Play

9 3 0
                                    

"Alam mo, naniniwala ako, 2020 is your year! Magkakajowa ka na promise!"

I was currently chatting with my friend Rogie at pinipilit niya sa akin na baka oras ko na daw para magkajowa. I mean I have no boyfriend since birth, at kung tutuusin ay gusto ko na talagang maranasan yung feeling na may jowa. College Student na ako, at yung mga kaibigan ko ay nakaexperience na ng kanilang mga first kiss. Me? Ito... buhay pa naman.

I've tried dating apps pero wala eh. Mataba kasi ako, I mean sino ba namang lalaki ang magkakagusto sa mataba. Maiitim din ako tapos wala naman akong maipagmamalaki. That's why kung hindi man ako nababastos sa mga dating app ay naloloadan ako ng ghostsurf50.

"I've given up. Simple. Siguro aasa na lang talaga ako kay Lord."

"Hay nako! Ikaw naman kasi, ayaw mong maniwala sa sarili mo! I mean maganda ka naman, hindi mo lang nakikita"

I sighed, "Baka nga"

Hindi naman nila ako masisisi. I grew up into something na ayaw ng lahat. Palagi akong nabubully at nasasabihan ng balyena. Kaya kahit kailan ay di ko pa nakikita ang sarili ko bilang babae. Kahit nga sa pagiging nursing sinasabi sa akin na dapat daw magpapayat na ako. I mean, thank you ha? Kasama nga kasi talaga sa pagnunursing ang kasexy-han kasi iyon yung ipapakita mo sa pasyente mo.

Sa tuwing naalala ko ang sinasabi sa akin ng tiyahin ko, napapairap na lang ako sa hangin.

Maagang natapos ang Return Demo namin kaya maaga din akong napauwi. Thank God!

Nang sandaling makarating ako ng bahay ay the usual na ginagawa ko, online at nagmemessage ako sa isang app na pwede kong ipadala sa kahit na sinong tao sa mundo.

It is a form of a mail. Tapos ayurn. May nakakausap na ako dito, si Daniel. Halos 2 months na kaming magkausap, palitan ng sulat. Kaso hindi pa namin nakikita ang isa't isa at aaminin ko, magaan ang loob ko sa kanya.

He is a Christian, a Leader, a Dean's Lister, he even volunteer around. Kung tutuusin, nasa kanya na ang characteristics na hinahanap ko sa isang lalaki.

Dear Yellow,

Naisip kita kanina kasi binigyan ako ng kaklase ko ng kuting, diba gusto mo yun? Kasama dito yung picture, tingnan mo na lang mamaya. Kamusta ka na dyan? Medyo madami akong ginagawa. Ikaw? Mahirap pa rin ba ang pagnunursing? Yung pinsan ko ganyan din, wag kang magalala, malalampasan mo rin yan. Kahit dito sa engineering, halos magkamatayan na kami sa dami ng ganap namin dito pero ayos lang kasi gusto ko naman ito. Kaya dapat ikaw din! Fighting!

Hindi ko alam kung dapat ko na ba itong sabihin sa iyo... Masaya ako na kausap ka, kung pwede lang sana pag reply mo sa sulat ko, kasama na rin ang number mo. Gusto kong marinig ang boses mo... kung pwede lang sana.

—Daniel

Hindi alam ni Daniel ang totoo kong pangalan. Siguro naman, pwede na akong magbigay n number sa kanya? Magdadalawang buwan na din kasi tapos nacucurious din ako sa boses niya.

Nagreply ako sa sulat niya kasama ang number ko. Marupok? Hehez ganun talaga ang lola mo.

***
Kinabukasan nakatanggap ako ng tawag at galing iyon kay Daniel. Sinabi ko na rin sa kanya ang pangalan ko, at natuwa siya "Ina... ang ganda"

Iyon ang palagi niyang sinasabi sa akin.

Nung gabing iyon, magkausap lang kami. Masaya at magaan siyang kausap, marami din akong nalaman sa kanya. Doon ko lang nalaman na naloko na siya dati ng girlfriend niya tapos namatayan pa siya ng latest niyang girlfriend, si Angie.

Sobra akong nalungkot nung nalaman ko iyon. Hindi ko kasi maimagine ang mawalan ng mahal sa buhay. I mean well, I still have my sufferings, lumayas ang mommy ko sa amin, na-stroke ang daddy ko, tapos yung kapatid ko lumayas din sa amin pero di pa rin nun maalis ang fact na nasasaktan tayong lahat.

Kathang-IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon