Chapter 5

46 4 0
                                    

Maaga naman kaming ginising ni Kuya sa wake up call nya.

May nakalagay na box sa living room

Nagtipon tipon naman kaming lahat duon

"Housemates mag sisimula na ang kauna unahang task ninyo. Melai buksan mo at basahin ang sulat"

Binuksan naman ni ate melai at binasa

"Housemates ang kaunaunahang task ay mag sisimula na nga at sa task na ito ay kailangan nang inyong memorya at bilis. Alam kong magagawa nyo ito dahil kayo Ang mga big winner ko. Makikita nyo ang mga kagamitan sa pool area. Ang task na ito ay puzzle task. Na Kung saan ay bubuuin ninyo ang imahe nang mga magandang tanawin sa pilipinas. Ang mga puzzle pieces ay mahahanap ninyo sa ilalim nang pool. Bibigyan ko kayo nang 48 hours para matapos ito. goodluck housemates, Kuya"

Pagkatapos basahin ni ate melai at pumunta na kami sa  pool area.

At nandun nga sa gilid Yung platform na pag bubuuan nang mga puzzle at Ang mga puzzle pieces ay nasa pool. At Ang di namin inaasahan na kasing laki nang hinlalaki ko Ang mga puzzle pieces.

"Sige kaming kukuha nang puzzle pieces" Sabi nina Kuya Daniel

Pumwesto Naman kaming girls para mag buo nang puzzle

Agad agad naman nang tumalon sa pool si Kuya Daniel at kinuha ang puzzle pieces.

Isa isang Tao lamang Ang pwedeng kumuha nang puzzle pieces.

Kaya naman salit salitan Ang boys.

Pagkabigay samin ni Kuya Daniel ay nagsimula na kaming mag buo nang puzzle.

Medyo nahirapan kami dahil Ang liliit nang puzzle pieces.

"Parang Hindi lang isang lugar to, baka tatlo or dalawa" Sabi ni ate Kim

Pinaghiwa hiwalay Naman namin yung may picture na may tubig sa mga green.

Hanggang sa ilang oras Ang nakalipas ay nakakabuo na kami nang imahe.

"Feeling ko Alam Kona!" Sagot ko

"Rice terraces to, Tama may" Sabi ni ate keanna

Ayun nagbuhayan Naman na kami dahil malapit na naming mabuo Yung isa.

Maya maya lamang ay may pumasok na nga ninja para sirain ang nagawa namin.

Hinaranggan Naman namin sila

Medyo may nasira sa part na nagawa namin.
Di rin nagtaggal ay umalis din sila.

"Ohh no, dapat ready Tayo. Kasi feeling ko kapag nakabuo man Tayo dipadin safe dahil sa ninja" Sabi ni Kuya slater

Tumango Naman kami

Hanggang lumipas Ang ilang oras ay nakabuo na kami nang Isa. Binabantayan Naman Nina kuya James yon.

Gumagabi na at 2nd picture na kami.

Pagod na Ang lahat. Pero tuloy padin Hindi Naman pwede matulog dahil darating ang mga ninja

Nung nasa kalahati na kami nang pag buo sa picture ay dumating Nanaman ang mga ninja

"Movee" sigaw nila Kuya Daniel kaya Naman pinrotektahan namin Yung mga nagawa namin.

Wala Naman silang nasira, Maya maya Lang uli ay umalis na sila.

Hanggang sa madaling araw na at natapos na namin Yung pangalawang picture.

"Pahinga muna Tayo guys, pero dito nalang Tayo para ready Tayo if darating sila" Sabi ni ate Nene

"Kahit ilang hours Lang natulog, Kasi di natin mabubuo Yan kung lutang Tayo" Sabi ni ate Bea

Pumayag Naman Ang lahat kaya naupo muna kami don at na idlip.

Ilang oras din ako nakatulog at umaga na nga.

Sinimulan Nanaman namin ang pag buo dahil may 24 hours nalang kaming natitira at dalawa pa Ang kelangan buoin.

Habang nag bubuo nang pangatlo ay dumating Nanaman ang mga ninja

Medyo nasira uli Yung unang picture kaya naman binuo na namin. Tuwing nakakasira sila ay aalis nadin Ang mga ninja.

Lahat ay nagtutulungan na para makabuo.

Nagbigay Naman si Kuya Ruben at Kuya yamyam nang makakain namin.

Hanggang sa isang picture na nga Lang Ang bubuuin.

"Housemates mayroon nalamang kayong 8 hours para mabuo ang huling picture"

Kaya naman binilisan na namin Ang galaw.

At nung 1 hour nalang Ang natitira at malapit na naming mabuo ay dumating muli Ang mga ninja Todo bantay na kami dahil malapit na naming matapos.

Hanggang sa nabuo na nga Ang last picture kaya Naman nag sigawan kami at nag tatalon.

30 min. On the clock pa kaya napakasaya namin.

"Binabati ko kayo, kayo ay nagtagumpay sa inyong unang hamon. Pero nag sisimula palamang ang laban. Congratulations housemates"

Kaya Naman nag group hug kami at nag tatalon nakakatuwa dahil natapos namin yun nang tulong tulong.

After noon ay nag pahinga na nga Ang lahat. Dahil sa pagod agad na akong nakatulog.

---------------- KINABUKASAN ------------------

Ginising na nga kami ni Kuya sa wake up call na nag sasalita.

"Goodmorning may"

Tumayo Naman ako kaagad dipa nag sisink in sakin kung Sino yung nag sasalita. Narinig ko nalang na sumigaw si Kuya yamyam.

"May si Edward asa TV"

Tumakbo ako palabas nang girls bedroom at tumakbo pa living room

Nasa tv nga si dodong

At naka stop.

"Good morning may"

Hanggang dun lang Hindi natutuloy yung sasabihin pa nya

Anu kaya yun. Mmm dooong miss na kita

Pag-ibig na kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon