2

2 0 0
                                    

"Calli, grade 7 na tayo next School year! Sana mag kaklase parin tayooo!" Sabi ni tin.

Sana nga tin, sana magkakasama parin tayo nina trisha at joy. Kaso, pagod na ako tin. Pagod na pagod na sa mga masasamang tingin nila saakin.

"Oo nga! Hihi." Yan nalang ang sinabi ko.

Hindi ko sinabi kina mommy ang nangyari sakin sa school na iyon. Ang sinabi ko lamang ay gusto ko na lumipat ng bagong school. Pumayag naman sila.

Wala na akong connections kay na trisha, at kay joy. Minsan naman nagkakasalubong kami ni tin dahil malapit lang ang bahay nila saamin. Naikwekwento ko sakanya yung nang yayari saakin doon sa school kong bago.

"Masaya ako ngayon tin! Natuto na akong makipag kaibigan sa mga tao. Natututo na ako makisalamuha ng maayos." Napangiti si tin. Alam kong masaya siya para saakin. Hindi ko man sabihin sakanya yung sa nangyari saakin nung grade 6, alam kong alam niya na iyon.

"Cal! Tumatangkad kana ah! Parang dati lang mas matangkad ako sayo noon, ngayon mas matangkad kana. At gumaganda ka ky! Pwede kang pang model. Bongga!"

"Ahh, hindi naman. Mas matangkad nako sayo tin! Ano nang nangyari sa height mo? Mag Gloxi kana gurl!"

"Loka ka! Hahaha. Osige, tinatawag na ako ni inay, mag lalaba na ulit ako. Ingat ka Cal!" Saka niya ako niyakap. "Masaya ako para sayo ky! Magandang pagbabago yan." Napangiti ako sa sinabi niya. Sana nga.

Umalis na ako, at naglakad nalakad hanggang makabalik saaming bahay. Nakaabang agad ang mga babies ko. Sila lang ang lakas ko. Sila ang laging nagpapasaya saakin. Sina brix, googie, at si grey.

"Babies ko! Ano bayan, miss niyo na agad si ateee? Nasan sina mommy babies ko?" Tinatanong ko sila na parang sasagutin talaga ni ako. Hahaha.

Pumunta akong kusina at nakita ko si mommy na nagluluto don. "Hi mommy!" Saka ko siya kiniss sa pisngi at umakyat papuntan kwarto ko.

Hmmmm, tapos nanaman ang isang araw. Pano na kaya bukas? Ano nanaman kayang gagawin ko? "Hays, shunga ka talaga kylie! Syempre may pasok ka bukas." sabi ko sa sarili ko.

100m deep loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon