Occupied

2.5K 38 5
                                    

O C C U P I E D 

A short story by Alexy 

--------------------------------------------------------------

ROLOGUE. 

Before Sembreak. School.

            Umuulan noon habang nasa school parking lot sila. Hinihintay nila nang Papa niya si Serys. It was the last day before sembreak at marami pang ginagawa si Serys sa classroom kasi ito ang class mayor nila.

While waiting, nagbibilang si Therese kung ilang raindrops na ang nahulog sa dulo nang backseat window ng sasakyan nila nang tinignan noong Papa niya kung anong oras na. It's past 6 o'oclock.

            "Simula na noong nagbreak yang si Serys at si Jeremy, ang bagal na niyang kumilos. Therese, puntahan natin sa classroom niya."

            Agad namang nagpunta sina Therese at ang Daddy niya sa room.

            "Sir? Nakarinig po ba kayo nang sigaw?" Biglang sumulpot yung school guard. Tumatakbo na rin ito patungo sa classroom nina Serys.

            "Sigaw?" Tanong ni Therese. Nasa sasakyan kasi siya kaya hindi niya narinig.

            "Parang kaboses po ni Serys." Sabi nang guard. Bigla namang natakot si Mr. Salimor, ang papa nila, noon. Kanina pa niya kasi hinintay si Serys at ang paalam nito ay maglilinis pa sa classroom. Hindi kaya tama ang hinala ng guard?

             Agad namang binilisan ang kanilang takbo.

            "SERYS!!!" Nakarating na sila sa room 3A at nadatnan agad ni Mr. Salimor ang anak na nakaupo pa rin sa upuan nito. Duguan ito. Nakapikit ang mga mata. Pero may nakita rin siyang lalaki. Nakahawak siya nang cutter at nakaharap kay Serys.. "PAANO MO NAGAWA SA ANAK KO ITO?!!!!!!! " Agad na tumakbo si Mr. Salimor kay  Serys at niyakap niya ito.

            Nag gasp naman si Therese noon at napahawak sa kaniyang bibig. She can't believe what she saw. Her sister. Bleeding and was murdered by- "J-jeremy?" Jeremy Mana. Ang ex nang kapatid niya. Bakit.. bakit-- "P-paano mo nagawa ito?"

            "W-wala po akong kasalanan!" Sigaw ni Jeremy.

            "THERESE!!! TAWAGAN MO ANG POLICE!!" Utos nang Daddy niya. "BILIS!!"

            "O-opo!" Natataranta na si Therese noon. Hindi niya alam ang gagawin pero sinunod niya ang utos nang Daddy niya. She was shocked by the moment. Naubusan siya nang laway sa lalamunan.

            "W-wala akong kasalanan." Sabi ni Jeremy. Tatakbo na sana siya kaya lang nahawakan siya nang school guard.  Sinipa niya naman ito sa *toot* kaya napaluhod ang school guard saka nakatakbo siya. Hinabol naman siya ni Mr. Salimor. Sobrang lakas naman tumakbo si Jeremy noon. Agad niyang sinakyan ang motor niya at pinatakbo iyon habang yung mga guards naman ay naghahabol sa kaniya.

            Sa lakad nang takbo niya, dala na rin ang mga dinadama niya, hindi na niya namalayan na may sasakyan pala na parating. Nag honk ito. Liliko sana siya pero *CRASH!* Nabunggo siya sa sasakyan.Maya maya lang, nagpunta na ang ambulance at ang police...

and that's how the case of Serys Salimor started.

----------------------------------------------------------------------

Author : Hello there! Haha, na post ko ito days ago and then I deleted it and now, pinost na naman. Haha. This is only mga 8 parts or lesser. No worries, guys! Natapos ko na ang story. Nasa draft ko na. Iisahin ko lang ang pag-upload at medyo gusto ko ng kakaibang story kaya sinubukan ko ang horror. Pahabol naman sa halloween! Hahaha

PS : Pasensya na. Hindi naman siya ganoon katatakot eh. It's my first time to write in this genre so please expect na pangit siya. XD 

OccupiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon