Three - Conscience

703 20 4
                                    

** THREE ; CONSCIENCE **

Another day. Classroom.

            "Okay class, kopyahin niyo ito. Babalik lang ako saglit." Sabi ng teacher at lumabas sa classroom. Nagsusulat na si Thalia noon nang sumulpot si Therese sa harap niya.

            "Thalia, May correction pen ka?" Sabi nito. Nilabas naman iyon ni Thalia at binigay kay Therese. "Hiramin ko lang to saglit ha, thank you."

            "Sure."

            Babalik na sana si Therese sa kaniyang upuan kaya lang may napansin siyang paper ball sa may paanan nang upuan ni Thalia  "Sayo ba ang trash na'to? Pakitapon please." Pinulot ni Therese iyon. Saka binigay kay Thalia. "Ayaw kasi ni Sir na marumi ang classroom natin eh." Si Thalia naman, napatingin sa paper ball na nasa kamay niya. "Sige, ha, balik na ako sa upuan ko."

            Teka... Wala naman siyang ginawang paper ball kanina ah?Binuksan niya iyon and just as she did, nahulog ang kaniyang siko sa arm nang chair. Nakakita siya nang drops of blood on that paper. Weird.

            And wait.. that was the paper ball she saw the other day. Diba tinapon na niya iyon sa labas nang bintana? That's strange. Napaparanoid na ba siya?

            "Urgh! Sino bang nagtatapon nang paperball sakin, hindi na nakakatawa." She talked to herself. Although galit siya, hindi naman niya iyon sinigaw. She crumpled the paper as to what it was when she saw it. Tatayo na sana siya para itapon yung paper ball nang napahawak nalang siya sa hita niya. Bumigat kasi ang hita niya tapos sumakit. Dala siguro nang pagod niya sa P.E nila kanina.

            "Uhm, Thalia, thank you sa pagpahiram." Sabi ni Therese. Bumalik ito para isauli ang hiniram niyang correction pen. "Teka, galit ka ba?" Napansin kasi ni Therese ang nakakunoot na noo ni Thalia.

            "Hindi. Naiinis ako sa kung kanino man tong paperball na 'to at pinapatapon sakin." Iniisip niya kasi na baka may nagtatapon lang talagang paperball sa may chair niya. Nakakainis naman ang kung sino mang gumagawa nang kalukuhang iyon.

             "Therese, pahila naman oh." Sabi nito habang inistretch out ang kamay niya.

            "Hala. Hindi mo na mabuhat ang sarili mo?" Hinila naman siya ni Therese patayo habang nakahawak pa rin si Thalia sa hita niya.

            "Napagod lang yata ako kanina sa PE natin." Nag-ayos na siya nang tayo. "Sige, itatapon ko muna ito." Lumabas na si Thalia noon nang classroom para itapon sa trashbin ang paper ball. Nasa labas kasi nang room ang trashbin. Nakakunot ang noo niya noon. Naiinis na siya sa kung sino man ang nagtatapon noon sa upuan niya. Atsaka di lang sa naiinis. Nakaramdam rin siya nang masamang aura about sa paper ball na yun. It was actually the same paper ball she saw yesterday. Weird.

            Pagkatapon ng pagkatapon niya sa basura, tumalikod na siya noon para bumalik sa classroom nila and when she did, nakapansin siya nang trail nang footprints na galing sa classroom nila. Red footprints. She looked down to her shoes and beside those are the footprints facing the trashbin. Teka, wala naman siyang kasama, diba?Tinignan niya ang ilalim ng sapatos niya. Pero pagtingin niya, wala namang something red. And aside from that, nakasapatos siya kaya imposibleng siya ang may gawa ng footprints na iyon.

             Agad siyang tumakbo pabalik sa classroom nila. That scared her. Sobrang nanglamig siya nang nakarating siya sa classroom but she couldn't help thinking about what had happened.

OccupiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon