Prologue

36 2 0
                                    

---


Nagising ako sa isang panaginip. Panaginip na alam kong magiging katapusan ng lahat.

Hinahabol ang bawat oras.
Sa tagaktak ng pawis.
Sa habol hininga.
Kabado sa mga nasaksihan sa kadiliman.

Napapikit muli ako at pinahinahon sa isip ang pusong kay bilis ng tibok.
Napahinto ako.
Kinapa ko ang aking dibdib at nagtatakang walang madama.

Napatayo at napatakbo palabas ng kwarto.
Palabas ng bahay ng walang lingong likod.
Papunta sa kawalan at walang kasiguraduhan.

Maya-maya ay naramdaman kong may humihila sakin pabalik.

Pabalik sa inalisang lugar. Pabalik sa madilim na nakaraan.

Pinigil kong wag magpasama ngunit malakas ang pwersang humihila sakin at wala akong nagawa kundi magpahila.

Nagpatangay sa gitna ng karimlan.
Papasok muli sa bahay na inalisan.

Hinigop ang katawan ko ng kung ano at  biglang napahinga ako ng malalim at napabalikwas muli ng bangon.

Tagaktak ang pawis.
Kabadong puso.
Kinurot ang sarili.


Totoo na ito. Totoo na ito.



Dumampi ang sariwang hanging gabi galing sa bintana kasabay ng pagsayaw ng puting kurtina at doon ko naramdaman ang panibago at mga nakatagong panganib.






Hic mors est: adversus me in somno. Reptando meis. Vapores positus animam meam. Quaeso, tenere manu aliquem. Jam non sum in foveam tenebrarum. Lux ostende mihi. Hoc tuum fuerit terminus.











------
A/N

PS: Sa google translate lang ako nag translate ng Latin word hahaha. But if you are curious. Here's the english:

( The death is here, facing me in my dream. Crawling in my body. Scorching my soul.
Please, somebody hold my hand. I am already in the pit of darkness. Show me the light. Thy shall end this. )

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PISCESWhere stories live. Discover now