Park-11

17 1 3
                                    

Bakit kahit wala na si mommy sa amin hinahabol paden ako ng mga nagawa at nangyare tungkol sa kanya.

Tulala lang ako sa may sasakyan nya dahil diko alam bakit ganto paden. Kahit gaano ako katapang parang hinahabol paden ako ng nakaraan dahil walang pinag kaiba ito nung kabataan ko

"Okay kalang ba?"

kanina ko pa sya napapansin na pasilip silip saken pero hindi ko pinapansin kaya ngayong medyo kalma nako ay tiningnan kona sya.

Okay lang ako guys. okay lang ako. strong ako..

"magiging Okay lang sana ako kaso ikaw nakasama at nakikita ko"Pagbabara ko. Sya na naman ang dahilan kung bakit inaaway ako

"San mo ba ako dadalhin"

"I want you to be Calm"

"Makita lang kita hindi na ako kumakalma. Kumukulo ang dugo ko. Ewan ko ba malas nanga ako. Dumating kapa kaya lalo akong minalas"

Hindi nya pinansin yung pag tataray ko tuloy lang sya sa pag dadrive. Di nadin ako umimik kahit ang totoo nakakalma talaga ako pag malapit sya sakin. Wala akong iniisip na ikapapahamak ko dahil alam kong safe ako sa kanya.

Hindi ko sya bibigyan ng satisfaction dahil lang sa nakokontento ako sa tabi nya. No way.

"I want you to be calm"Ulit nya

Inirapan ko sya at nagulat ako ng huminto nasya sa pag dadrive. San ba kase ako dadalhin ng dapukal na ito. Agad na bumaba si King akala ko iiwanan nalang nya ako. nagulat nalang ako ng sumulpot sya sa harap ng pinto at pinagbukas ako.

Napatameme naman ako dun

"T-Thank you"

Pagkababa ko. agad kong inilibot ang mata ko at halos manlaki ang mata ko kung nasaan kami

"K-King"Nakangiting sambit ko sa kanya.

speechless talaga ako. As in isang iglap nawala lahat ng inis ko. kumalma kaagad ako.

"Yan ngumiti kaden. Mag taray kana nga lang sakin mag hapon kesa Tahimik at tulala kalang. Hindi ako sanay na mukhang wala ka sa katinuan"natawa naman ako sa sinabi nya "Yon naman oh may kasama pang pamatay na tawa"

Napatitig naman ako sa kanya ng hawakan nya ang ulo ko at marahanag ginulo ang buhok ko

"P-Pwede naba tayong lumapit"

Excited na Excited akong makalapit. Dinala lang naman nya ako sa Park medyo may kalayuan sa school namin.

Hindi nya alam kung gaano nya ako napasaya sa ginawa nya Park ang pinaka paborito kong puntahan dahil gusto ko ng mga kalaro gusto ko makakita ng mga bata at sa lugar na park lang ako kumakalma.

"Tara na dito dali dali"

Hinila nya ako sa may paluob at tumigil kami sa may Seesaw. Sumakay kaming dalawa kaya bale mag kaharap kami. Tawa ako ng Tawa sa tuwing itataas nya ako.

Napahinto lang ako ng may kumulbit sa akin. Isang bata

"Ate Ganda pwede bang makiupo din ako? mukha kaseng ansaya ng ginagawa nyo po"

Isang batang babae na medyo Chubby at namumula pa ang pisnge. Andami kaseng bata dito kaya gustong gustong gusto ko dito

"S-Sur-------

"Hindi pwede"

napalingon naman kami ng bata kay King ng sumigaw ito. May kausap syang batang lalaki na mag kasalubong na ang kilay. Kaya pinanuod ko sila

"Bakit hindi po ay Matanda kana bawal kana diyan e"

"Pero nauna naman ako sayo"

"Bigboy kana kaya, Sabi ng mama ko dapat ang bigboy pinapalamangan ang bata"

Beneath the Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon