Kabanata 2

36 22 0
                                    

Inis na naupo si Raya sa couch sa living room, iniintay ang mga kalalakihan na mga nag-aayos pa ng buhok nila. Akala niya'y siya ang hihintayin ng mga ito dahil siya ang babae at conscious siya sa magiging itsura niya but it turned out na ang mga ito pa pala ang hihintayin niya.

Malulusaw na't lahat ang make-up niya ay hindi pa tapos ang mga ito. Ang masaklap pa ay medyo gusumot na ang laylayan ng dress niya dahil sa pagkakaupo. She's wearing a maroon solid ruffles backless fishtail maxi dress and a black stilleto, she's also sporting a white blazer that is hanging on her shoulders.

"When will you be done guys? I'm tired of waiting." anito at padarag na sumandal sa couch.

Napansin niya na hindi nakikigulo si Sky sa mga ito at tila ba may pinagkakaabalahang mahalaga sa phone nito. Baka babae niya, ani ng kanyang isip.

Simula nang magkausap sila kagabi sa labas ng bahay nila ay hindi na siya nito inimik pa.

"We're done, lil sis. Sasabay ka ba sa akin papunta sa simbahan?" tanong ng Kuya Vince niya sa kanya.

They are now standing in front of her wearing their expensive polo, slacks and shoes. Looking good and manly as always.

"Nope, I'll drive my own car. I waited for you just to have pictures before going there, Mom's request." bored na sagot naman nito at nauna nang maglakad patungo sa labas ng kabahayan nila dala ang purse nito.

She hates to admit it but it annoys her how Sky ignores her now. Hindi gaya ng dati na panay ang pagpapandin nito at pangungulit sa kanya. Tanging mga kaibigan lang nitong lalaki ang pinapansin at tila ba'y iniiwasan siya.

Why should i be bothered by his artitude by the way? Hindi ko ikauunlad 'yon lalo na't kakikilala ko pa lang sa kanya, saad ng maliit na tinig sa isip niya.

Nang makalabas si Raya ay nagulat siya nang makitang may mga luxury car  na mga nakaparada doon na nakakapukaw ng pansin ng mga kapitbahay niya.

For sure it's the jerks', dahil nandoon din ang sariling kotse ng kuya niya.

Napairap na lang siya nang sunod-sunod pa nilang patunugin ang kotse nila na ikinahanga ng mga kapitbahay nila. They are making a scene!

"Let's just take a picture and go to the church na, it's so mainit na kaya dito!" mataray na sambit ni Raya at isinuot na ang kanyang sunglasses.

"Eto na nga, init ng ulo nito. Meron ka ba ah?!" tugon naman ng kuya niya na inagaw na sa kanya ang phone niya para ibigay kay Vernoz upang makuhanan na sila ng litrato.

They did alot of poses na ikinainis ni Vernoz na bilad na bilad sa araw. Nag request pa si Fabian na kasama daw dapat lahat kaya tinawag pa ang helper sa loob para picturan sila.

So annoying! Dapat ay kanina pa kami nasa simbahan at hindi dito sa initan! asik ni Raya sa isip niya.

Kita ni Sky sa mukha ng dalaga na naiinis na ito kahit na panay ang pose at ngiti nito sa picture kaya napatawa siya ngunit agad ding pinigilan ito dahil pinukulan siya nito ng masamang tingin.

Raya glared at Sky when she caught him chuckling, natatawa ba ito na makitang inis na inis na siya o dahil sa pag-iinarte niya sa mga picture kahit na iritado na ang mukha niya?

Nang matapos sila ay nauna na siya na sumakay ng sasakyan niya at pinaharurot na iyon papuntang simbahan para sa kasal ng kaibigan niyang si Hera at Axell.

Pilit niyang kinakalma ang sarili niya dahil hindi talaga magkandamayaw ang mga negatibong bagay sa isip niya. Bakit ba siya nito iiwasan tapos bigla na lang siya tatawanan na lang bigla? She should plan to kill him soon.

Prevailing Catastrophe (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon