Chapter 6: W

167 113 92
                                    

Riahna's Point of View

Nakangiti akong nagising at tumayo papuntang veranda para makalanghap nang masarap na hangin.

Favorite Spot ko na ata to.

Napangiti ako dahil sa nga ibong dumadaan sa harap ko maya-maya isang kulay berde na ibon ang pumunta sa balikat ko.

Tinignan ko siya nang may ngiti sa labi.

"Good morning...ano ba ipapangalan ko sayo?"

Nagisip pa ako habang nakatingin sa paligid.Alam kona!

"Ang magiging pangalan mo ay Bireen"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha yon pero iyun ang naisip ko ilang saglit pa ay umaluis na siya sa balikat ko at nagsimulang lumipad.

Sinundan ko siya nang tingin at inayos ang sarili ko bago lumabas nang kwarto ko.

Nakangiti akong binabati nang mga nakakasalubong ko ganon din naman ako nakasalubong ko na din si Pearl maya sabay na kaming pumunta sa training room.

Yeah training na namin ngayon ang sabi kasi ni ate ay dumaretso na kami rito.Ang kaso lang magkahiwalay kami ni Pearl.

Hindi ko alam kung ano ang charm niya pero nasisiguro kong magkaiba kami dahil magkaiba din kami nang room.

Tahimik akong pumasok sa room kung saan ako magta-training nagtaka pa ako nang makita kong walang tao.

"Hello? May tao ba rito?"

Agad kong hinampas ang noo ko wala ngang tao diba Riahna? Bakit nagtatanong ka pa?

I'm stupid and i know it.

Napailing nalang ako dahil sa mga pinagiisip ko tumaas ang mga balahibo ko dahil nakaramdam ako nang presensya sa likod ko.

Hindi ako lumingon kahit na alam kong may tao.

Damn! Baka mamaya kung ano to.

"Aaahh!" sigaw ko at tumakbo palayo sa kinatatayuan ko kanina may kung anong naramdaman ako sa batok ko kanina parang ahas.

Unti-unti akong lumingon at bumungad sa akin ang lalaking nagpipigil nang tawa.Iyun yung lalaki kahapon na nakabangga ko.

Sinamaan ko naman siya nang tingin nag peace-sign siya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa.

Ugh! Kainis! Dali-dali ako lumapit sa kanya at akmang sasapakin nang bigla itong nawala.

Fuck! Huwag siya magpapakita sakin masasapak ko talaga siya.

Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya mahanap. Tsk! Bakit ko ba siya hinahanap.

Maglalakad na sana ako nang may nagtakip nang bibig ko at hinawakan ako sa bewang mula sa likod ko.

Natigilan ako dahil don hindi ako makagalaw why do i have this feeling tska sino ba to?!

Iginalaw ko ang braso ko saka siya agad na siniko sa tagiliran agad siyang napalayo sakin dinig ko ang pag-amang niya.

Nakangisi ko siyang nilingon hawak-hawak niya ang tagiliran niya at parang sakit na sakit.

"Napalakas ata pero who cares?" bulong ko.

Nanlaki ang mata ko nang matumba siya sa sakit agad naman akong tumakbo papalapit sa kanya.

"Shit! Tumayo ka nga" sigaw ko habang nakatayo.

"Aaahh ang sakit may sugat ako sa tagiliran ko babae" halos mawalan na nang boses na sabi niya.

Agad naman ako lumuhod para makita ang sugat niya inangat ko ang t-shirt niya at...

A Charmer's Revenge [ON- GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon