Chapter 5

505 6 5
                                    

A/N: Pasensya na po sa sobrang tagal kong update. Sorry talaga ha? Kasi naman nagkasakit ako. Di na rin ako natuloy makasama sa Royal Fair nung 18 :(( Namiss ko rin mag-update e. Pati si wattpad super kong namiss. Pagpasesnyahan nyo na talaga ako. Hanggang ngayon may sipon at ubo pa rin e. Tas di pa nagtetext si crush. Huhu XD btw, maraming salamat sa patuloy na pagsuporta dito sa storya ko ha? 

P.S: Malayo-layo pa po ang ending nito. Thanks sa intaaaaay =)

--

Third Person's POV.

"Kathryn?"

Tanong ni Daniel sa sarili nang makita ang isang dalaga na nakahandusay sa gitna ng kalsada. Puno'ng puno ng dugo at sugatan ang braso, gasgas ang mukha at nakatilapon na gamit sa tabi. Hindi alam ni Daniel ang gagawin kaya't nilapitan niya ang dalagang duguan.

"Kath." ang natatangi niyang nasabi.

"Dj, isugod na natin siya sa ospital!" sabi ni Vangie.

Bubuhatin na sana ng binata si Kathryn nang biglang dumating ang isang ambulansya. Ikinarga siya sa isang stretcher at tuluyan ng isinakay sa loob. Naiwang tulala ang binata sa sinapit ng kanyang dating kasintahan. Nanlambot siya kaya napaupo siya sa daan at tuluyan ng tumulo ang kanyang luha.

"Kasalanan ko to e!" sisi ng binata sa sarili.

"No Dj, no. Walang may kasalanan nito." sagot ni Vangie.

Biglang dumating si Yen at Neil. Nadatnan nilang nagsususuntok si Dj sa aspaltadong kalsada.

"Dj! Tama na." awat ni Yen.

"Hindi. Kasalanan ko to e. Kasalanan ko kung bakit to nangyari sa kanya."  patuloy na pag-iyak ng binata.

"Tol, tara na! Wag mong sisihin sarili mo." sabi ni Neil habang tinutulungang tumayo si Daniel.

--

Nasa labas ng ER ang buong barkada. Tulala pa rin si Daniel na nakatingin sa pintuan. Umiiyak si Julia sa pag-aalala kay Kathryn. Maya maya pa'y lumabas ang doktor mula sa loob ng ER.

"Doc, kamusta po siya?" tanong ni Kiray.

"Masyadong masaya ang pagkakaumpog ng ulo niya sa semento. Maaaring maapektuhan ang memorya niya rito." sagot ng doktor.

"Doc, gawin nyo po ang lahat para sa kaibigan namin. Magbabayad kami ng malaki mapabuti lang siya." sabi ni Yen sa doktor.

"Dont worry, we'll do anything for her." sagot nito.

"Maraming salamat ho." sabi ni Julia.

"Maiwan ko muna kayo." tuluyan ng umalis ang doktor.

Nakatulala pa rin si Daniel. Isinasama siya nina Ej papunta sa kwarto kung saan naroon ang dalagang walang malay pero mas pinili nitong maiwan sa labas. Di nya alam kung anong gagawin niya kaya napagdesisyunan niyang pumasok sa chapel ng simbahan.

Lumuhod siya rito sa loob at nagsimulang magdasal.

"Lord, kung ano man pong kasalanan ang nagawa ko, nawa'y akoy inyong mapatawad. Pagalingin nyo lang po si Kath, ayos na po yun bilang pagpapatawad nyo sa akin......."

Tumayo na siya at lumabas ng chapel. Nagdiretso siya sa loob ng kwarto ni Kathryn.

"Maiwan muna namin kayo." sabi ni Neil.

Umupo siya sa tabi ni Kath at pinagmasdan ito. Nasasaktan siya sa nakita niya dahil alam niyang siya ang dahilan ng pagkakabunggo nito. Hindi niya rin alam ang gagawin niya dito. Kaya napagisipan nyang kausapin ito kahit mahimbing na natutulog.

"Kath, sorry sa lahat. Hindi ko naman intensyon na saktan ka ngayon, ayokong makadanas ka rin ng sakit tulad ng naranasan ko noong oras na iniwan mo ako. Ayaw ko lang talagang masaktan ka."

"Masakit man sa loob ko ang hindi ka pagbigyan ng chance, sana malaman mo na mahal na mahal pa rin kita kahit anong mangyari."

"Sana paggising mo mapatawad mo ko. Kathryn, i'm very very sorry. I'm sorry for losing you."

"I lied because I'm scared to lose you. Mahal na mahal kita Kath. Mahal na mahal."

Sa mga sinabi ng binata, napaiyak na siya. Alam niya kung gano nya nasaktan ang dalaga.

"Dj, umuwi ka na muna. Pahinga ka na. Nakuha na nina Diego yung car mo." panunuyo ni Yen.

"Hindi, dito muna ako. Kayo na lang muna ang umuwi. Babantayan ko pa siya." sagot niya ng walang emosyon.

"Dj, wag na matigas ang ulo. Uwi ka na. Please? Balik ka na lang mamaya pagkapahinga mo." pilit ni Julia.

"Ayoko pa. Dito muna ako." sagot niya ng walang pangangatwiran.

"Sige na, pagbalik namin ikaw naman ang uuwi ha?" sabi ni Kiray.

"Ok." sagot ni Daniel.

Tuluyan ng umalis ang magkakabarkada atnatira si Daniel kasama si Kathryn sa loob ng kwarto.

Tumungo ang binata sa tabi ng dalaga para makapagpahinga. Pipikit na sana siya ng naramdaman niyang gumalaw ang kaliwang braso ng dalaga. Agad niyang iniangat ang ulo niya at nakita niyang nakangiti ang dalaga.

"Dj, I'm glad you're back." sambit niya kay Daniel.

"I'm so sorry Kath. Ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka nagkaganyan e." pag-aapologize nya sa dalaga.

"No. Walang gumustong mangyari to." sagot ni Kath sakanya.

"Ang mahalaga, bumalik ka." dugtong nito.

"Kath." yan na lang ang nasambit nya.

Sa totoo lang, gusto niyang bumalik ang dating relasyon nilang dalawa ni Kath kaso hinding hindi niya magawa dahil sa isang kontrata.

--

Alam kong non-sense ang update ko ngayon, pagpasensyahan nyo na. Hahaha!

OKAY! Done. Hihihi :"> pabitin muna ulit ha?

AY, may KONTRATA dyan. Kung sino ang makakahula kung saan tungkol yung kontrata, dun ko idededicate ang next chapter. 

Salamat sa patuloy na pagsuporta dito ha? Sorry talaga sa late update. 

Wag po kayong aasa na mapapabilis ang update ko ngayong month ha? Kasi DECEMBER XD

--

Biggest Mistake (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon