Chapter 4 - Crush at First sight

23 0 0
                                    

7am class ulit. Buti na lang, hindi ako nalate ng gising. Kumain na ko at naligo, at pumasok na ko.

Ganun ulit. Discuss dito, discuss dun. Kinig dito, kinig doon. Kwentuhan dito, kwentuhan doon. Okay na rin ako sa iba kong Classmates. Nakakakwentuhan ko na silang lahat. Okay naman ang pagtanggap nila sakin.

Recess time na. Pumunta muna kami ng Canteen.

"Ada, anong gusto mo?" Pagtatanong sakin ni Loren.

"Spaghetti na lang Loren." Sagot ko.

"Okay sige."

Naghihintay lang ako sa table ngayon nang may nakita akong kakaibang nilalang na dumaan sa harap ko. Nakatulala lang ako, nang.......

"ADA!!!!!!!!!"

"Ayy bwisit ka!" Sigawan ba raw ako sa tenga? -_-

"HAHAHA. Bat ka ba kasi nakatulala dyan? Kanina pa ko nagsasalita dito e." Nagtatampong sabi ni Loren.

"Ayy sorry. Tara kain na tayo." Pagyaya ko.

Nakain lang kami. Walang umiimik. Nang makita ko na naman ang nilalang na yun, ako na bumasag ng katahimikan saming 2 ni Loren.

"Loren."

"Hmm?" Habang nanguya.

"Sino yun?"

"Alin?"

"Yun oh." Panguso kong tinuro yung direksyon.

"Ahh. Si Niel?" So Niel pala name niya.

"Ahh. Niel pala name niya." Pabulong kong sinabi.

"Bakit? Crush mo ano?" Agad-agad?!

"Huh? Loka. Hindi ah!" Pagdeny ko.

"Hahaha. Okay lang yan. Marami talagang nagkakagusto dyan. Kaya lang, may GF na e. Ayun oh! Si Ate Airies." Whaaaat?! May GF na?

"Ang ganda naman niya." Sabi ko. Totoong maganda siya.

"Buti nga, nakakatiis yang si Ate Airies e. Biruin mo, ang daming babae niyang Niel na yan. Kaya lang, sa sobrang pagmamahal ni Ate Airies, hinahayaan na niya lang." Pagkukwento niya.

"Ayy grabe. Kung sakin niya gawin yan, baka putulan ko pa siya ng ano." Inis kong sagot.

"Nako! Baka kainin mo yang sinabi mo Ada." Sagot niya.

"Hay nako. Totoo yung sinabi ko. Kumain na nga lang tayo! At malapit nang magtime." At inubos na lang namin yung kinakain namin.

Nagsimula na ulit yung next subject namin. History time! So boring. -_-

Inaantok ako! Pinipilit kong dumilat para makinig. Kaya lang, di ko na talaga kaya. -_-

*kulbit*

"Tsk." Sabay hawi ko ng siko ko.

*kulbit kulbit*

"Ano ba yun Loren?! Pabulong kong sabi.

"Inaantok ka?" Ayy obvious ba Loren?! :3

"Gusto mong magising?"

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Tingin ka sa labas." Nasa may bintana kasi ako nakaupo. Nang sumilip ako......

O.O

"Ano? Nagising ka na ba? HAHAHA." Pang-aasar niya habang bumubulong.

"Loko ka talaga Loren. Ano naman kung nandun si Niel?" Naglalaro kasi siya ng basketball kasama ng iba niyang kaklase. PE Class nila.

"Kasi alam ko na magigising ka pag nakita mo siya."

"At bakit mo naman nasabi yan aber?!"

"Kasi na-CRUSH AT FIRST SIGHT ka sa kaniya."

The Desperate Love (ON hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon