Bacon and Egg

79 2 0
                                    

"Yanna, princess. Gumising ka na." Yugyog sakin ng kuya kong si Loyd. Badtreps naman ooh! Antok pa ko eeh. TT_TT

"Koya, 5 mins pa. Please." Sabi ko sabay takip ng unan sa muka.

"Anong 5 mins pa? Eh malalate ka na! Saka first day mo pa naman. Hindi ka ba excited?" Hindi ko siya pinansin at patuloy parin sa pag talukbong ng unan sa muka ko. hello? Pano magiging excited eh yun at yun din ang mga makikita kong muka sa school noh! Gusto ko pang matulog!! Ayoko pang pumasok!! :(( "Hay nako. Paano nalang ang niluto kong bacon? Naku lalamig yun!" Parinig sakin ni kuya. Teka. Bacon? Ang sarap nun!! Pero ayoko pa bumangon!! "Hay. cge, kung hindi ka tatayo, ipapamigay ko nalang sa kapit bahay." Waaaa!! Bacon yun!!! Bumangon na ko at tumakbo palabas ng kwarto ko. Narinig ko nalang si kuya Loyd na tumatawa sa likod ko. Pag baba ko ng hagdan, nakapila na ang aming mga kasambahay para batiin ako.

"Goodmorning Ma'am Yanna!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Goodmorning din!" Bati ko habang tuloy-tuloy sa paglalakad papuntang kusina. Naaamoy ko na ang mga pagkaing ihinanda ni Kuya. Ang sarap ng amoy!! Pag dating ko ng dining room, naka ready na ang dalawa kong kuya.

"Ano ba naman Yanna! Anong oras na! Langya naman eeh. Late na tayo!" Pagalet na bungad sakin ni kuya Kyle. Walangya naman eh! umagang umaga, naka busangot kagad!

"Sorry naman! Ang sarap kasi matulog!" Sagot ko. Kainis! Ang arte arte! Palibhasa, excited lang makita si..

"Eh ang kupad mo kasi eeh! Sino bang nagsabing pwede mag oversleep ngayon? Eh alam mo namang first day natin ngayon!"

"Ok fine! Sorry!!"

"TAMA NA YAN! Hoy Kyle, maging mabaet ka sa prinsesa natin. At ikaw Yanna, kumaen ka na at malalate na kayo." Saway samin ni kuya Loyd. Binelatan ko si kuya Kyle at umupo na.

"Yanna oh, bacon. Kaen ka lang ha?" Inabot sakin ni kuya Minho yung plato sabay pat ng ulo ko. Hay. Kaya peborit ko tong si kuya Minho eh. As usual, ang dami ko nanamang nakaen. After nun, nag goli na ko. wala pang 10 mins, ready na ko umalis. tutal, uniform lang naman. Wala ng ayos-ayos! Suklay lang at pulbo ayos na. Pag baba ko, yamot na yamot na si Kuya Kyle.

"Can we go now Princess?" Kuya Kyle said sarcastically. Kuya Loyd glared at him, at si kuya Minho naman eh tumawa nalang. Hinila ko na sila pareho at pumasok na sa sasakyan.

"Goodluck kids! Have a nice day at school!" Sigaw samin ni Kuya Loyd.

"Whatever Dirty Old Man!!!" Sagot naman ni Kuya Kyle.

Pagdating ng school, humiwalay na samin si kuya Minho, at hindi na nakakapag takang sumabay sakin tong si kuya Kyle. Malalaman nyo mamaya kung bakit. >:) Dumerecho kami ng Gymnasium para sa school orientation since first day namin ngayon. Hay. Taeng school toh! Daming kaartehan! Me pa orientation2 pang nalalaman! Nakakatamaaaaad~!! Hinanap na namin ang section namin na naka post sa mga bleachers.

"Ayun! 2A!" Turo ni kuya Kyle sabay hatak sakin papunta doon. Grabe. Natatae? Sa pag kakatanda ko, ako ang taga 2A, hindi sya.

"Beeees~!" Sigaw sakin ng bestfriend kong si Summer ng makaakyat na kami sa 4th row. At imbis na ako ang unang makayakap kay bespren eh bigla namang binitawan ni kuya Kyle ang kamay ko sabay yakap kay Summer. Feeling close?! "Ah, eh, hello kuya Kyle." Summer greeted kuya awkwardly. Siguro naman may idea na kayo kung baket excited si kuya pumasok. Oo, patay na patay siya sa aking one and only bespren. After 10 seconds, naka halata na ata si kuya at kumalas na sa pag kakayakap.

"ahh.. eeh.. hi Summer. Ah, cge.. ahh. alis na ko.. Bye bunso.." Sabay karipas ng takbo. Grabe lang ha? Kelan pa bunso tawag nun sakin?

"Anyare sa kuya mo?" Tanong sakin ni bes.

"Sus! Para namang hindi mo alam kung baket!" Etong bespren ko!! Kunyari pa. eh alam na alam naman nyang deads na deads si kuya sa kanya. :))

"Anong alam ko? Ang wirdo mo. Teka nga! Pahug naman ako!!! Miss na miss kaya kita!!" Sabay yakap sakin ng sobrang higpit.

"Can't.. Breathe.. Too.. Tight!"

"Ya..Yanna, naligo ka ba? Ang antot mo!!"  Natatawang comment sakin ni bes.

"Hoy Grabe ka ha!! Mga 5 mins naman akong tumagal sa CR ngayon!! Saka hindi ko nakalimutang mag sabon kanina no!!" Paliwanag ko sa kanya. Grabe lang mang asar!

"HAHAHA! Joke lang. Eto naman. hindi na mabiro. Tara na nga." Hinila nya ko sa upuan namin at maya2 eh nag simula na ang principal naming mag salita. tumagal lang naman ng 3 oras ang sermon nya. Halos dumugo na ang tenga ko sa paulet ulet na "Study hard" at "No loitering". Ang aking bespren naman eh sobrang sipag at nag ttake down notes pa. Parang napaka importante ng talakayan at kailangan pang isave sa notebook. Owmeeen.

Natapos na ang orientation at pinauwi kami ng maaga. Buti naman no! first day na first day! Pahihirapan kami!! At dahil sa nagugutom ako, nag pasya kami ni bes na kumaen sa 7/11 malapet sa school. Pumwesto kami sa tapat ng bintana para maganda view. Umorder si bes ng salad at orange juice. ako naman, hotdog sanwich and slurpee. Tiningnan ako ng masama ni bes at umiling iling.

"Baket?" Tanong ko sa kanya.

"Alam mo, mamamatay ka ng maaga nyan. Look at your food! It's so unhealthy!!" Pagalet na sabi nya sakin.

"Eh ikaw? ano ka kalabaw?! Tingnan mo nga, puro dahon yang kinakaen mo! Kadiri kaya!" Inirapan nya lang ako at binuksan na nya yung styro nya. Hay. Ang sarap ng hotdog sandwich. Parang mabibitin pa ata ako. Di bale, bili nalang ulit ako. Habang kumakaen ako ng nakangiti, nagkkwentuhan naman kami ni bes sa mga nangyari sakanya nung bakasyon. Hindi kasi kami masyadong nakapag sama nun kasi nag bakasyon sila sa Mindoro. At ako naman, ayun, nag swimming sa kama ko at naglaro ng PS3 kasama ng aking mga kuya. What do you expect? Puro lalake ang kasama ko sa bahay. Sa kalagitnaan ng pag kkwentuhan namin, mejo sumikip ang dibdib ko kaya naman ininom ko na ang aking slurpee. Natahimik na din si bes. Siguro, nagutom na sa sobrang kadaldalan namin kaya naman nag sight seeing nalang ako sa window ng store. Napa tanga naman ako sa nakita ko. Isang lalakeng naka headset. Tumigil sya sa tapat namin at parang may hinihintay. Tae man! Ang gwapo nyaaaa~!! Hindi ko sya namumukaan. Baka bago? Maya2 lang eh hindi kinalabit na ko ni bes.

"Bes, isara mo bibig mo. tumutulo na yang iniinom mo ooh!" Bigla kong tinikom ang bibig ko at humigop ulit ng slurpee. Nung tumingin ulit ako sa labas, nakatingin na din yung guy sakin, at sa di kagandahang palad, naibuga ko yung green liquid na malagkit na galing sa bibig ko na slurpee sa glass window. TAEEEEEE!!!!!!!!!!!

"HAHAHAHAH!! Ano ba naman bes!! Hahahaha!!! Oh, tissue." Inabot nya sakin yung tissue, pero sa sobrang tuliro ko, hindi ko alam ang gagawin ko. napatinging ulit ako kay pogi guy. Nakita kong mejo nag pipigil sya ng tawa. SHeeeeet!!! please!! Kamatayan, kung nasan ka man, kunin mo na kooo!!!! :(( tumalikod na ko sa bintana at tinakpan ang muka ko. Jusme!! nakakahiya!!! Hinila ko na si bes palabas ng store atsaka naman kumaripas ng takbo papuntang parking lot.

>> Austin's POV

Pauwi na sana ko ng nag text sakin yung pinsan kong si Yohan na hintayin daw ako sa tapat ng 7/11, kaya naman ayon, hinintay ko siya. Nakatayo akong naghintay habang nakikinig sa ipod ko ng masulayapan ko yung babae sa loob ng convinience store. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng hindi concious kumaen kaya na aliw akong panuorin sya. Maya-maya lang eh napatingin sya sakin kaya nag panggap naman akong hindi naka tingin sa kanya. Dahil sa makulet ang utak ko, sinubukan ko ulit tumingin sa kanya at nakita kong nakatitig sya sakin na nkabuka ang bibig. Mejo natuwa naman ako sa itsura nya, para syang nakakita ng multo at lumipad na ata ang utak nya. Nung narealize na nya na naka tingin ako sa kanya, naibuga nya yung iniinom nya sa window! HAHAHAHAHAHA!! Ang cute nya! Mejo kadiri pero nakakatawang ewan lang!! after nilang lumabas ng kasama niya, di ko namalayang dumating na pala ang pinsan ko.

"Oh, sinong tinitingnan mo??" Tumingin din yung pinsan ko sa direksyon ng mata ko. "Yuck! ano yun??" Tanong nya.

"WALA!!" Sagot ko na mejo natatawa parin. "Teka pala, bat ka pala sasabay sakin??"

"Ahh, eeh, me tinatakasan kasi ako.." Maglalakad na sana kami paalis ng may biglang sumigaw sa likod namin.

"Hoy Yohan Jimenez!! Hindi pa tayo tapos!! Bumalik ka dito!!!"

"Takbo!!" Hinila naman ako palayo ng pinsan ko at tumakbo kami palayo dun sa babaeng tinakasan nya. Hay nako. Casanova nga naman.

GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon