Walter's Point of View
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa palasyo naglalakad na kami ngayon papunta sa kwarto ko tahimik lang ako dahil hindi rin nagsasalita si Riahna.
I know what she feels...
Tinignan ko siya pero nakatingin lang siya sa dinadaanan niya may tumulong lugar sa mata niya kaya agad niya iyon pinunasan.
Napangiti naman ako she's trying to be strong.
Ilang saglit pa ay nasa tapat na kami nang kwarto niya hinarap niya ako nang nakayuko pero kahit ganon nakita kong namumugto ang mata niya.
Nagtaas siya nang tingin sakin saka ngumiti ngumiti rin ako sa kanya at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.
Maya-maya unti-unti ko na din siyang hiniwalay sa akin saka hinawakan ang dalawa niyang balikat.
"Just be strong Riahna... be strong" nakangiti kong sabi ngumiti naman siya sa akin saka tumango.
Binuksan niya na ang pinto pero bago pa man siya makapasok may binulong siya sa hangin na narinig ko.
"I'm strong Walter don't worry... Thank you" bulong niya na halatang gusto niyang iparinig sa akin.
Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa maisara niya na ang pinto napangiti naman ako at bumuntong hininga saka nagsimulang maglakad.
Bago ako pumasok ay nakita ko pa si Leo na kausap si Pearl na halatang pinapatahan niya sa pag-iyak.
Napayuko na lang ako at pumasok sa kwarto ko. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ko ay nahagip na nang mata ko ang frame na may litrato namin nang pamilya ko.
Kinuha ko iyon at naglakad papunta sa veranda. Ang palasyo na ito ay parang academy lang ang disenyo.
Pero sa pinakatuktok nito ay disenyo nang isang palasyo.
Mula dito sa veranda na kinatatayuan ko ay tanaw ko si Pearl na nasa veranda din at halatang umiiyak siya habang nakatingin sa mga bituin. Napatingin muli ako sa litrato na hawak ko.
I fvcking miss them.
Napayukom ko ang kamao ko dahil nanunbalik sa akin ang harap harapang pagpatay ni Himonier sa kanila.
~FLASHBACK~
Nilulusob kami ngayon nang mga trenquers na pinangungunahan nang isang taksil.
Himonier.
Nilalabanan namin sila pero sobrang dami na nila.
Pumasok na kami sa loob nang Kingdom at doon ay binuksan na nila nag power shield na bumabalot sa buong Kaharian.
Alam namin na kaya nilang masira iyon dahil sa dami nila pero makakatakas pa kami dahil masyadong matatag ang shield na iyon para agad nilang mawasak ito.
Nakita ko si King Plast at ang iba pang mga charmers na tinutulungan makaalis ang iba. Nagtama ang paningin namin at tinanguan niya ako na nagsasabing umalis na ako kasama ang pamilya ko.
Ngumiti ako at tumango hinanap ko ang pamilya ko at nakita kong naglalakad na sila paalis tinawag naman ako ni Kuya kaya lumapit na ako sa kanila.
Tinulungan namin ang mga naglalakad para makaaalis nang makitang wala nang natira ay nagsimula na kaming maglakad nang harangin kami ni Himonier.
Tinignan ko ang paligid,napapalibutan na kami.
"Well it's nice to see you again Forald" nakangising sabi niya habang nakatingin kay Kuya bumaling naman siya sa akin "Buhay ka pa pala?"
![](https://img.wattpad.com/cover/225059433-288-k417166.jpg)
BINABASA MO ANG
A Charmer's Revenge [ON- GOING]
FantasyEnglish-Tagalog story Meet Riahna isang dalagang inakalang ordinaryong babae na may ordinaryong pamumuhay sa mundong kanyang kinalakihan. Isang dalagang walang kaalam-alam sa tunay niyang pinanggalingan. Namuo ang kanyang kagustuhang maghiganti sim...