PROLOGUE.

11 1 0
                                    

"Hays, asan na ba kasi 'yon?!"

Pag-papanic ko, habang hinahalungkat ang aking bag, hinahanap ang mga scripts na kailangan para sa isang project na aming dapat tagumpayin.

Shet, shet, shet! Hindi pwedeng mawala iyon! 'Yon nalang ang tanging paraan para umasenso ang aming agency. Dinial ko naman yung kuya 'kong si Sam,

"Kuya!" Pag-aalala 'kong sigaw sa kabilang linya nang telepono. "Ano?! Pagkauma-umaga naman bunso, naninigaw ka agad!" Sigaw niya pabalik habang ako'y kinakabahan na sa mga nangyayare.

"K-kuya, yung scripts.." paninimula ko muli, habang napag-desisyunan 'kong maupo na sa swivel chair, hinahawakan ang aking noo, upang mapigilan 'kong hindi mahimatay sa pangyayare.

"Ano?" Tanging tanong ni kuya, pero ramdam 'kong siya'y seryoso na. In-explain ko sakanya yung buong pangyayare habang nag-titimpla nang kape't nakatingin sa bintana, umuulan.

"ANO?!" Sigaw ni Sam sa kabilang linyang naging rason para matapon ko yung kape, "Tangina naman kuya, dahan dahan lang sensitive ako! Ouch.." sabi ko habang iniihipan ang napaso 'kong kamay.

"P-pano nangyare 'yon? Sigurado ka 'bang na-check mo na lahat ng drawers diyan sa office mo?" Huminga ako nang malalim bago nag-salita, "Poof, gone! Wala talaga." Narinig ko naman na bumukas ang pintuan nang aking office.

Paniguradong si Erin lang 'yon, pamangkin 'kong walang manners. "Kuya, hello?" Kumunot ang aking noo, "Kuya? ...naputol?" Sabay kamot ko sa aking batok at tinago na ang aking cellphone sa bulsa't tumingin sa direksyon kung saan nakatungtong 'yung taong pumasok.

"Sinasabi ko naman sa'yo Erin kumatok k- -" Napahinto ako sa aking sinasabi nang makita ang lalaking nasa harap ko ngayon na may mga ngiti sakanyang labi.

"Hi, Direk."

'Di ko alam pero may kung anong tumusok sa aking puso nang marinig ko iyon galing sakanya. It's been eighty seven years.

Char, titanic lang Sha? Going back to reality, hindi pa rin makapaniwala ang sarili ko sa nakikita nang aking mga mata. He has grown well.

"Ang saya ko nung nalaman 'kong natupad mo yung pangarap 'mong maging isang successful na director someday."

Tinitigan ko lang siya habang palapit siya nang palapit sa aking lamesa, hanggang ngayon wala pa din mai-sambit ang aking mga labi mula nung nakita ko ang presence niya. I'm not dreaming, right?

"Nakakalungkot lang kasi, hindi mo ako kasama nung natupad mo iyon, at hindi ko rin natupad 'yung pangako 'kong magiging kasama mo ako sa pag abot ng pangarap mo."

Tuluyan nang tumulo ang luha saaking kanang mata, yumuko ako't pinunasan iyon agad para hindi niya iyon mapansin. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanging kataga lamang na binitawan ng aking bibig.

"Hindi na iyon mahalaga. Kamusta ka?" How can he say that so casually? Na parang walang nangyare? Like everything that has happened in the past meant nothing for him? ... for us?

"Umalis kana." Matigas 'kong sabi, sinusubukang maging malakas at hindi maapektuhan sakanyang presensya.

Tumalikod ako't sinara ang aking drawer, "Kanina pa sarado ang agency. How did you even get in?" Sabi ko habang inaayos ang gamit ko sa bag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey, Sasha. (Exartomenos #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon