Timothy's POV
It's always the same routine everyday. Nothing new, mostly kakain, maglalaro ng online games, mag-aaral, iinom ng gamot at matutulog. Just the usual.
But today, I noticed something outside. Mukhang may mga bagong lipat at parang kapitbahay pa namin.
Nakita ko silang bumaba ng kotse at bumulong ako sa sarili ko "They look happy." while smiling bitterly. How I wish na ganyan din kami.
Babalik na sana ako sa higaan, nang mapansin kong may bumabang babae sa sasakyan.
Maputi, matangos na ilong, mapupungaw na mata, mapupulang pisngi at labi, katamtamang tangkad, medyo chubby and a very beautiful smile with dimples. Arghh! Ang cuteeee! Putek! Nagblush ba ako?!
I didn't notice that I was staring so hard until she turned her head and made eye contact with me. Shit! Namumula na ata ako!
Nagmadali akong bumalik sa kama at pinagsusuntok ito dahil sa kahihiyang nararamdaman ko. But then, I started to think about her again.
She's so cute, and those dimples are so illegal. But I slapped myself hard to stop daydreaming. It hurts by the way.
Tumayo ako at humarap sa salamin. "She'll never like you back, and even if she does, so many things are holding you back. Hindi mo kakayanin so stop thinking about her" mapait kong sermon ko sa sarili ko.
I can never love someone.
I'm too weak.
I'll just hurt the both of us.
I need to stop myself from feeling anything.
-
-
-
-Serenity's POV
We're finally moving to our new house today! I was so excited, muntikan na akong hindi makatulog! Wahhh! Aym so beri hapi! HAHAHA.
Anyways, to introduce myself, ako nga pala si Serenity Rose Bautista. Born on September 26, 1996 and currently 17, and I pretty much live like there's no tomorrow.
"Serenity! Bumaba kana ditong bata ka!" sigaw ni Mama. "Eto na po!" inis Kong tugon. "Mama naman eh, nagmo-moment pa ako dito" bulong ko sa sarili ko. I'll tell you more about myself later hehehe.
Hayss, bumaba na ako bit-bit ang mga gamit ko at linagay na sa sasakyan. Akala ko aalis na kami pero hinihintay pa pala sila ate at kuya. Nakuuuu!
"Ma, ba't ang tagal nilang bumaba?!" inis kong tanong. Tinawag sila ulit ni Mama at sakto naman silang bumaba.
Pumasok na ako sa kotse at nagsuot ng headset, mahaba-haba ang biyahe kaya matutulog muna ako. Hayyys
---
"Hoy! Serenity! Gumising kana diyan, andito na tayo" sabay tapik sakin ni ate. "Oo na!" inis kong tugon.
Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba kaya nauna silang pumasok sa bahay. Pag-baba ko agad akong napangiti at nabighani sa laki at ganda ng bahay.
Nagmamasid ako sa paligid ng mahagilap ko ang isang lalake na nakatingin sa akin mula sa bintana nila. Namula ito at dali-daling umalis. "Cute." natatawang bulong ko. Ang pogi niya din! Shemsss!
Medyo moreno, matangos na ilong tapos yung jawline niya! Sobrang defined. Mapulang labi na sobrang kissable! Kaso kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya. Ano kaya pinagdadaanan nun?
Naputol ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Papa. "Anak! Pumasok ka na nga dito! Ilagay mo na sa kwarto ang mga gamit mo!"
"Eto na po!" sagot ko habang papasok ng bahay. Nung nakapasok ako, mas lalo akong namangha. Modern with a hint of vintage feeling, which is sobrang gandang tingnan.
Umakyat na ako para ayusin ang mga gamit ko sa kwarto ng mapansin kong katapat pala ng silid ko ang bintana kung saan nakasilip yung lalake kanina.
Naalala kong muli ang binata kaya naman napangiti at napatili ako "Ahhh! Makikita pa kaya kita? Arghhh!" pagtitili ko.
"Hoy! Ayusin mo muna gamit mo, nagwawala ka na naman!" sigaw ni kuya na ikinagulat ko naman. Tiningnan ko na lamang siya ng masama at naisipang ayusin na ang mga gamit ko.
---
Huminga ako ng malalim ng sa wakas ay natapos ko nang ayusin ang kwarto ko. Hindi ko namalayang halos buong araw ko pala itong inaayos.
Naisipan kong bumaba para tingnan kung ano ang linulutong ulam ni Mama."Ma? Ano yan?" tanong ko.
"Eh ano pa ba? Nagluto lang naman ako ng aking specialty, Menudo" tugon niya.
"Eh bakit parang ang dami naman niyan?" nagtatakang tanong ko. Hindi naman kami sobra kung kumain.
"Balak kong bigyan ang mga kapitbahay natin. You know, let them know na may bagong lipat." masayang sabi ni Mama.
"Ahh." maikling sagot ko. Then naalala ko na pwede kong makita yung lalake kanina, kaya naman napangiti ako habang nagtatakang nakatingin sa akin si Mama.
"Ano nginingiti-ngiti mo diyan ha?" inis na nagtatakang tanong sakin ni Mama.
"Ah wala ma, pero pwede bang ako nalang ang magbigay diyan sa kabila?" masayang tanong ko.
"At bakit naman?" pagtaas ng kilay ni Mama.
"Basta ako nalang magbibigay no?" pagkumbinsi ko sa kanya. Pleasee, ikamamatay ko kung hindi ko siya makita ulit HAHAHA charr.
"Sige sige, tulungan mo na ako ditong ilipat sa lalagyan para mapamigay na natin." utos ni Mama.
Agad ko namang ginawa dahil excited na akong makita ulet si Future Husband ko, charot. Asa pa ako eh no? HAHA.
Tinawag na ni Mama si na ate't kuya para tumulong at ako naman kinuha ko na ang para kay Future Husband ko at nagpaalam na para pumunta sa kabilang bahay.
Pagdating ko sa pintuan nila ay napansin kong sobrang tahimik kaya kinabahan ako at baka tulog na sila.
Pinindot ko ang doorbell habang nagdadasal na sana ay gising pa sila dahil ayaw ko namang makaisturbo at gusto ko rin siyang makita ulit.
Laking gulat ko ng bumukas ito at nakita ang isang nurse?!
-----------------------------------------------------------
FOLLOW ME FOR MORE UPDATES
PLEASE VOTE AND COMMENT
THANK YOU!
BINABASA MO ANG
l i f e l i n e (on hold)
Romance"you only live once, so what do say?" started:05-19-20 ended:n/a unedited