LW1

10.3K 213 19
                                    

Jewel's POV

    "Ready ka na bang makita sya ulit?" Tanong ni sean sa akin . "Kung hindi pa----"

   "Kaya ko na. Kukunin ko ang dapat na para sa amin ng anak ko." Sabi ko at tumingin sa likod ng sasakyan kung saan natutulog si zhaika.

   Tatlong taon na ang nakalipas mula ng lumayo kami ng anak ko. At masasabi kong kaya ko na.

   Nag-aral ako ulit at pinatatag ang sarili ko para sa araw na maghaharap kami ulit.

   Sumuko ako nuon. Masisisi ba nila ako? Kung lagi nya kaming pinagtatabuyan ng anak ko ? Umalis ako pero hindi ibig sabihin yun. Hahayaan ko na silang magsaya ng babae nya.

   Napadpad ako sa pangasinan nuon ayokong gumamit ng cards baka matunton ako nila mommy sheen,tinulungan di ako ng magulang ko at naintindihan nila nung sinabi kong gusto kong lumayo. Lumayo sakanila pero di ako nangibang bansa dahil alam kong duon ako unang hahanapin nina daddy gavin at mommy sheen.

   Sa pangasinan nalaman kong duon din ang probinsya nila sean kaya sila ang naging kasa kasama ko habang malayo ako sa pamilya ko.... Sa asawa ko.

    "Ikaw ang bahala. Nasa likod mo lang ako" tinignan ko si sean . Sya ang umalalay sakin sa lahat pati na sa pag aalaga ng anak ko. Malaki ang tulong na ibinigay nya samin. "...manunuod sa laban mo with matching popcorn pa. Hahaha"

   "Baliw."

    "Cupcake ngiti ka kasi , ang pangit mo pag hindi ka nakangiti." Saglit nya akong tinignan bago nilipat ang tingin sa daan.

   "Natatakot ako na baka sa gagawin ko anak ko ang masaktan." Sabi ko dito.

   "I won't let that happen. .." seryosong sabi nito kaya napangiti ako. " Saktan ka na nila wag lang ang girlfriend ko. Hahahah"

   "Fishtea ka. Bata pa ng anak ko. Kala ko pa naman concern ka." Natatawa kong saad.

   " Haha ayaw mo kasi akong sagutin kaya si zhaika na lang. Mas maganda pa sya sayo at mas matapang. Iyakin ka ." Biro nito

   "Anak ko yan kanino pa ba magmamana ng kagandahan. Eh di sa dyosang ina. That's me" proud pang sabi ko. Tinawanan nya ako at nag umpisa na kaming magkwentuhan ng kung ano ano. Puro lang ako tawa sa pinag sasabi nito.

   Habang si zhaika ay tulog pa rin. Kahit ang tagal namin nanirahan sa probinsya di sya umitim. Namumula lang ang balat nito sa tuwing nagpapaaraw.

   Kahit sa bahay sa pangasinan pansinin talaga ang anak ko dahil sa angking ganda at sa kaputian.

     " Dederetcho ba tayo sa bahay nyo? O sa condo ko muna kayo titira?"

   " Sa bahay na lang. Baka ipa shoot to kill ka ni daddy pag nalaman na sumama ako sa condo mo. Hahaha" natatawa ako dahil napangiwi sya.

   " Sasabihin ko kay tito papanagutan kita " binatukan ko nga.
"--- ouch, cupcake i'm driving. Mamaya mo ako lambingin. Haha"

   "Ewwww lambingin? Binatukan kaya kita. Karuten takad tan natnam" sabi ko na tinawanan nya lang. (Kurutin kita jan kita mo.)

  "Ang cute mong magsalita ng panggasinense para kang inipit na pusa. Hahah"

   "Sean huh tawa ka ng tawa pag ikaw nakita ng mga empleyado mo di ka na rerespetuhin. Dapat seryoso - boss ."

  Sean Cross - sya ang may-ari ng isa sa malaking construction firm sa asia ang CROSS-CS. Oh diba bigtime ng kasama ko.

   Minsan sa isang buwan lang yan umuwi sa pangasinan dahil sa busy ito sa company nya.

LTML 2 : LEGAL WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon