Chapter 21

2 1 0
                                    

***

Chapter 21: Monster's Cage

Akiana's POV

Nandito ako sa harap ng malaking pintuan sa mansyon ni Master Vade. Hawak hawak ko ang tray ng pagkain. Yung kaba ko sobra sobra.

'Yung feeling na papasok ka sa lungga ng mga lion. At kapag pumasok ka, kakagatin at papatayin ka.

I took a deep breath. Brace yourself, Akiana. Kaya mo 'to.

Hindi ko alam kung makakalabas pa akong buhay sa kwartong ito.

Get ready for your punishment, Akiana.

I step forward and knock 3 times at the door. Ilang  minuto ang nakalipas at wala pa ring sumagot. I was about to knock again when I heared him said, "Come in."

Feeling ko lalabas na yung puso ko sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng tibok nito. Kinakabahan ako. Nakakatakot.

Merong halimaw sa loob, sino bang hindi matatakot?

I took a deep breath and hold the door knob. Pinihit ko iyon at unti unting binuksan ang pintuan.

Madilim na kwarto. Sobrang dilim. Tanging 'yung lamp lang na nasa gilid ang nagbibigay liwanag sa paligid. Malaki ng sobra ang kwarto.

And there, I saw 'him'. I gulped. Here you go, Akiana.

He's looking at the window. Wala na ang kanyang coat. He has nerdy glasses, which is of course, hot. His messy hair really makes him so much handsome.

Tumingin siya sa akin, he's eyes is so cold. Matatalim ang tingin niya sa akin kaya kinabahan ako.

Magsisimula na ba ang parusang sinasabi niya? S-Sh*t...

"You know what you did." Unang pangungusap na lumabas sa bibig niya. His tone never change.

Wait what? What I did? I never did anything wrong! Kasalanan ko ba na niligtas ako ng mga kaibigan ko?!

Nanatiling naka tikom ang bibig ko.

Humakbang siya papalapit sa akin, this time, umatras ako. Hawak hawak ko pa rin yung tray ng pagkain. Para sana sa kanya.

"Mind to tell you that I spare your life, little one. And remember what I said before? You are my slave, until I die." Sagot niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, pero nangingibabaw ang takot. Ngayon ko lang siya narinig na nagsalita ng mahabang pangungusap.

"Why did you left me?"

Bumaba na ang tono niya. Kumabog ng sobra ang puso ko. A-Ano daw?

Lumapit siya sa akin, ngayon magkaharapan na kami. Pero hindi ako makatingin sa kanya. Nakayuko lang ako.

I never left you, Master. Bakit hindi mo maintindihan?

"I-I...never left you, M-Master." Finally, may salita na rin na lumabas sa bibig ko.

"Oh really? Why didn't you cameback?"

Ang cold pa rin ng boses niya. Yung tono niya halatang nagpipigil ng galit.

"I-I d-don't know how to.." Yan na lang ang nasabi ko.

Paano ako makakabalik sayo, Master? Kung ngayon nga na kaharap kita, feeling ko anlayo layo mo pa rin sa akin.

"And you didn't make any plans? Just hanging out with them and laughing with your f*cking friends? You really didn't care for your Master, didn't you?"

Feeling ko nag slowmo ang mundo ng sabihin niya yan. A-Ano bang sinasbi niya? Ang hirap i-process.

"Why w-would I..I care for you if you don't c-care for me in the first place?" Muntik ng manlaki ang mata ko ng sinabi ko yan.

Sh*t! Sh*t! Akiana! Ano yang pinagsasabi mo? Nawalan ka na ba ng utak?!

Napakagat ako ng labi ko. Sh*t ka Akiana! Ang tanga mo! Argh!

"Why should I care to a slave?"

Parang may tumusok na karayom sa puso ko ng sinabi niya yan. Oo nga no! Bakit hindi ko naisip? Slave niya nga lang pala ako.

"And why should I care to a monster like you?!" Sigaw ko. Finally, nagkaroon na ako ng lakas ng tingnan siya. Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.

F*ck! Wait, ano ba ang sinabi ko?! Sh*t ka Akiana! Wala na talagang preno yang bibig mo!

Parang may isang emosyon na lumandas sa mata niya. A-Ano yon?

Pero isang segundo lang ang nakalipas at nawala agad iyon. Bumalik na ulit siya sa pagiging cold.

He smirk at me that sent shiver to my spine.

Sh*t, ano ba kasi ang sinabi ko?

"I..I--"

Nilagpasan niya lang ako. Parang may kung anong tumusok sa puso ko nung ginawa niya iyon.

I heared him laugh, at parang demonyong tawa yon. Yung tawa na hindi masaya, yung tawang puno ng hinagpis.

"So thats what you think of me..A monster.."

That is the last words I hear from him and he slamed the door.

Nabitawan ko ang tray at napahagulhol. Ang tanga ko naman kasi! Bakit ba walang preno ang bibig ko?

T-Teka bakit ako naiyak? May karapatan ba akong umiyak?

Sa gitna ng hikbi ko, hindi ko mapigilang isipin ito..

Pigilan mo ang nararamdaman mo sa kanya, Akiana...

Maling mali ang nararamdaman mo para sa kanya.

***

Vote and comment! xoxo, 🖤

It's a Black Project (Black Series #1)Where stories live. Discover now