Chapter 34

1 1 0
                                    

***

Chapter 34: Crystal Jade

Akiana's POV

"Mama!" Nakita kong tawag ng isang batang babaeng may dark brown na buhok. A-Ang gandang bata...S-Sino siya?

"Yes baby?" Tumingin naman agad sa kanya ang isang magandang babae, siya siguro ang nanay ng bata. A-Ang ganda nila pareho. Talagang mag inang mag ina. Bigla namang nahiya ang itsura ko.

"Mama! It's my birthday today!" Galak na sambit ng batang babae, agad namang ngumiti ang kanyang Mama at binuhat siya.

"I know baby. Time really flys so fast. You are getting bigger and bigger everyday." Nakangiting sambit ng Mama niya sa kanya. Nanlaki ang mata ng bata noong may kinuhang jewelry box ang kanyang Mama.

"This is my advance gift to you baby. I know, it's your birthday today but I want to give this to you when you are ready, okay? Is that clear, my Elisa?"

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na humalik sa aking pisnge. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at tumayo. Liligo na ako.

Pagkatapos kong maligo agad naman akong nag bihis ng simpleng pang bahay.

Grabe, ang sarap ng tulog ko kagabi. Thanks to Lola Neriza.

Teka, kailangan ko pa lang magpasalamat sa kanya.

Agad naman akong  bumaba ng mansyon at hinanap si Lola. Tulog pa ba si Lola? Tiningnan ko naman sa kwarto niya pero wala siya 'don.

Nasaan kaya si Lola?

Napadaan ako sa isang hallway. Teka, naalala ko ang hallway na ito.

I sighed. Dito ko nakita 'yung portrait ni Elisa--ang babaeng mahal ni Master Vade.

Binuksan ko ang pinto ng kaisaisang pintuan dito sa hallway na ito, posible bang nandito si Lola?

At hindi nga ako nagkamali. Nandito nga si Lola sa kwarto kung saan nandon ang portrait ni Elisa nung bata pa siya.

"L-Lola.." Tawag ko sa kanya.

Agad naman siyang tumingin sa akin at ngumiti. Pero, iba ang ngiti niya ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Ngayon ko lang napansin na pinupunasan niya ang portrait ni Elisa.

"Lola, pasensya na po kung nakaabala ako. Gusto ko lang pong mag pasalamat sa ginawa niyo kagabi. Nakatulog ako ng maayos." Magalang na sambit ko.

Tumango naman si Lola at ngumiti, "Ano ka ba iha, ayos lang. Wag kang mag alala."

Napatingin si Lola sa portrait. Ang gandang bata ni Elisa.

"Siguro kapag buhay si Elisa, Lola. Sobrang ganda niya ngayon." Nasabi ko na lang.

Tumingin naman sa akin si Lola, "Kilala mo siya?"

Tumango ako at yumuko, "Opo, Lola. Aksidenteng napapunta ako dito at nakita ko siya. Nabasa ko din 'yung nasa baba kaya ko nalaman na siya pala." Kwento ko.

Natawa naman si Lola, "Mabuti naman kung ganon."

"Pero, sa sinabi mo iha, wala ng pag asang mabuhay siya ngayon." Nanlaki ang mata ko.

"B-Bakit po?" Diba may Black Project?

"Tinigil na ni Vade ang Black Project, iha.."

Ano?! Tinigil na ni Master? Bakit?

Akala ko desperado siyang mabuhay si Elisa kaya ginagawa niya ito? Diba mahal na mahal niya si Elisa?

P-Posible bang...may iba ng napupusuan si Master?

S-Sino..Si Miss Akisha?

***

Unknown's POV

"Hindi ako pwedeng magkamali..." Sambit ko habang nakatingin sa babae. "Ang kwintas na iyon ay ang Crystal Jade."

Humalkhak siya, "I know right." Ngumisi siya, "So alam mo na ang rason?"

***

Vannah's POV

Pang ilang dial ko na sa number ni Vade pero hindi pa rin siya sumasagot! Putek talaga 'tong lalakeng 'to!

Ano ba ang nasa isip niya at tinigil niya ang Black Project? Shocks!

Nandito ako ngayon sa may restaurant. Idi-dial ko pa ulit sana ang number ni Vade pero may nakita akong kotse na nagpark.

Wait...

Lumabas dito ang dalawang babae. Si---

"F*ck." I curssed. Anong ginagawa dito ni Akisha Lopez at Trinity Markova?!

I knew it! That b*tch is a snake!

Trinity Markova...One of the bosses of Black Snipers. B*tch.

Dinial ko na lang ang number niya, alam kong alam na niya ang tungkol dito.

Agad naman siyang sumagot. "Tama ba ako? Nakita mo ba sila?" Agad na tanong niya.

"Tch. Yes. And who is the another three bosses of Black Snipers...Sienna?"

****

Mag co-collide na ba ang Stones at Rutherfords?

And fyi, hanggang 65 chapters lang po ito. Thank u for supporting! ❤

It's a Black Project (Black Series #1)Where stories live. Discover now