****
"Pa! Aalis na po ako"
Pababa na ako ng hagdan. Ngayon ako pupunta sa interview na in-applyan ko. Kailangan ko ng mag katrabaho para naman may mai- tulong ako sa pamilya ko. Ilang araw na din akong tumigil sa pag-aaral ko dahil sa kahirapan ng buhay.
"Sige Myth. Hindi ka ba muna kakain?"
"Pa Hindi na po malalate na po ak-"
Naputol ang sasabihin ko ng biglang may nabasag na bote.
"Oy Myth ano pang ginagaw- hik! mo dito ha! Um-hik! alis ka na nga dito at mag-hik! hanap ka na ng tra-hik! baho! Wala ka ng ngang itinu-hik! tulong diyan-hik! Tutungatunganga kapa diyan! Kahit ke-hik! Lan wala kang kwen-hik! ta!"
Lalapit pa sana sa akin si Mama pero agad siyang hinawakan ni Papa.
"Ano ba Miguel-hik! ito! Bitawan mo ako! Miguelito!"
Sinenyasan ako ni Papa na umalis na. Umalis na agad ako at baka Kung ano pang gawin ni Mama. Si Mama lagi nalang lasing kapag nasa bahay. Umagang-umaga umiinom na agad siya ng alak.
Naluluha ako na lumabas ng bahay. Hindi ko maintindihan Kung bakit lagi nalang akong pinagbubuntunan ng galit ni mama. Kahit Hindi siya nainom ng alak lagi siyang galit sa akin. Kahit noong bata palang ako hindi ko naranasan ang pagmamahal ni mama sa akin. Kaya nga madali nalang para sa kanya ang patigilin ako sa pag-aaral. Parang masaya pa siya na Hindi na ako mag-aaral. Para akong mabigat na bagay sa maleta niya na Kung hindi tatanggalin mananatili ang bigat nito. Excess Baggage ika nga.
Papunta na ako sa in-applyan kong trabaho. Pag karating ko doon agad kong itinulak ang pintuan. Ngunit hindi ito bumukas. Akala ko ba ngayon yung interview? Kaso kahit anong tulak ko Hindi ito bumubukas.
Sinilip ko ang loob nito at ang gulo ng loob nito at meron akong nakitang police tape sa lahat ng gamit na naroroon.
"Ah iha anong ginagawa mo diyan?"
Napatingin ako sa likod ko. Isa itong matandang babae na sa tingin ko ay may edad na early 80's na ito.
"Ah eh nag apply po kase ako ng trabaho dito kaso po sarado po ang pintuan."
"Nakuuu ihaa! nag ka-roon ng biy-bust opirition di-yan. Ki gahapon ng gabi mengyari iyon. Miron daw kasing illigal na ga-wain sa loob ng gu-sali na i-yan. May mga nagbibinta daw ng illigal na droga at miron daw mga dalagingding na natag-puan sa loob na mukhang mga pukpuk. Eh? Sa tingin ko mga pukpuk nga ang mga iha. Nakuuuu!!! Sos maryosep! Mga dilag!. Naketa ko kasi na lumabas yung mga babai na iyon at mga naka bra at panty la-ang sila... Aruuuuu! at yung isa ko pang naketa na babai kumot lang ang saplot. Sayang ang gagandang mga dilag pa naman nelaaa! kaso pukpuk ang mga babaita!. Mga patapon na buhay. Mga bata nga na- mannnnn ngayonnnnn. Nakakagigellll! Basta't pira handang bumukaka. Hayssst."
grabe dami sinabi ni ale.
"Ah sige po"
Gumuho ang mundo ko ng malaman ang mga iyon. Muntikan na pala akong pumasok sa isang illegal na trabaho. Sa sobrang desperada ko ng mag katrabaho, Hindi ko na napansin ang in-applyan ko. Muntikan na ako. Buti nalang nangyari na ang buy-bust operation bago ako nakatungtong sa lugar na iyon.
At hindi ko lubos na maisip na ako'y nagsasayaw sa gitna ng isang lalaki, yak.
Kinalimutan ko na ang nangyari kanina at nag hanap nalang uli ako ng mapapasukan.
Pumasok ako sa isang fast food chain para mag apply bilang janitress o kahit ano na pwedeng maging trabaho ko doon. Sakto namang pag pasok ko ang pag labas ng manager sa counter. Agad ko itong sinalubong. At nag tanong Kung meron ba silang vacant na trabaho. Ngunit cook lang daw ang vacant. Eh Hindi naman ako marunong mag luto so nagpaalam nalang ako sa manager na aalis na ako.