Five - The Truth

572 15 6
                                    

** FIVE ; THE TRUTH **

Salimor's House.

            Gumawa na nang assignment noon sina Therese at Thalia. Medyo mahaba haba rin yun. Pero dahil sa nasa katalinuhan naman ang pamilya ni Therese, nagpatulong lang sila tapos ay yun na. Tapos na ang assignment.

            "Gusto mong makita ang mukha ni Serys?" Tanong ni Therese. Nakaupo lang sila sa sofa nang sila nila noon. Nagliligpit na nang gamit si Thalia nang bigla siyang tinanong ni Therese.

            Thalia nodded.

***

Room.

            "Kayong dalawa sa room na'to?" Tanong ni Thalia pagkapasok nang pagkapasok nila sa kuwarto ni Therese. Napatingin tingin siya sa paligid. It was just a small room pero double deck.

            "Yes, kaming dalawa." Sabi ni Therese. Napatingin naman si Thalia sa bedside table. Sa bedside kasi, may vase na nilalaman nang rose. Katulad nang sa kaniya.

            "Ito oh." May inabot na picture si Therese kay Thalia.  Picture ni Serys. Kinuha naman iyon ni Thalia saka tinignan niya. Pagtingin naman ni Thalia sa picture, napatitig siya agad nito. May bitbit na rose si Serys sa picture na iyon.

            She's familiar.

            She thought. Napaupo sina Therese at Thalia sa bed side. She was stilll mesmerized by the picture. "Mahilig ba siya sa rose?" Tanong ni Thalia.

            "Yes. Tignan mo nga oh, bitbit niya diyan, rose. " Sabi ni Therese. "Actually, sabi niya, iyon kasi ang last na binigay niya sa tunay na Ate niya doon sa orphanage. "

            "A-adopted lang pala si Serys?" Tinignan nang seryoso ni Thalia.

            "Yes." Sagot ni Therese. "Ngayon mo lang nalaman?"

            "Uh.. o-oo."

            "Sabi niya sakin, mahal niya raw yung Ate niya. Pero sabi niya na mahal rin daw ako bilang tunay na Ate. " Huminga nang malalim si Therese. "Kapag nandun ka, naroon ako. Kapag wala ka, wala ako..."

            [FLASHBACK]

            "Ate! Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Rose.

            "Wala. Okay lang ako. "

            "Tinutukso ka na naman ba nila?"

            "Pumunta ka na doon sa Party. Iwanan mo nalang ako."

            "Huh? Pwede ko bang gawin yun?" Tumabi si Rose sa kaniya. "Diba sabi ko, Kapag nandun ka, naroon ako. Kapag wala ka, wala ako..."

            ***

            "In short, dapat lagi tayong magkasama." Magkasabay na sabi nina Therese at Thalia.

            Tinignan naman ng matimtim ni Therese si Thalia. "Teka, ba't mo alam yun?"

            **

OccupiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon