part 4

0 0 0
                                    

Nang makarating ay idineretso sya sa operating room " doc gawin nyo ang lahat para kay Stell, doc nakikiusap ako" sabi ko habang patuloy na nagpupumiglas dahil ayaw nila akong papasukin sa loob "iha ikaw ba si Sel?" anang ng aming principal- mama ni Stell "o-opo pr-promise po hindi ako ang may gawa nyan!" sagot ko agad sa kanya " alam kong hindi ikaw pero maupo ka muna, magiging ayos din ang lahat" sabi nya at naupo ako sa bakanteng upuan. Habang umiiyak ay nakatulala lang ako may mahigit tatlong oras na sya sa loob nang biglang lumabas ang doctor nanatili ako sa pwesto ko dahil hindi ko na kayang tumayo "sino dito ang kamag-anak ng biktima?" sabi ng doctor "ako po kamusta na po sya okay na ba? malala ba sya?? " sunod sunod na sabi ng ina ni Stell " sa ngayon ay stable na sya pero kailangan nyang operahan at i- ICU para mas maging maayos ang lagay nya" paliwanag ng doctor. Pagkatapos ng ilang minuto ay pinauwi na kaming mga estudyanteng pinayagang magpunta sa ospital.



Ilang linggo ang lumipas at hindi parin ako pumapasok, wala parin akong balita sa kanya, nakalugmok lang ako sa kwarto at mukhang namatayan kahit ang totoo ay hindi, nang may kumatok sa pinto " Nak, may bisita ka labas ka naman dyan ohh ilang linggo ka nang andyan at madalas kang hindi kumain, labas ka na" sabi ni mommy habang patuloy parin ang pagkatok "opo, mom sino po ba ang andyan?" tanong ko " basta lumabas ka na" tumayo ako at nagtungo sa banyo ng kwarto ko para maghilamos, nagbihis narin ako ng pambahay na damit para hindi naman masyadong nakakahiya sa bisita nakapantulog parin kasi ako. Pagbaba ko ng hagdan nakita ko ang mama ni Stell kaya dali dali akong lumapit " kamusta na po sya? nakalabas na po ba?? okay na ba sya?" sunod aunod kong tanong habang may namumuong luha sa mata " Actually hindi pa sya nakakalabas ni gumising nga ay hindi pa pero sa tingin ko ay gagaling rin sya" sabi nya at naluluha na, pati ako ay napapaiyak na rin " sa totoo ay makina nalang ang bumubuhay sa kanya nitong mga nakaraan linggo, dalawin mo naman sya ohh please?" sabi nya at tuluyan nang humagulhol " alam mo ba na ikaw lagi ang binabanggit nya araw araw simula noong mag umpisa ang pasukan. noong una, ayaw nyang pumasok kasi wala sya kakilala sa bago nyang school not until he saw you ginanahan sya. Kaya please..... please lang dalawin mo sya" patuloy nya habang iyak parin ng iyak at pinipilit na huwag pumiyok "opo dadalawin ko sya mag-aayos lang po ako" sabi ko sa kanya at nagpaalam na para magtungo sa kwarto ko. Naligo ako at habang nagbibihis ay hindi ko maiwasang maisip na kailangan kong maging matatag kahit ako mismo ay sukong suko na para sa mahal mo, dahil pag sumuko ka mawawalan sila ng pag-asa sa lahat ng bagay. Matapos kong magbihis ay tumutulo parin ang luha ko at lumabas na. Nakarating kami sa ospital, at kasalukayan akong nakaupo sa kama ni Stell "Stell wake up ka na...... I already missed you na" sambit ko while caressing his hair, since we arrived here my tears can't stop from falling. Hindi ko kayang tingnan sya sa ganoong kalagayan kaya makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na ako at babalik nalang sa susunod na linggo at sinabi ko ring papasok na ulit ako sa iskwela kaya magiging busy ako sa mga susunod na araw






Lumipas ang mga araw at naghahanda na ako para puntahan ulit si Stell medyo nakabawi na kasi ako sa school dahil marami akong absent. Habang nasa byahe hanggang makarating sa ospital ay hindi mawala-wala sa aking isip si Stell kahit nga noong mga araw na pumapasok ako. Pagkarating doon ay naglabasan na naman ang aking mga luha kahit anong pigil ko ay kusang tumutulo, kinausap ko ulit sya kasi naniniwala akong kahit wala syang malay ay naririnig nya parin ako

Katulad noong isang linggo ay nakabase parin ang kanyang paghinga sa makina pero medyo umo-okay na ang lagay nya base sa kanyang mga doctor. Dahil nasa ICU parin sya ay bawal ang matagal na pagbisita kaya makalipas ang isang oras ay pinalabas na ako, gabi-gabi ko syang ipinagdarasal para sa kanyang paggaling. Dumeretso ako sa aking kwarto pagdating ko sa bahay, tulad ng nakaraang mga araw walang tigil parin ang aking pag-iyak kaya mukha na akong nakadrugs sa sobrang laki ng eyebags ko at pagang-paga na rin ang buo kong mukha, medyo nahihiya na ako sa mga kaklase ko ehh sila ang nag-aadjust para sa akin


take note!!
'NEVER GIVE UP TO SOMEONE YOU LOVE, IF YOU ARE TIRED THEN REST AND THINK THE THOUGHTS WHY YOU ARE IN LOVE WITH HER/HIM'

My First and Last LoveWhere stories live. Discover now