Epilogue

69 3 0
                                    

" Ang buhay ay parang aklat kailangan mong magpatuloy sa pagbabasa mula sa unang kabanata. Sapagka't hindi mo malalaman ang kahahatungan ng iyong istorya kung hindi mo bubukasan ang susunod na pahina."

..................

Sir narito na Po tayo. Mahinahong Sabi ng bangkero na naging dahilan ng pagkagising ng kanyang naglalakabay na diwa Mula sa nakaraan. At naging hudyat upang magbalik siya sa kasalukuyan.

Inalalayan siya ng bangkero pababa ng bangka. At akmang ibabalik na niya ang pulang payong na ipinahiram nito kanina ng biglang magsalita ang binata.

Sir, sa iyo na po yan remembrance niyo Po na minsan hinatid ko kayo Mula sa kahapon patungo sa ngayon. Nakangiti ngunit may pagkamisteryosong Saad nito.

May pagkagulat man sa tinuran Ng bangkero ay Hindi na lamang niya pinansin at isinawalang bahala na lamang Ito. Ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin Ang maamo at gwapong mukha na nito. At sa kanyang tantiya ay halos magka-edad lamang sila nito.

Natigilan siya sa pagkakatitig rito ng magsalita ito.

Sir.. paano ba yan mukhang matutunaw na Po ako sa pagkakatitig niyo .. nakangiting Saad nito.. dahilan upang mamula Ang kanyang mga pisngi..

Paalam na ba Sir? Nakangiting Saad muli nito. Habang inaabot nito ang kanang palad.

Masuyo naman niyang tinanggap ang kamay ng binata..

Eli.. maikli niyang tugon.

Cholo Guevarra.. tugon naman nito.. sana sa susunod na buksan mo ang payong na iyan ay handa ka ng harapin ang ngayon at bukas at hindi ang kahapon.. misteryosong saad nito .

Nginitian lamang niya Ito at tsaka binawi ang kanyang kamay. Magsasalita pa Sana ang binata ng may tumawag sa kanyang pangalan Mula sa likuran.

Kuya Eli.. masayang tawag sa kanya ng kapatid na babae.

Agad naman silang nagyakap na magkapatid at tsaka nagkasundo na sumakay na sa kotse nito.

Bago siya tuluyang pumasok sa pintuan ng kotse ng kapatid ay muli niyang nilingon ang Isla na minsan NILANG NAGING TAHANAN.

At nasambit sa sarili Ang mga katagang " Past is Past.. pero ako pipiliin ko na laging lingunin ang nakaraan dahil nandun ka.. Ang mga alaala nating dalawa. At masaya akong ipapa-alala sa aking sarili na minsan akong naging sa iyo at ikaw ay akin".


...... ............

Ika-29 ng Hunyo taong kasalukuyan

Taimtim na binabaybay ni Eli ang daan palabas ng Parke Merced. Nakasanayan na niya kase ang mamasyal sa lugar na ito tuwing walang pasok. At sa gitna ng kanyang paglalakad ay napansin niya ang isang batang lalaki na tumatakbo patungo sa kanya na pilit hinahabol ang kulay kahel na bola.

Agad naman niyang kinuha Ang bola na huminto sa kanyang kinatatayuan at tsaka yumuko upang abutin ito ngunit sa kanyang pag-angat ng tingin ay Hindi niya inaasahan ang lalaki na kasalukuyang nakatayo sa kanyang harapan hawak ang Ang batang kaninang tumatakbo patungo sa kanya.

Paalam, KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon