Chandria's POV
"Bakit ba ang gwapo gwapo mo? Tapos ang ganda pa ng boses mo. Nakakainis naman eh! Mahal na mahal na tuloy kita" para akong tanga dito sa kwarto
Kinakausap ko ang litrato ni John MyLoves sa cellphone ko.
Hayyyy! Ano kaya ang pwede kong gawin para mapansin nya naman ako?
"Chandria! Bumaba ka na nga jan!" muntik nang lumabas ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa sigaw ni Kuya.
"Pababa na!" sumigaw din ako
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba para puntahan si Kuya.
"Bumili ka na ng mga gamit para sa eskwelahan. Pasukan na sa susunod na linggo diba?" naabutan ko syang nagbabasa ng dyaryo habang nanonood ng TV. Ang weird noh? Well, ganyan talaga yan.
"Sama ka sakin Kuya? Sabay na tayo, may klase ka narin next week diba?" umupo ako sa tabi nya
"Sabay nalang siguro kami ni Janella, bumili ka na ngayon ng school supplies mo"
"Yiieee. Si kuya! Sabi na eh! May gusto ka talaga kay ate Janella" sinundot-sundot ko pa ang tagiliran nya
"Pwede ba bunso! Bestfriend ko lang yun, at may boyfriend na yun"
"Tss. Mas gwapo ka naman dun eh. Ay! Nagpadala ba sina mama ng pera?"
"Oo, kaya magbihis ka na para maaga kang makauwi mamaya" di nya talaga ako sasamahan?
"Kuya naman, di mo ako sasamahan? Hahayaan mo lang ba na mag-isa magmall ang maganda mong kapatid?" nagpout pa ako nyan pero tumawa lang sya
"Hahaha. Walang papatol sayo bunso. Aakalin nilang nawawalang bata ka lang, hahaha"
"Hmp! Bahala ka nga! Magbibihis na ako!" padabog akong umakyat sa kwarto
Nakakainis talaga yun! Lagi nalang akong inaasar. Porket na matangkad sya, iniinsulto na nya ako *pout*
Sya ang Kuya ko, si Jerome Manuel. Gwapo, hot, mabait, matalino, habulin ng chicks pero torpe -_-
Alam kong mahal nya si Ate Janella higit pa sa isang kaibigan pero ayaw nyang sabihin, baka masira daw ang friendship nila. Kung ako sa kanya, sinabi ko na para walang sisihan.
Nakamaong shorts lang ako at tshirt na BATMAN ^_^ Simula nung malaman kong mahilig si MyLoves sa batman ay nahilig narin ako dun.
"Kuya aalis na ako. Nasan na ang pera?" nilahad ko ang kamay ko sa harap nya
"Oh! Tipirin mo yan!" inabutan nya ako ng one, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten thousand!
"Kulang naman 'to eh" nagbibiro lang ako, ang dami nung perang binigay nya eh haha
"Anong kulang?! Ah ganon, pwes akin na yan at babawasan ko!"
"Joke lang Kuya! Byeee! I love you!" tumakbo na ako palabas ng bahay
------------------------------
Naglilibot-libot nalang ako sa mall. Nabili ko na kasi lahat ng kailangan ko eh. May pera pa kaya maglilibot muna ako haha
Napahinto ako nung may makita akong kulay silver na doll shoes. Ang ganda ^_^
Nilapitan ko yun at akmang kukunin na ng biglang may humawak sa kamay ko.
"Kukunin ko yan kaya back-off" sabi ng lalakeng naka all black. Vanz shoes na color black, black pants, black shirt, black jacket na may hoodie, black shades, at black mask.
Ang weird naman neto. Nasa loob ng mall pero balot na balot. Nakamask pa daw. Baka may pinagtataguan 'to. Oh baka naman panget kaya tinatago ang mukha?
"Makaback-off ka naman jan! Bakit?! Pagmamay-ari mo ba ha?!" sinigawan ko sya. Nakakainis eh -_-
"Hinaan mo nga ang boses mo! Bat ka ba sumisigaw ha?" diniinan nya ang pagkakahawak sa kamay ko
"Aray! Tanggalin mo nga yang kamay mo! Nananantsing ka yata sakin eh" hinila ko ang kamay ko at hinawakan ang magkapares na doll shoes
"Assumera" dinig kong bulong nya
"Hoy! Ang kapal din ng mukha mong tawagin akong assumera ah! Sino ka ba sa tingin mo?!"
"Wag ka ngang gumawa ng skandalo dito. Akin na yan!" inagaw nya ang doll shoes na hawak ko
"Hoy! Akin yan!" pinipilit kong abutin pero di ko magawa
Bat ba ang tangkad neto?! Peste -_-
"Pfft. Abutin mo muna hahaha" aba't pinagtawan pa ako huh!
"Ah shit! Fvck!" napahawak sya sa kanyang ------ dahil sinipa ko yun
Nagkaroon din ako ng pagkakataon para kunin ulit ang doll shoes. Hahahahaha
"Buti nga sayo! Bleehh :P"
"Humanda ka sakin babae ka!" sigaw nya kaya napatingin saamin lahat ng tao sa loob ng shop
"Hehe di ko po yan kilala" tumalikod na ako at pumunta sa counter para magbayad
Napaupo na sya sa sakit. Ganun ba talaga kasakit ang sipa ko?! Tinignan ko lang sya habang dumadaan palabas ng shop. Hahaha
Bahala sya. Wala akong kasalanan ^_^
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Lovelife
Teen FictionMay pag-asa kayang mapansin nya ako? Meron naman siguro. Di naman sya artista eh. Pero sikat sya, pano na yan? Nakakabighani kasi talaga ang boses nya, at lalong-lalo naman ang itsura. Hayy MyLoves, kailan kaya tayo ikakasal?