Beks 11: Ako Nanaman?!

826 49 5
                                    

Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

Kevin's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kevin's POV

"Jusko Kuyang Guard, saan ka ba lupalop ng mundo nakatira at hindi mo alam ang GLC? Ganda Lang Card, kaya sige na kuya papasukin mo na ako please" pagpupumilit ko pa ding sabi sa kaniya.

"Hindi nga pwede, kapag wala kang Card Pass," sabi niya ulit. Bumalik na siya doon sa outpost niya at sinara ang gate.

"Kuyaaaa! Papasukin mo na kasi ako," sigaw ko habang niyuyugyog ko itong gate. "Kuyaaa!" nagulat naman ako nang may malakas na ilaw ang nagmumula sa likuran ko.

"Kuyaaaa!" tuloy ko pa ring sigaw habang niyuyugyog yung gate

"Sisirain ko itong gate!" sigaw ko ulit kay Kuyang Guard

"Kung masira mo," pang-aasar niya ring sabi.

"What's the problem here?" nagulat naman ako nang may nagsalita sa likod ko.

"Kayo po pala Sir Hans," sabi naman ni Kuyang Guard sa taong nasa likod ko, si Sir Hans pala yung nasa kotse?

"What's the commotion here?" tanong naman ni Sir Hans dito kay Kuyang Guard.

"Eto po kasing isang ito Sir nagpupumilit na pumasok sa loob pero wala naman maipakitang Card Pass" sagot naman ni Kuyang Guard sa tanong niya.

"Don't worry, he's with me" sabi niya naman kay Kuyang Guard.

"Hop on," sabi naman sa akin ni Sir Hans, nauna na nga siya pumasok doon sa loob ng kotse niya.

"Kuyang Guard!" tawag ko naman sa kaniya nang pabalik na siya sa outpost.

"Sabi ko kasi sayo GLC nalang ang gagamitin ko eh, hmp, tandaan mo itong magandang mukha na ito ha," sabi ko naman sa kaniya sabay turo sa mukha ko.

*beep* 

"Ayy uke!" gulat ko namang untag dahil sa busina ng kotse mula sa likod ko. Nagmadali akong pumasok doon sa loob ng kotse, baka bungguin ako neto ng wala sa oras, mahirap na.

Pinaandar niya na nga ang sasakyan, binuksan naman ang gate at pumasok na siya, ang awkward ng paligid, gustuhin koman siyang kausapin ay nahihiya naman ako kasi napagalitan niya ako kahapon. 

Nakarating naman kami sa mansion ng walang naganap na usapan, binuksan ko itong pinto at bumaba na rin ako, nandito kami ngayon sa parking area.

"S-salamat po Sir" nauutal kong sabi sa kaniya, kahit naman nahihiya ako sa kaniya syempre kailangan ko pa rin magpasalamat. 

My Yaya is BekiWhere stories live. Discover now