Chapter 11

10 1 1
                                    


"Wait, wait, wait, Theresa Gerona Caldez, hinalikan ka ni Adrian Fumero Lazaro?!" tanong ni Riley sa akin for the 8th time, I guess. Kung 'di lang talaga ako distracted sa nangyari kanina, siguro sinapak ko na 'tong si Riley.

After the incident, nag-usap kaming dalawa ni Adrian nang mahinahon sa student's lounge. Hopefully, walang nakakita ng nangyari dahil sa may isolated area naman nya ako hinalikan at lahat nasa canteen. I can deny a hearsay, pero kung navideohan, issue na naman.

"Sooo, ano ng deal sa inyo? Kayo na ba? Exclusive? Dating? Engaged? Taray." Tanong ni Riley habang komportableng nakahiga sa top bunk bed na kumakain pa ng vanilla ice cream ko na kinuha nya sa ref.

"Walang kami. We're friends." Pambabara ko sa kanya.

"Ahh, so, walang label?" pangungutya naman nya. Bineletan ko na lang sya at patuloy nang naghanap ng damit na susuotin ko sa event bukas. Kaya ayoko ng distractions eh, pati maliliit na bagay, nakakalimutan ko. Medyo pikon na ako kay Riley sa kakabanggit nya ng pangalan ni Adrian pero kailangan ko sya dito. She's the appointed vice president of the organization, so if anything happens to me, she takes over. Pero, unlike me, she's chill yet responsible din naman.

"But, come to think of it, hindi ba malabo lang silang dalawa ni Rose? Hindi naman ata bago na on-off sila." Pag-oopen na naman ni Riley sa topic.

"Exactly why I don't wanna get involved, kayo lang 'tong pilit ng pilit."

"Marupok ka rin naman 'te! Kaya ka nga hinalikan kasi sa inis at galit mo, napaamin ka bigla. Nagpakain ka rin sa feelings mo. Sinabi ko na rin naman sayo na no amount of work will make you forget your true feelings, hindi yan mapapalitan ng responsibilidad mo. Now, you're out here bursting." Nakakaloka, sinermonan pa ako.

Sasagutin ko sana sya nang biglang mag-ring ang phone ko. Nag-flash ang 'Lazaro' sa screen ko kaya lumabas muna ako ng kwarto baka sagutin at baka mahimatay sa kilig itong si Riley.

"Hello, anong meron?" bungad ko sa kanya.

"Hi, alam ko naming busy ka at na-sestress right now, kaya di ko na patatagalin yung call."

"Uh, okay." I was weirded out.

"Just go down, I gave something to Tita."

I put the phone on hold at dali-daling bumaba.

"Nak, may pinaiwan si Adrian dyan sa lamesa. Nagpabili ata kayo ng pagkain sa kanya." sambit ni Mama nang makita nya akong pababa ng hagdan. Nakita ko na agad ang logo ng Gong Cha kaya binuksan ko agad ang eco bag that comes with the purchase. I saw two milkteas, one for me and I guess the other one, for Riley. May note rin that comes with the drink.

"Sabi ni Riley, kanina ka pa raw naghahalungkat sa wardrobe mo kung ano susuotin mo bukas, pati ba naman yon po-problemahin mo pa? Maganda ka naman kahit ano suot mo. Pahinga ka muna. Goodluck, my pretty Terrie.

- Adrian"

I'd be a liar if I say na hindi man lang ako kinilig sa gesture na 'to. Sa totoo lang, tama naman si Riley when she said na wala kaming label. After the kiss, wala na akong maitago kay Adrian kaya pumayag na lang ako na we'll try things out. A couple without the label but with its benefits. I am not one to give in sa confusion na ganyan pero, alam ko naman sooner or later mawawala ulit 'tong si Adrian kahit nag-promise s'ya na hindi.

Inakyat ko na yung milktea at pagpasok ko palang, nakadantay na agad si Riley.

"Yan na ba yung milktea?" tanong nya.

"Ikaw talaga, kahit kailan, ginamit mo pa 'ko sa cravings mo."

"Hoy, hindi ah, bet mo naman talaga mag-milktea, kanina ka pa nga nag-aaya kaso di tayo makalabas dahil dyan sa pag-iinarte mo sa harap ng wardrobe mo."

"Eh ba't ikaw? May damit ka na ba?"

"Syempre meron."

"Ano naman yon?"

"Yung black satin dress mo d'yan. Tinatamad na ako mag-empake kanina eh."

Napa-facepalm na lang ako sa sinabi nya, napaka-revealing pa naman ng dress na 'yon.

"Hoy, formal event yon, hindi clubbing."

"Oo nga papartneran ko na lang ng white croptop jacket tas black heels, tas after diretso clubbing na, ano ka ba."

"Bakit parang wala naman sa itinerary ko mag-club bukas?"

"Tingin-tingin din kasi sa gc, 'te."

"Anyway, di rin naman ako pwede tomorrow night."

Umirap sya sa akin. "Bakit na naman?! Nagtatampo na kami ha, lagi ka na lang pass."

"Babawi ako sa susunod, promise. May gala lang ako sa Sabado, ayokong magka-hang over."

Di na nya ako pinansin, nagtatampo na siguro. Ayoko lang kasing kalahating lasing ako papasok sa simbahan, sandamakmak na nga kasalanan ko, dadagdagan ko pa.

Nag-ring na naman ang phone ko, hindi ko tinignan sino yung caller kasi it's probably Adrian asking about the milktea, I answered the call.

"Uy, Adi, thank you sa mil—"

"Bakit mo ako ginaganito, Theresa?"

"Lo... Lorenzo?"

I immediately looked at the caller's name, "Enzo", ay ang tanga-tanga ko talaga.

"Why did you have to leave me? Okay naman tayo ah."

"Hang up the call, Lorenzo. You're drunk."

"I still love you, please come back." Hikbi nyang sabi.

May magbabadya na sanang luhang tutulo mula sa mga mata ko nang bigla akong tawagin ni Mama. I left my phone at the desk and went downstairs.

"Yes po, Ma?"

"Theresa, what's this?" she showed me her phone and I saw an article at one of the "confession" pages. The headline was, "Little Miss President, not so innocent." And attached was a picture of Adrian kissing me.

ReversoWhere stories live. Discover now