RENVY LIN SOLEWER
Papasok na naman sa school. Bagong mukha, bagong tae na naman este bagong tao na naman ang makikita ko. Sana naman matitino sila kagaya ko baka kasi yung iba kumakain ng ipis tapos yung iba kinakain na chos.
Papasok na ako sa gate at natatanaw ko na ang mga alien na kakain sa pagkatao ko jokie jokie lang zombie pala yung kumakain LOL. May papalapit saking baliw na babae na walang dibdib hindi ako nagiging harsh pero wala talaga siyang dibdib.
"Hi pren, Alam mo ba na ang ganda ganda ko ngayon." may pa-flip pa ng buhok si gaga amoy sunog tuloy charot lang mabango yan yung pagkatao niya lang yung mabaho chos HAHAHA.
"Masamang magsinungaling Leslie alam mo yan. Mamaya ngang uwian punta tayong simbahan ng maging malinis ka na sa mata ng Diyos." napasimangot naman si gaga sa sinabi ko ngayon mukha naman siyang bibeng walang buntot.
"Ganyan ka na porket nakasama mo lang crush mo nung summer e kileg ka naman dyan. Patingin nga at baka mahulog na ang panty mo sa sobrang kileg HAHAHA." siraulo to ahh hindi mahuhulog ang panty ko branded kaya to, higpit higpit ng garter nito e. Bakit naman ako kikiligin sa crush ko e tomboy pala yun kala ko may lawit yun pala parehas kaming may perlas.
"Gaga alam mo bang tomboy yung crush ko napaghahalataan ko na kasi na may umbok yung dibdib niya akala ko matipuno yun pala bundok din leche!" inis ko pang sabi.
"Buti pa yun may bundok ikaw wala. Babae ka ba talaga?" pang-aasar ko kay Leslie. Tumakbo ako palayo sa kanya kasi hinabol niya na ko muntik pa nga niyang mahigit buhok ko buti na lang nakatakbo agad ako HAHAHA.
Kakatakbo at kakatangin ko kay Leslie na nasa likod ko ay di ko napansin na may mababangga na pala ako.
"Ouch wala na ngang pwet, papawalan mo pa tsaka di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" paninisi ko pa sa kanya kahit na ako may kasalan nung pagkabangga ko sa kaniya. Pero kung nakatingin naman sya sa daan bakit sya mabubunggo sakin? tama ba ko? o may tama ako?
"Hey Miss, It's your fault not mine. You're not watching your way 'cause you're busy running with your dog and you didn't see me walking tss." masungit niyang sabi pero tama siya kaso yung tinawag nyang aso si Leslie ay di ko mapigilang matawa. Shet gusto ko 'tong lalaki to HAHAHA.
"Hoy lalaki englishero, ang kapal mo naman na tawagin akong aso sa ganda ko to aba malabo ata mata mo." bwisit na sabi ni Leslie. Kung ako lang naman ang tatawag ng ganyan sa kanya ay payag yan kasi makikipag asaran di sya sakin e pero kung ngayon nya lang nakilala at antipatiko pa naku maghanda ka na sa bunganga niyan dahil di titigil yan.
"Stop this nonsense conversation. Im going now and I forgave you already tough your not saying sorry. Bye Miss and bye dog!!" nilakasan niya pa ang pagsabi niya ng huling salita kay Leslie kaya napatingin ang mga tao samin. Jusko magbubunganga na naman nito sakin si Leslie.
"Leche! Makatawag sya ng dog sakin kala niya close kami tsaka parang may gusto pa sayo yung lalaking yun. Naku kung malaman nya lang yung kagaspangan mo baka sakin pa yun mahulog PERO HINDI dapat walang ma-inlove sa kanya kasi masyado syang antipatiko!" baliw talaga tong babaitang to. Bakit naman niya nasabing may gusto sakin yung lalaki e laging nakatingin sa kaniya kanina.
Dahil sa sobrang inis niya dun sa lalaking nakabunggo ko at tinawag syang aso ay pinaghahawi nya yung mag jowang nasa dadaanan namin.
"Hoy gaga itigil mo nga yan baka magkarambol pa dito sa ginagawa mo palibhasa wala ka lang jowa, wala kasing pumapatol sa aso HAHAHA." bumalik agad sakin si Leslie na nakangiti na at inangkla niya pa ang braso niya sa braso ko.
YOU ARE READING
My Gangster Girl
Teen FictionMasaya ang pamilyang Solewer ng nabubuhay pa ang kambal ni Renvy. Masayahin at makulit na bata si Renvy at ang kambal niya pero dahil sa trahedyang nangyari sa kambal niya ay nagbago na si Renvy. Sinisisi niya ang kanyang Ama sa pagkawala ng kambal...