Maureen
Questions.
3:00 am
madaling araw palang ay napabangon na ako alam kong masyado pang maaga para maghanda ako sa pagpasok ko sa school para mamaya,masyadong maraming katanungan ang gumu gulo sa isip ko,alam kong hindi na rin magtatagal ay malalaman ko na kung sino ang nasa likod ng mga krimeng nangyayare sa paaralan ko.
Pinilit kong matulog ulit pero hindi ko na kaya,ilang oras na akong nakatingala at nakikipagtitigan sa kisame ay hindi parin ako dinadalaw ng antok,ano kaya ang meron ngayon? Bakit hindi ako makatulog? Ang alam ko kasi kapag ganito ang nangyayare may bagay na mangyayare sa araw na yon.
Naalala ko ulit ang Insidente nong nakaraang araw. Ang pagkamatay ng kaklase namin si carl.Si carl ay magaling sa pagkuha at pag eedit ng Imahe.
Madalas syang Pinapatawag sa opisina ng mga nakakataas at pinapagawa sya ng mga ito lalo na at may kailangan ipabalita at ipagagawang invitations or mga magazines sakanya.Siya lang kasi ang inaasahan pagdating sa ganitong bagay,ngayon na nawala na si Carl hindi na nila alam kung paano hahanap ng Ipapalit sakanya.Nakipag titigan lang ako sa kisame hangat sa mag-sawa ako,dahil inantay ko lang mag ala-sais ng umaga Para makapag handa sa pagpasok,napaka early bird ko naman ata masyado ngayon.
Nang matapos na ako kumain at maligo.
Lumabas na ako sa unit ng condo ko at tsaka naglakad papunta sa school,ayoko gumamit ng motor sa ganito kaagang oras,masyadong maingay ang motor ko.
Hindi naman kalayuan ang school ko dito kaya naglakad nalang ako.Nasa gate pa lang ako pero tanaw ko na ang nagkukumpulang studyante sa loob ng gate,may ibang aligaga at nagsisigaw
-an dahilan na rin para pumunta ako sa direksyon nila,kahit masikip ay pinilit ko ang sarili ko.Nilapitan ko ang Isang bangkay ng babae na nakasaksak ng kutsilyo ang kanyang noo at may nakaguhit pang X sa mukha nito tinitigan ko ng maigi to hangat wala pang mga pulis.
"Sino nanaman ang may gawa nito?"
"Ayoko na! Hindi ko na kaya makakita ng namamatay na students dito!"
"Eww! Whats that?" pag iinarte ng babae sa likuran ko kaya hinarap ko Ito.
"Its blood Isnt it Obvious?" pabala kong tanong sakanya,dahilan para pag taasan nya ako ng kilay.
"And Who the hell are you? Can you just get out of there! Nakakadiri ka!" Nakakainis yung pananalita nya,nakakairita..Parang sya tuloy ang gusto kong Ipalit sa namatay ngayon.
-You-may-Rest-In-Peace-"Maureen." maikling sagot ko sa babae at napangisi pa sya.
"So maureen? What are you doin there?! Ikaw ba ang pumatay sakanya at nagkunwarian na walang nalalaman at umaarte kang lumapit dyan para kunwari curious ka? Awee your style is so bulok gurl,Shoo,shoo!" pagtapos na pagtapos nya lang magsalita ay nagsitawanan ang ibang nasa paligid namin habang ang iba naman ay seryosong nakatingin sakin
pinag sususpetyahan ba nanaman nila ako?"Okay,let me tell you this,First I aint cheap para umarteng namatayan,second I dont know her and third,you're the one who thinks about that cheap Idea maybe you're the one who killed her" napanganga naman ito sa sinabi ko,nakita ko ring kumuyom ang mga kamao nya tss Bullseye.
"Are you kidding me? She's my classmate! Pano ko sya mapapatay? And besides she's to kind para patayin ko,kung papatay man ako dun ako sa kinagagalitan ko.Can you please shut up?" nakapansin ako ng kakaiba sa bawat binibitawang salita nya,maaari ngang sya ang Isa sa mga suspects ko sa pagkamatay ng babae sa harapan ko.
Pero wala ako sa posisyon para pagbintangan sya,hindi rin ako isang Detective.May Isang paraan lang para mangyare ito.
Ang buohin ko ang Detective club.
Dumating na ang mga pulis,at inimbestigahan na nila ang katawan ng biktima umalis na kami sa pinangyarihan ng krimen dahil may mga klase pa kami,tulad ng sabi ko wala kami sa posisyon para mangealam sa kanilang trabaho at basta basta nalang mag turo ng maaaring maging suspek.
Buong klase lutang ako,Iniisip ko ang pag buo ng Detective club.Speaking of that club,ang Kuya ko ay dating mag aaral sa paaralang ito.Mayroon syang itinayo na club ngunit ang mga kaso lang ng binibigay sakanila ay simple lang tulad ng mga nagnanakaw ng
gamit sa school,mga nang bblockmail anything,maliban sa pagkamatay ng Isang tao.Wala na si kuya,Isa sya sa nabanga ng 10 wheeler truck 3 years ago at durog durog ang katawan ng makita ito napag alamang sya ito dahil sa patch ng uniform at ang Id nya ay nakapaloob sa kanyang pantalon,alam ko ay dalawa silang biktima non nawalan daw ng preno ang driver ng truck kaya dumiretso ito sa puno kung saang direksyon tumakbo sila kuya para umiwas sa sasakyan pero doon din dumiretso sakanilang kinatatayuan kaya wala ng nagawa.
Naisipan kong magpasa ng approval para sa club na bubuohin ko,ayos lang ang onting miyembro basta handa silang ayusin ang mga kaso,simple man ito hindi.
"Hello,Maureen your request is already Approved by our dear Principal you can start tomorrow,By The way Here's the key for your clubroom." nakangiting inabot sakin ng office staff ang form ko at may nakatatak dito na 'Approved' at ang susi ng magiging clubroom,kalmado akong naglakad sa buong campus,pero nasa loob loob ko sobra ang saya ko dahil masusundan ko na ang naumpisahan ng kuya ko.
Nakatapat ako sa pinto kung saan ito ang magiging pangatlong tahanan ko bukod sa aming classroom.Ang Clubroom namin
"My Clubroom." nakangiting bulong ko sa hangin,pagka bukas na pagkabukas ko ng pintuan isang malaking room ang bumungad sakin na may malaking lamesa,air conditioned din ito, may mga sofa at Isang mahaba na lamesa ang nasa gitna samantalang puro upuan na manipis ang nasa gilid at isang swivel chair ang nasa pinaka
unahan.Jackpot!
Pagtapos ko libutin ang magiging clubroom ko ay lumabas na ako rito.
May sumalubong sakin na mga studyante,nakita ko ang gulat at pagkamangha sakanilang mga mata ng bigla silang mapatingin sakin ay nagtaka ang mga ito."I-ikaw? Ikaw ang next president ng club?"
"Cassie nagbalik na ang Detective club after 3 years! Namiss ko si kuya Ck!"
"Andito na ang magliligtas satin!"
"Hindi nila tayo kaya iligtas dahil sumpa naman ang nangyayare satin dito." Napalingon ako sa umapila isang babaeng nakasalamin,nerd type.
"Then,ayan ang paniwalaan mo." malamig kong sabi sakanya,bigla naman itong naglakad palayo,Weird.
"Maureen,tama ba?" tanong ng katangkarang lalaki at brown ang buhok.
"Oo ako nga,bakit?"
"Kaano ano mo si Ck?"
"Kuya ko." maikling sagot ko sakanya,napatahimik naman lahat ng nagbubulungan sa sagot ko.
"K-kuya mo siya? Ang akala ko wal-"
"Meron,nasa harapan nyo na kung di kayo naniniwala pwede na kayong umalis sa harapan ko." ayoko sa lahat yung binabangit nila kung pano itago ni kuya na may kapatid sya.Hindi ko alam kung ano ang rason nya.
Hindi parin sila umaalis sa harapan ko kaya nilabas ko ang timer at sinet ko ito sa 10 seconds.
"Pag hindi pa kayo umalis sa harapan ko
May isa sainyong sasabog ang katawan pag natapos ang bilang nito." itinaas ko naman ang timer at ng inistart ko ito nagmadali silang magtakbuhan at ang iba pa ay hindi alam kung saan direksyon sila didiretso.Weird kung weird pero yung sasabog na sinasabi ko is pop-pop lang naman.
__________________________________
Time check: 2:09 am Ngayon ko lang natapos hahaha kasi pinagiisipan ko pa ang pwede maging plottttt twist ng kwento.
Please dont forget to vote my stories!
BINABASA MO ANG
The Cursed Classroom
Mystery / ThrillerThey said Theres a curse In Our Classroom,but I dont Believe in paranormal stuff,only living person can kill the one who's still breathing.May mga taong masama ang nasa likod ng krimen na nangyayare sa Classroom namin. Im Maureen Silvasyon.Meron ako...