Chapter 5 - First LQ?

18 0 0
                                    

CRUSH AT FIRST SIGHT?! O.O

"Alam mo? Ang dami mong echos."

"Oh bakit? Totoo naman e. Imposibleng hindi ka magkacrush sa kaniya. Ang gwapo kaya."

"Whatever." Pagtataray ko.

Binalik ko na lang yung Attention ko sa Teacher ko. Buti na lang, hindi kami nahuling nagtsitsismisan ni Loren. Pagtingin ko sa orasan ko, 5min na lang at magtatime na. Ang tagal naman kasi e. Kaya hinihintay ko talagang magtime.

Nagdaan ang ilang subjects, hanggang sa huling subject na.

Pauwi na ko. Nagpaalam na lang ako kay Loren na mauuna na kong umuwi dahil sa inaantok talaga ko.

Naglalakad na ko pauwi. Dahil sa inaantok ako, bangag-bangag akong naglalakad sa daan. Hindi ko namalayan na may nakabunggo akong tao. Nagsilaglagan tuloy yung mga dala kong libro.

"Ano ba?! Hindi ka ba natingin sa dinadaanan mo?!" Sigaw niyang sabi. Hindi ko pa nakikita kung sino nakabungguan ko. Busy kasi ako kakapulot ng librong nalaglag e. Nung pupulutin ko na yung huling libro, saka ako nagsalita.

"Sorry. Hindi ko sinasad.................... O.O

"Hindi mo ano?!"

O.O

"Hoy! Ano ba?!"

"Uhmm. Sorry. H-hindi ko sinasadya. Inaantok k-kasi ako. K-kaya hindi kita n-nakita. So-sorry." Nakakahiyaaaaaaa!

"So kasalanan kong inaantok ka? Sa susunod kasi, wag kang magpupuyat para di ka nakakabunggo ng tao." Aba! Napaka nito uh.

"Hooooooy! Kung makareklamo ka kala mo kung ano na nagawa ko sayo. Bakit? Namatay ka ba huh? Nasugatan? Hindi naman dba?! Kaya wag kang magreklamo ng ganyan kung wala namang nangyare sayo!" Inis kong sabi.

"Ikaw na nga nakabunggo, ikaw pa may ganang magalit?!" Sumisigaw na siya. Ohmyyyy! Pero sige lang Ada. Wag kang papatalo sa kanya. Kaya mo yan!

"EH HINDI KO NGA SINASADYA DBA?! TSAKA NAGSORRY NA KO. WASN'T THAT ENOUGH?!" Sumisigaw na rin ako.

"HINDI PA! HINDI AKO NATANGGAP NG SO........."

"Babe!" Huh?

"Babe ano na naman ba to?!" Inis na sabi nung Babae. Grabe! Ang ganda niya talaga. Nakakastarstruck!

"Eto kasing babaeng to e. Siya na nga nakabangga, siya pa may ganang magalit." Aba! Ako pa? Ang kapal talaga ng pagmumukha nitong lalaking to.

"HOY! ANG KAPAL NG MUKHA MONG SABIHI............."

"Uhm. Excuse me. Ikaw ba yung nakabangga niya? Sorry huh? Mainitin talaga ulo nito ni Niel e. Pasensya na. Anong Name mo?" Pagtatanong niya.

"Ako po si Alodia. Alodia Versoza po. Ada na lang po for short."

"Alodia? Ada? Ikaw yung Transferee?"

Tumango na lang ako.

"Hi. Ako nga pala si Airies Buenaobra. Ate Airies na lang tawag mo sakin. Graduating na kami dito. Buti na lang, naabutan pa kita." Grabe. Ang bait-bait niya.

"Pasensya na ulit uh? Ganito lang talaga to. Yaan mo, kakausapin ko. Okay?" Then nagsmile siya sakin. Grabe talaga ang ganda niya. Pano nakakatagal to sa lalaking super mainitin ang ulo? Grabe!

"Anyway, sige, pauwi ka na ba? Mukha kasing nagmamadali ka e."

"Opo. Inaantok po kasi talaga ko. Gusto kong matulog sa bahay kaya umuwi na agad ako. Sige, una na po ako. Pasensya na ulit talaga sa nangyare." Then umalis na ko.

Pagdating ko ng bahay, dumeretso na agad ako ng kwarto. At dahil sa nangyare kanina, nawala antok ko. -_- Dahil sa hindi na ko inaantok, inopen ko na lang Facebook ko.

Pogi nga, para namang pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang kasungitan. MAJOR TURN OFF. -_-

Yan ang pinost ko. Chineck ko lang yung Noti ko, then inout ko na rin agad. Bigla kasi ako nakaramdam ng antok. Kaya ayun, natulog na lang ako. HAYS. WHAT A DAY. -____-

The Desperate Love (ON hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon