, nagsalita ang monggoloid.

"Ha?" Tanong ko ulit kasi di ko masayadong dinig yung boses niya dahil sa ingay ng tv.

"Hatdog"

Kita niyo tong taong to. Monggoloid talaga.

Inirapan ko nalang siya at di ko nalang pinansin. May saltik ata kasi to sa utak eh.

Kawawang nilalang...

Makapag ML na nga lang. Baka mahawaan pako sa pagiging monggoloid nitong katabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ha? HatdogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon