"Deia , dito ka lang muna . Wag kang aalis dito ,you should play with the other kids ,ok. Babalik din si mommy I just have to get something in the house " mommy said bago umalis.
Umupo ako sa may swing at pinagmasdan ang ibang batang nagtatakbuhan sa harap ko.
I don't know but I find it hard to make friends with other kids ,siguro dahil hindi naman talaga ako taga dito .
Kakalipat lang kasi namin ni mommy dito sa Cavite dahil nakabili si mommy ng bagong bahay , yung kapatid ko naman ay nasa school.
Nakatingin lang ako sa mga nagtatakbuhan na bata ng may biglang umupo sa swing na nasa tabi ko na agad ko namang nilingon.
Sinalubong ako ng ngiti niya at nagpakilala sakin
" Hi ako nga pala si kuya Kai ,what's your name ?" Tanong niya sakin
Pansin ko na mas matanda na nga sya sakin. I think he is around 12 years old.
"My name is Deia " nahihiya kong sabi sa kanya
"Halika ipapakilala kita sa ibang mga bata para makapaglaro ka" hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papunta sa mga batang naglalaro sa may sand box, nakatitig lang ako kay Kuya Kai kasi parang ang liwanag niya tapos ang ganda pa ng ngiti nya
"Mga bata halikayo , may ipapakilala ako sa inyo " nag silapitan naman agad ang ibang nga bata kay Kuya Kai
"Kuya sino siya ?" Agad na tanong ng mga bata pagkalapit sa amin.
Nagtago ako sa likod ni Kuya Kai dahil sa hiya.
"Siya si Deia ,bagong lipat lang siya dito kaya kaibiganin nyo siya ok?"
"Ok po kuya !!" Sabay sabay ulit nilang tugon .
Inalis ako ni kuya mula sa pagkakatago sa likuran nya at nginitian
"Sige na Deia makipaglaro kana sa kanila" tumango ako at ngumit.
Hinila ako ng mga batang upang maglaro
Mula noon ay lagi na akong nasa playground upang makipaglaro sa mga bata doon.
Si kuya Kai ay laging nandoon din upang bantayan kami .
Tuwing nadadapa ako ay siya ang tumutulong sakin, minsan nga ay tinawag ko siya Prince Ko na lagi naman niyang tinatawanan .
Hindi ko namalayang na sa lumipas na mga taon alo akong nagiging attach sa kanya.
Pero dumating ang isang araw , 10th birthday ko nun at inimbitahan ni mama ang mga kaibigan ko kasama na dun si Kuya Kai ang Prince ko.
Ang saya saya ko noon, feeling ko Princess ako dahil sa gown na suot ko , niregaluhan din ako ni Kuya Kai ng isang crown na gawa sa silver.
Pero kinabukasan ay sinabi ni Kuya Kai sakin na kailangan nilang lumuwas sa Cebu dahil sa lola nila .
Agad akong umiyak at hinabol si Kuya Kai
"Kuya Kai wag kang umalis!" Umiiyak na sigaw ko
Hinarap ako ni kuya Kai ,yumukod upang magkatapat kami .
"Shhh, wag kana umiyak . Babalik din naman si kuya pag mabuti na si lola ,ok?" niyakap niya ako bago pinunasan ang luha ko
" Babalik ka sabi mo yan ah."
"Oo babalik ako , Promise ni kuya "
"Pagbalik mo dapat you'll marry me "
Humihikbing sabi ko