Timothy's POV
"Hijo, kumain kana ng hapunan dito para makainom ka na ng gamot mo!" tawag sakin ni Nurse Fey.
Nurse Fey has been my nurse from the very beginning. Siya lagi ang kasama ko at maybe she even knows me more than my own parents.
She treats me like his son kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ko sakanya.
"Opo, bababa na po!" sagot ko. Binaba ko ang librong binabasa ko at bumaba na.
"Umupo kana diyan, Tim." utos niya na agad ko namang ginawa dahil gutom na rin naman ako.
Uupo na rin sana si Nurse Fey para saluhan ako nang may nag-doorbell, kaya naman agad siyang pumunta sa may pintuan para tingnan kung sino ito.
Kakain na sana ako ulit ng marinig ko ang boses ng isang babae na kausap ni Nurse Fey.
"A-ah, g-good evening po. Kami po yung bagong lipat sa kabila, eh nagluto po si Mama ng specialty niyang Menudo para ipamigay, sana magustuhan niyo po." dinig ko mula sa pintuan.
Napaisip ako kung siya ba ang parehas na babaeng nakita ko kaninang umaga.
Gusto ko sanang sumilip kaso nangingibabaw pa rin ang hiyang nararamdaman ko pag naiisip ko ang nangyari kanina.
Kaya itinuloy ko nalang ang pagkain ko, at saktong dumating si Nurse Fey na may bibit na paper bag.
"Ano po yan?" tanong ko. "Ah, menudo daw, bigay nung mga bagong lipat diyan." tugon niya.
"Can I have some?" tanong ko. Inabot niya sa akin ang menudo at umupo upang kumain na.
Don't worry I won't die hehehe, as soon as something or someone enters the house it will be sanitized like magic.
They put machines everywhere in the house that will kill any bacterias that can harm me, so yeah as I said this is my safe zone.
I reached out for the menudo and tasted it. Ang sarap niya! You can taste love and effort put into it. It tastes like home. Kagaya ng mga linuluto ni Mom dati.
As I was eating, hindi ko napansin na naubos ko na pala kaya naman natawa nalang sakin si Nurse Fey.
"Sorry po." I felt kinda guilty. I smiled sheepishly while scratching the back of my neck. I can't believe I finished it all by myself.
"Ano ka ba, okay lang. Masaya nga akong nakikitang madami kang nakakain." natatawang sabi ni Nurse Fey sa kanyang alaga.
"Since tapos kanang kumain, inumin mo na mga gamot mo. Then umakyat kana para magpahinga." utos niya sa binata.
Tumango naman ito at dali-daling kinuha ang mga gamot sa may cabinet para maka-inom na.
Pagkatapos nitong uminom ay aakyat na sana siya ng biglang siyang tawagin ni Nurse Fey.
"Tim! In a week, uuwi ang parents mo." paalala nito. I rolled my eyes and sighed. They will still work at home kaya what's the point of even going back.
"Fine, I guess." tugon ko. Agad naman akong umakyat sa kwarto para makapag pahinga na rin.
-
-
-Serenity's POV
"A-ah, g-good evening po. Kami po yung bagong lipat sa kabila, eh nagluto po si Mama ng specialty niyang Menudo para ipamigay, sana magustuhan niyo po." nahihiyang abot ko ng pagkain.
"Ah, salamat dito ineng. Kakalipat niyo lang ba?" nakangiting tanong niya.
"Eh, kaninang umaga lang po hehe." nahihiyang sagot ko.
"Babalik na po ako sa bahay, have good night po." ngiti at dali-dali akong umuwi.
I have so many questions in my head, ayaw ko namang magmukhang tsimosa pero... Aishh! Bahala na.
"Nabigay mo na ba? Nasarapan ba sila? Mababait ba sila?" bungad agad sakin ni Mama.
"Mabait naman pero hindi ko alam kung nasarapan sila eh. Tanong mo nalang sa kanila bukas Ma." tugon ko.
"Sige na, umupo kana at kumain dito ako nalang magtanong bukas." sabi ni Mama.
"Pero alam mo ma, ang weird lang kase nurse ang nagbukas ng pinto. Eh diba this village is only occupied by business man and woman?"
"Baka naman katulong lang?" pakisali ni ate. "Hindi ate, yung suot niyang damit kagaya nung mga suot ng nurses diyan sa Alvares Hospital." depensa ko.
"Baka naman private nurse nila." pagkumbinsi ni Mama sa akin.
"Baka nga." sumang-ayon na lamang ako. Bakit ba sobrang curious ko? Serenity, snap out of it!
---
Agad naman akong umakyat para maghilamos pagkatapos kong kumain.
Pagdating ko sa kwarto, naalala ko na katapat ng bintana ko ang bintana nung lalake kanina.
Naisipan kong silipin ito ngunit sa kasamaang palad sarado na ang ilaw at nakababa na ang blinds.
Hays, sayang. Maghihilamos na sana ako ng maisipan kong magdikit ng papel na may nakasulat na "Hello" sa bintana at baka sakaling makita niya ito bukas.
Kumuha ako agad ng papel at sinulatan, pagkatapos ay dinikit ko na ito at napangiti. Sana talaga makita niya to.
Naghilamos na ako at pagkatapos ay humiga na ako para makatulog na. Sana talaga makita niya, please lang po.
-----------------------------------------------------------
FOLLOW ME FOR MORE UPDATES
PLEASE VOTE AND COMMENT
THANK YOU!
BINABASA MO ANG
l i f e l i n e (on hold)
Romance"you only live once, so what do say?" started:05-19-20 ended:n/a unedited