Two King-16

13 1 1
                                    

"yan naman pala susunod din pala"

Diko nga alam bat nagkasunod sunod pa ako dito sa Gym lintik naman tong si Stel epal palagi

"Yown naman buti sinundo muna Ms. tong si captain katatapos lang ng Practice ay mag aaya na ulit."

"Ou nga Ms. Kanina madaling madali ngayon naman bi-

"Hmm? juarez, Roxas? Roxas ka diba?"sabay turo dun sa lalaking nakaupo sa may bleacher

"ou captain. nakatatak dito"inosenteng sagot nya at tumalikod pa may nakasulat na 17 at Roxas sa taas ng numero

"Whahaha patay na naman kayo"Humalakhak si Stel kaya sa kanya napunta lahat ng mata.

"Monte far"

"Yes captain?"

"Samahan mo yung dalawa tumakbo ng 50 at 50 push up"

"Okay yun lang pa------

"ANO?" halos man laki ang mata ni Stel ng maintindihan ang sinasabi ni King napahagikgik ang lahat pati ako diko mapigilan ang mapangiti

"Pag tinanong ni Coach Adam ano natutunan kay Captain Vendaje sasagot natin ay push up at Pag takbo hahahah. Pag nag laro tayo sa final mag papatentero nalang tayo"tiningnan sya ng masama ni King diko mapigilan ang mapangiti at mag pigil ng nagikgik

"Anong nginingiti ngiti mo dyan? bat ka nandito?"Napatingin ako kay King ng bigla itong mag salita

"Yan kase pinag seselos mo"

sabay kaming napabaling kay Stel na natatawang hinigit yung dalawa para tumakbo

"What?"pinanlakihan nya ako ng mata.  Grabe ganyan pala sya pag nakasimangot akala ko gwapo lang ang pedeng ipang describe sa kanya pede din palang gamitin ang salitang cute sa itsura nya. "Bakit ka nandito huh? bat nag sunod kapa. Sana tinuloy mona lang yung pakikipag harutan mo dun sa mukhang sabog nayun"

Halip na magalit ako sa inaasta nya ay hindi. natatawa ako.  Nagagalit sya gayong wala naman syang karapatan sakin pero diko na inisip yun dahil Nakakatawa talaga ang cute nyang mukha.

"Nakakatawa kapa talaga sa harap ko e. nang iinsulto kaba? Bumalik kana dun. Baka isipin mong gusto kita. Hindi kaya"

napasimangot naman ako sa sinabi nya. akala naman nya gusto ko din sya. ako? Ako Si Cindy Seraphine mag kakagusto sa kanya? No way no. No way highway.

"Oh bat nanghahaba ang nguso mo dyan huh. Hoy akala mo cute ka sa ginagawa mo."Reklamo nya. Nag pout lang naman ako sa harap nya tas medyo pinapungay kopa ang mata ko with matching kurap kurap pa.

"Bakit ba antalas ng dila mo ngayon? inaano ba kita?"

"Bakit nahiwa kaba ng dila ko?"

"Your so pilosopo na naman"Inirapan ko sya pero naiwan ata ang kaluluwa ko ng hilahin nya ako at diko napaghandaan yun kaya tumalsik talaga ako sa harap nya at nakarinig ng malakas na kalabog sa may bakal na nasa gilid namin

"Fvck okay kalang ba"bakas ang pag aalala sa mukha nya at nakita ko ang pag gulong ng bola sa may paanan ko

Saka kolang napagtanto ang nangyare. Mabilis na lumingon si King sa kung saan. nakahawak sya sa bewang ko. 

"What?  Im sorry for that. Its Accidentaly the ball slipped on my hand"rinig kong boses ng lalaki hindi ko makita dahil nahaharangan ng balikat ni king ang paningin ko

Beneath the Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon