Paalam, Kahapon

79 2 0
                                    

" Sadyang mapaglaro ang ngiti ng sinuman. Pagka't sa isang iglap kaya nitong manipulahin ang iyong damdamin at gisingin ang iyong PUSO Mula sa mahabang panahon nitong pagkakahimbing."

..............

Mabilis na lumipas ang panahon. Hanggang sa Ang mga araw ay naging linggo at ang mga linggo ay naging buwan. At kasabay ng paglakad ng kamay ng orasan ay ang pagtulin ng aking nararamdaman sa binata na minsang naging estranghero sa aking mga mata.

Noong una ay pagiging kaibigan lamang ang aking turing sa kanya. Kasabay na naming ginagawa ang mga bagay sa pang-araw-araw naming buhay.

Nakagawian na namin na sabay pumasok sa trabaho. Siya sa health center habang ako naman ay sa paaralan malapit rito. Sabay umuwe, kumain at higit sa lahat Ang mag-usap ng mga makabuluhang bagay tungkol say buhay. Ngunit isang bagay ang hindi namin napaghandaan. At iyon Ang aming hinarap makalipas ang tatlong buwan.

............

3 months later (year 2018)

Tahimik na pinagmamasdan ni Marcuz ang paghamapas ng alon sa dalamapasigan habang paminsan-minsan siyang kumuha ng maliliit na bato sa kanyang tabi at tsaka ihahagis ito  sa dagat. Araw ng martes ngayon ika-28 ng Agosto taong 2018 Ang araw na ipagdiriwang niya Ang kanyang ika-24 na kaarawan. Alas sais pa lamang hapon ay narito na siya dahil dito ang lugar na napag-usapan nilang Tagpuan ng kaibigang si Eli. Ngunit mag-aalas siyete na ay Wala pa rin Ito. Matagal man ay handang siyang maghintay sa binata dahil Ito ang araw na balak niyang sabihin sa kaibigan Ang nararamdaman. Oo lalaki siya ngunit sa unang araw pa lamang na nakita niya Ito sa gitna ng ulan ay alam niyang espesyal Ito. At lalong pang tumindi ang kanyang nararamdaman para rito sa bawat araw na nakakasama niya ang binata.

Sir Marcuz!!! ... Narinig niyang sigaw ng isang lalaki Mula say kanyang likuran. Nilingon niya Ito at napagtantong si Mang Karning ang lalaki na tumatawag sa kanya ang katiwala ng bahay na tinutuluyan ni Eli.

Hingal na hingal Ito na narating Ang kanyang kinatatayuan at bakas sa mukha nito Ang pagkabahala na nagbigay ng tensiyon sa kanya.

Ano pong nangyari Mang Karning? Nagtataka niyang tanong sa matanda

Hu..Hu.. pagahahabol sa paghinga ng matanda dulot ng pagtakbo nito kanina.

Ano Po? Pag-uulit niya sa mas mataas na boses.

Si... Si Sir Eli Po.. hinahapong sagot nito

Anong nangyari Kay Eli? Paiyak niyang Sabi habang nangingilid Ang mga luha.

Sumunod Po kayo sir .. Dali.. pag-anyaya ng matanda sa kanya na mabilis naman niyang sinunod.

Dinala siya ng matanda sa bahay na tinutuluyan ni Eli. Mabilis at kinakabahan siyang pumasok sa loob nito at bumungad sa kanya ang makulay na letra na nakadikit sa pader na nagpapahiwatig ng pagbati sa kanya ng maligayang kaarawan. Nagtungo din Ang kanyang paningin sa maliit na lamesa na nababalutan ng pulang tela Kung saan naman nakalagak ang isang birthday cake. Ngunit ang pinaka -nakapukaw sa kanyang atensiyon ay Ang mga mukha ng tao na bumabati sa kanya sa TV screen. Umupo siya at pinanood Ang mga pagbati Mula sa kanyang mga magulang at kapatid. At sa huli ng video ay lumutang ang ilang larawan ng sanggol na lalaki na lalong nagpaluha sa kanya. Dahil Wala mang nagsasabi sa kanya ay batid niya na Ito Ang kanyang anak na matagal na niyang hindi nakikita. At sa unang pagkakataon at nasilayan niya ang mukha nito.

Paalam, KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon