Chapter Two

20 3 1
                                    

Chandria's POV

Kumakain ako mag-isa ngayon sa Mcdo. Nandito parin kasi ako sa mall. At ang dami kong bitbit. Huhuhu ToT

Ang hirap talaga kapag walang boyfriend, walang tumutulong sakin.

Hayy. Kailan kaya magiging kami ni JohnMyLoves?

"Ate, pwede bang dito kami umupo sa tabi mo?"

"Ay MyLoves!" nakakagulat naman 'to. May kumausap saking batang babae, mga five years old siguro 'to

"Nagulat ko po ba kayo? Sorry po" ay hinde! Hindi ako nagulat -_-

"Ah hehe. Okay lang yon. Bakit pala?"

"Pwede po bang dito kami umupo ni Kuya? Wala na po kasing bakanteng upuan eh"

"Ah sige, okay lang. Total mag-isa naman ako eh" wala narin kasing mauupuan, madami rin kasing kumakain dito.

"Talaga?! Sige thank you po" tapos tumakbo na. Akala ko ba uupo sila? Eh bat umalis? Weird -.-

Naalala ko nung bata pa kami ni kuya, lagi kaming nandito kasama sina papa at mama. Namimiss ko narin sila. Bihira lang din kasi silang umuwi dito samin, lagi nalang nasa ibang bansa para magtrabaho. Nakakatampo narin nga eh, parang mas mahal pa nila ang trabaho nila kesa samin ni kuya.

"Kuya upo na!"

Natauhan ako bigla nung nakita ko yung bata kanina. May kasama syang lalakeng makalaglag panty sa kagwapuhan O.O

"Ah miss, pasensya ka na. Wala na kasi talagang bakante eh" nakatulala lang ako sa kanya. Ang gwapo!

"Ah miss?" winagayway nya ang kaliwang kamay nya sakin

"Oh sorry. Ah eh ano ulit yung sinabi mo?" ano ba yan! Nakakahiya naman yung ginawa ko.

"I was just saying sorry kasi nga naistorbo ka pa namin dito, wala na kasing mauupuan. Itatake-out ko na sana pero ayaw nitong kapatid ko. Sorry talaga" he looks so sencere

"No, you don't have to worry. Okay lang yun. Besides, I'm alone naman" nginitian ko lang sila

"Thanks" ngumiti din sya sakin

My Gosh! Nahulog yata pati bra ko dahil sa ngiting yun!

No! No! No! Loyal ako kay JohnMyLoves. LOYAL ako! LOYAL! Kung naka-loyal naman ako, parang kami talaga. Hay buhay.

Umupo na sila at nagsimulang kumain. Kaharap ko yung lalake at katabi nya naman yung bata.

"Ahm anong pangalan mo miss?" nabigla ako sa tanong nya

"C-chandria" tae naman oh! Bakit ako nauutal?!

"Nice meeting you Chandria. Ako si Nico" nilahad nya ang kamay nya sa harap ko

"Ah eh nice meeting you din Nico" tinanggap ko ang kamay nya at pilit na ngumiti. Nahihiya ako! Ano ba yan.

"Sya naman ang kapatid kong si Audrey" pagpapakilala nya naman sa kapatid nya

"Hello po" sabi nung bata sabay kagat ng chicken

Ngumiti lang ako sa kanila. Nahihiya talaga ako, ewan ko kung bakit eh makapal naman ang mukha ko! Tss.

"Ilang taon ka na?" nagtanong nanaman yung Nico na 'to.

"16" sagot ko sabay subo ng fries

Bakit ba 'to tanong ng tanong?! FC huh. Pero pabayaan na lang kasi gwapo naman eh. Haha ^_^ Baka naman may gusto 'to sakin? Well, maganda kasi ako, sabi nina Mama at Papa -_-

"Sige ah, mauuna na ako. Kailangan ko narin kasing umuwi" tumayo na ako

"Sure. Ihatid ka nalang namin. Tapos narin man kami"

"Kuya! Di pa ako tapos" nagpout pa ang bata. Ang cute ^_^

"Wag na. Okay lang. Sige bye" umalis na ako at umuwi ng bahay.

***

"Kuyaaaa! I'm homeee!" sigaw ko

"Ano ba bunso?! Ang ingay mo naman eh!" kumakamot ng ulong bumaba si kuya ng hagdan. Halatang bagong gising.

"Natulog ka nanaman? Ano ba naman yan kuya! Ang baho mo na oh. Di ka pa naliligo. Ewww"

"Kung maka-ewww ka naman jan! Oh amuyin mo pa kili-kili ko" nilapit nya sakin ang kili-kili nya

"Yuck! You're gross" tumakbo nalang ako papuntang kwarto at humiga sa kama.

It's been a long day.

***

"Bruha! Namiss kita!" biglang yumakap sakin si Nicole

"Aray naman! Balak mo ba akong patayin huh?!" sigaw ko sa kanya

"Eto naman, naglalambing lang ako eh" nagpout pa ang bruha sakin

"Wag kang magpopout. Di bagay sayo"

"Heh! Ang sama mo talaga. Ay teka, may balita ako sayo! My Gosh Chandria! Di ako makapaniwala!"

"Pwede ba! Para kang baliw jan, pinagtitinginan na nga tayo oh"

Nandito kami ngayon sa school. Pasukan na naman -_- At yung kasama ko ngayon ay si Nicole. Ang bestfriend kong ubod ng daldal. Pero kahit ganyan yan ay mahal ko yan, di nga lang masyadong halata. Hahaha.

"Kasi girl! Ang parking 5! Dito mag-aaral! Wahhh! Araw-araw ko ng makikita si Katsumi!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Fangirl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon